Chapter 3

38 0 0
                                    

" LOVE?? DEFINE LOVE. "

"Mark, wag mo kong iiwan please?? Mahal na mahal kita"

         Nakikita ko si Risse ngayon. Nagmamakaawa siya sa isang lalaki, halos lumuhod na siya sa harapan nito pero parang wala lang ang ginagawa ng bestfriend ko sa kanya.

"Clarisse tumayo ka nga dyan. Sinabi ko naman sayo diba, may mahal na akong iba kaya kung maaari lang tumigil ka na, hindi na kita kailangan"

"Pero Mark, mahal na mahal kita eh... pangako, gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong ipagpalit sa ibang babae. Please Mark, hindi ko kayang wala ka. Ikamamatay ko kapag nawala ka Mark"

"Pwede ba Clarisse hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, at higit sa lahat wala akong pakialam kahit na ikamatay mo pa ang paghihiwalay nating dalawa !"

"Mark ! Mark ! Kailangan kita sa buhay ko, hindi ko kayang mag-isa !"

         Halos halikan na ni Risse ang sahig para lang magmakaawa dun sa lalaki. Hindi ko kayang nakikitang nagkaka-ganito ang bestfriend ko. Walang pwedeng magpaiyak sa kanya. WALA !!!

         Lalapitan ko na dapat si Risse ng may biglang lumapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo habang ang lalaki naman ay tuluyan ng umalis.

"Risse, tama na.. Ayoko ng nakikita kang nagkakaganyan, ayokong nakikita kang nasasaktan. Wag kang mag-alala pagbabayaran niya ang panglolokong ginawa niya sayo. Pagbabayaran niya ang pananakit sa bestfriend ko"

         Yinakap ni Risse ang babaeng lumapit sa kanya. Ang babaeng iyon ay..... AKO??? Ako ang babaeng lumapit sa kanya, ako ang babaeng tumulong sa kanya.. Ako...........

"Best, ang bigat bigat ng nararamdaman ko dito sa dibdib ko, nahihirapan ako.. Sweet...."

"Sweet ! Sweet ! Bumaba ka nga dito at tulungan mo akong isakay tong mga kahon"

         Unti-unting dumilat ang mga mata ko. Isang hindi magandang panaginip, malamang bangungot lang ang lahat...

"Opo Ma! Bababa na po ako"

         Bumaba na ako, binibilang ni Mama ang mga kahon na nakalapag sa sahig ng sala. Halatang may pupuntahan si Mama dahil sa suot niyang maong at asul na blusa.

"Oh Sweet, tulungan mo nga ako dito, isakay natin tong mga kahon doon at malalate na ako, sumabay ka na rin pala sa akin sa pagpasok. Quarter to 8 na oh"

"quarter??"

         Napatingin ako sa kulay berde naming orasan na nakasabit sa may kusina.

"Hala malalate na pala ako ! teka lang Ma, 10 minutes.. maliligo lang muna ko"

"Sige sige. Bilisan mo ah!"

"Opo Ma"

         Dali-dali na akong umakyat para maligo at mag-ayos para sa pagpasok. Kinuha ko ang bag ko at dalawang libro, bumaba na ako at sumakay na sa sasakyan kung saan naghihintay si Mama.

"Bakit late ka nagising?? Nanaginip ka nanaman ba??"

"Huh? Nako hindi Ma, ano lang po kasi... uhmm Napuyat lang po ako kagabi.. ayon po, dahil lang po sa puyat"

         Ayokong sabihin kay Mama ang totoo. Natatakot akong baka hindi niya ako paniwalaan, natatakot ako na baka iwan niya ako..

"Wag ka na ulit magpupuyat para hindi ka tinatanghali ng gising"

"Opo Ma, Ma dito na lang po ako sa tabi"

"Ah,, sige"

         Tinabi ni Mama ang sasakyan, bumaba na ako at nagpapaalam kay Mama. Pumasok na ko sa gate ng University namin. Hindi kalayuan nakita ko si Risse.

"Risse ! Clarisse Asuncion !"

         Napalingon si Clarisse sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin. Napansin kong hindi nakasintas yung sapatos niya.

"Risse ! Woy yung sintas mo !"

"Ano?!"

         Dahil sa hindi niya ako marinig, tumakbo si Risse papunta sa akin. At ayun.. ang tragic ng nangyari.. nadapa siya dahil lang sa SINTAS niya.. Pero buti na lang talaga at may sumalo sa kanya. 

"Risse !!!"

         Sa sobrang pagkabigla ko sa nangyari, tumakbo na ako papunta kay Risse.

"Uy best okay ka lang ba?"

"Miss, are you okay?"

"Ah, salamat po kuya, okay lang ako"

"Best, gusto mo bang pumunta ng clinic?"

"Uhmm, gusto mo, dalhin kita sa clinic?"

"Nako hindi na po, nakakahiya naman, okay na po ako"

"Sure ka ba? Sige sige, ingat ka na lang sa susunod"

"Sige. Thanks"

         Umalis na yung guy na sumalo kay Risse.

"Uy Sweet, kanina ka pa ba nandyan??"

"Ay hindi naman masyado, siguro mga 5 minutes na akong nandito, grabe ah! invisible ba ko? kasi ganon ang nangyari nung nandito pa yung guy eh"

"Huh? Bakit?? Nako hindi ah, tara punta na tayo sa room"

"Anong bakit? Naka-ilang tanong ako sayo teh tapos yung mga tanong lang nung guy yung sinagot mo. Anyareh naman??"

"Ganon ba? Sorry Sweet hindi kasi kita napansin eh"

"Ganon?? Alam ko naman na hindi ako pansinin eh, pero ganon na ba ako kaliit para hindi mo agad makita??"

"Hahahaha, sorry na best, hindi ko talaga napansin kanina eh, nag slow-mo kasi lahat parang dun sa mga palabas tapos nagkaroon ng background sa likod niya tapos biglang may background music na tumugtog..."

"Star" by CNBlue's Kang Minhyuk

tteollineun soriga deullini

oh star

tteugeoun simjangeul neukkini

you’re my star

"Ahhhhh, anong ibig mong sabihin?? Nalove at first sight ka?"

"Love ba to??"

"Eh kasi ang alam ko.. teka! EWAN KO! Hindi pa naman ako naiinlove eh !"

"Feeling ko nga love na talaga to eh"

"Paano mo naman nasabi?"

"Background? CHECK! Slow-mo? CHECK! Music? CHECK!"

"So??"

"So?! ganitong-ganito nangyayari sa mga pinapanuod kong KD eh"

"Nako po.. eto na nga.."

         Sa paglalakad naming dalawa, nakarating na kami sa room namin sa may basement, BBA-302 ng hindi namin namamalayan. Saktong pagkaupo namin ay siyang padating ng prof namin. 3 hours na discussion. Mahaba-habang oras para sa mga kaklase kong lalaki na nakaupo sa likod para matulog. Ang iba naman ay para titigan ang crush nila. Yung iba ay para magdrawing at magsulat sa upuan, kwaderno, libro at sa gamit ng kanilang katabi. At yung iba ay para magfocus at makinig sa lahat ng sinasabi ng prof.

End of Chapter 3...

Sweet Dreams (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon