" Bestfriend or Guyfriend?? "
Kinabukasan..
Sabay kaming pumasok ni Risse. Naghintayan kami sa tapat ng tindahan ni Aling Memay na tapat lang ng University na aming pinapasukan. Dumiretso na kami sa next subject namin sa may computer lab.
"Sweet may chika ako sayo !"
"Teka parang alam ko na yan eh !"
"Huh? Paano at ano???"
"Yung Super Junior-M 'Break Down' nag-1st sa True Music Top 20 weekly chart sa may Thailand, 4 weeks in a row yun! tapos nagranked 1 din sila sa B2S Top 20 weekly chart sa Thailand ! 3 weeks in a row !"
"Hala ! Talaga?!"
"Uhmm oo"
Grabe nagresearch pa talaga ako para makarelate naman ako paminsan-minsan pero mukha atang magkaiba kami ng gustong sabihin. AYAYAY !!!
"Wow ! Ang galing talaga ng SuJu !"
"Teka teka, so ibig mong sabihin, hindi mo alam ang tungkol dun??"
"Hindi"
"Pero bakit??"
"Kasi hindi ako nakapag-update kahapon eh"
"Pero bakit??"
"Paulit-ulit?? Ayun nga ! Yun nga yung talagang sasabihin ko, kasi kahapon busy ako sa pagchachat"
"Chat?? Kanino?"
"Dun sa guy na sumalo sa akin kahapon"
Wow ang bilis ah! Matik talaga to si Risse eh. Parang kahapon sinalo siya tapos ngayon may progress na?! GRABE !!
"Yung guy ? Teka magkakilala kayo??"
"Well Actually hindi ko din alam pero inadd niya ko eh"
"Ahh.. hmmm so ngayon magkakilala na kayo??"
"Oo ata, sobrang haba ng usapan namin kagabi eh, so siguro we're friends na ^_^"
Inadd?! Bakit? Dahil sinalo niya si Risse? Pero bakit? Parang may mali eh, parang may hindi tama... Malamang mali nga eh ! Diba? XD
"Hindi ba parang may...."
"Clarisse !"
Napalingon ako sa lalaking tumawag kay Risse. Who's that guy??!! Hmmmm.
"Mark, hi !"
"Hi, busy ka ba mamaya?"
"Actually maglilibrary kami ni Risse mamaya so..."
"Ah Mark, free ako mamaya. Diba Sweet pwede naman nating ipagpabukas ang paglilibrary natin"
"Bukas?!"
"Pssssh ! Sweet diba oo, diba diba"
"Ah eh.. oo daw eh.. free DAW siya"
"Good.. kitakits mamaya ah, I'll wait for you doon sa tapat ng tindahan ni Aling Memay"
"Sige sige Mark, bye"
"Bye Clarisse"
Lumakad na papalayo si Mark.. Mark ba yun?? Hayy ewan.. Grabe ka Risse T.T pinagpalit mo na ako over that guy na kahapon mo lang nakilala tapos ako?! Ako na bestfriend mo?! Why Risse?! WHY??!!!!
"Hoy Sweet! Anong ineemote mo dyan?"
"Huh.. ah wala ah"
"Okay. tara punta na tayo sa computer lab"
Dumiretso na kami ng computer lab tapos sa iba pang subjects namin at gaya nga ng dapat mangyari pumunta ako ng library ng mag-isa habang pumuta naman si Risse sa tapat ng tindahan ni Aling Memay.
End of Chapter 4...
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams (Revising)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng hindi alam kung paano bibigyang kahulugan ang bawat panaginip na kanyang napapaginipan. Iikot ang mundo niya sa mga panaginip, kaibigan at buhay pag-ibig...