Chapter 12

20 0 0
                                    

“ Hindi kita Iiwan “

"Oh bakit ngayon lang kayo?"

"Oo nga"

         Gusto kong sumbatan sila Imman at Paula na kaya ako nalate ay dahil sa kanila... hayss pero mali ang manisi ng iba kung alam ko mismo sa sarili ko na may mali rin ako.

"Ahmm natraffic kami ni Sweet kaya late. Sorry"

"Sige sige ok na yan, start na tayo"

         Napatingin ako kay Patrick. Hindi naman kami na traffic, nadamay lang siya sa pagiging engot ko. Ngayon ko lang siya nakitang magdahilan. Pero bigla kong nilihis ang pagtitig ko sa kanya ng bigla niya akong tinignan. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla nanaman akong kinabahan.

"Ganito na lang ang mangyayari, tutal dalawa kami ni Patrick na lalaki tapos dalawa rin kayong babae.. Bale ganito ang magiging takbo ng story ng play natin.. Magpapatayan sina..."

"Teka teka Imman, ayoko ng patayan. Mas maganda siguro kung love story ang gawin natin para mas feel ng mga kaklase nating yung emosyon na nais nating iparating"

"Pero mas maganda pag patayan"

"Mali ka naman Imman"

         Sa mahabang pagtatalo ni Paula at Imman, nauwi sa love story ang play namin. Sinabi na ni Paula ang magiging takbo ng istorya.

"Ganito ang mangyayari, tutal sabi ni Ma’am, tatlo lang naman daw ang aarte eh kasi yung isa sa atin magiging director ng play so ako yun at kayo ang mga aarte. Bale ganito ang mangyayari yung babae kailangan na niyang mamili sa dalawang lalaki, tapos yung isa talaga yung mahal niya ang kaso hindi pwede kaya lalo siyang maguguluhan tapos kailangan emote na emote sa part na yun ah. Bale ang mangyayari pipiliin niya yung hindi niya mahal tapos after ng ilang months magkikita sila ng guy na mahal niya talaga. Tapos sa time na yun, nagbreak na yung couple kanina tapos alam niyo na ending haha basta ganyan ang plot”

“Ahmmm bale Paula ako yung girl na may dalawang manliligaw? Tapos sino yung guy na mahal ko?”

“Hmmmm... teka sino ba may gusto? Imman gusto mo ikaw na lang yung mamahalin ni Sweet sa play?”

“Ayos lang sa akin”

“Good ayan na Sweet, bale si Patrick yung pipiliin mo pero sa una lang yun tapos...”

“Teka.”

         Biglang nagsalita si Patrick. Nagulat kami sa nangyari. Tinanong ni Paula kung anong problema.

“Uhmm ano yun Patrick??”

“Gusto kong magpalit kami ni Imman ng role”

         Napatingin ako kay Paula na nakatingin din sa akin pagkatapos ay ibinaling ko ang  tingin ko kay Patrick dahil sa sinabi niya. Napatingin naman sa akin sa Patrick sabay ngiti. Yung tipong nakakaloka yung ngiti niya, parang ngiti ni *insert cute guy who has a cute smile*. Pati na ang titig niya. WAG NALULUSAW AKO!! -.-“ ano bang problema nitong si Patrick? Pinagtritripan niya ba ako?? Nako nako tigil tigilan mo ko Patrick, akala mo naman ma-fafall ako sa ginagawa mo, asa ka pa!

“Ah eh, sige sige Patrick.. So Imman magpapalit kayo ng role ni Patrick ah tapos Sweet ganon pa din syempre. OK! Practice na tayo !”

         Nagtayuan na kami at sinimulan na ang pagprapractice para sa play namin.

“Phew.. Grabe napagod ako”

“Ako nga din eh, sige pwede na tayong magsiuwian, uwi na ko dyan lang naman bahay ko eh”

“Sige Paula. Ah guys ako din ah, sa katabing subdivision lang ang bahay ko eh”

“Sige sige Imman, ingat ka”

“Ikaw din Sweet. Ingat kayo ni Patrick pauwi ah, bye”

         Natulala ako sa sinabi ni Imman. Oo nga pala. Kami na lang ni Patrick ang natira. Ito nanaman ang weird na feeling. Kailangan kong makatakas sa sitwasyon na to! >_<

“Ahmmm Patrick sige una na ako”

         Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya ng bigla niya akong tinawag.

“Sweet!”

        Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya, parang ang saya saya niya. Pero hindi, hindi ito pwede.. Patibong lang niya ito para asarin ako. Ang kaso.. kaso bigla siyang lumapit eh.

“Ba...ba..bakit?”

“Alam mo.”

“Teka! Bakit mo ba ako hinahawakan?”

“Mali kasi ang way na dinadaanan mo, baka maligaw ka nanaman niyan eh”

“Teka... teka...”

         Hinila na niya ako papunta doon sa sakayan kaso sobrang layo.. Napapagod na ako, ang bilis bilis pa man din nyang maglakad. UGHHHHHH! May nanghahabol ba sa atin?! ANO BA YAN! Kailan mo ba kasi ako bibitawan?! Namumula na ang kamay ko T.T tsssssssss. Ng biglang...

“Ahhh!”

        Napahinto si Patrick at tumingin siya sa akin. Napaupo ako dahil sa biglang sumakit ang paa ko.

“Bakit? Anong nangyari sayo?”

“Ang sakit ng paa ko. Kanina mo pa ako hinihila! Alam mo ba yun? Grabe ka! Kinaladkad mo ko, pwede namang maglakad ng maayos tsss”

“Patingin nga ng paa mo”

“Wag na! Okay lang ako!”

“Tss.. Okay lang, eh ni hindi ka nga makatayo diyan”

“Okay nga lang ako! Umuwi ka na nga!”

        Napasigaw ako sa sobrang inis sa kanya. Siya na nga tong may kasalanan kung bakit ang sakit ng paa ko tapos siya pa tong may ganang magalit. GRABE!!! Tsss . Akala mo naman kailangan kita.. TSE!!

“Kung inaakala mong iiwan kita ng ganyan ang sitwasyon mo, nagkakamali ka”

         Biglang kinuha ni Patrick ang mga kamay ko at inangkas niya ako sa likod niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya pinaghahampas ko siya.

“Ibaba mo nga ako!! JOHN PATRICK MERCADO! Ibaba mo ko!! UGH!!”

“Aray! Pag hindi ka tumigil hahalikan kita dyan”

         Napatigil ako sa sinabi niya. ANG KAPAL! May plano ka pang nakawin ang first kiss ko ah! Over my dead body! HMPPP! Nakatulog ako sa sobrang pagod.. Well alam ko na hindi naman ako naglakad kaya bakit ako mapapagod, pero napagod na ako kakasigaw kay Patrick kaya ayun. Hindi ko na alam kung ano yung mga sunod na nangyari. Nagising na lang ako nasa bahay na ako. Tinanong ko si Mama kung anong nangyari at ang sabi niya ay may naghatid daw na lalaki sa akin dito at kaklase ko daw. Tinanong ko si Mama kung paano nalaman nung guy yung bahay namin at ang sabi lang ni Mama ay may tumawag sa kanya gamit ang phone ko at kinuwento niya ang mga nangyari. Si mama ang nagsabi ng address namin. Si Patrick ang naghatid sa akin. Pero bakit?? Bakit niya ginawa yun?

End of Chapter 12...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Dreams (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon