" Heaven or Hospital? "
"Okay naman ang pasyente, may kaunting galos lang siya pero wala namang malalang nangyari sa kanya kaya maaari na siyang ilabas ng hospital"
"Salamat po doc"
"Ikaw ba ang kaanak ng pasyente? Pumunta ka na lang ng cashier para sa payment"
"Ah sige po doc"
Ano yung ingay na yun? Unti-unting dumilat ang aking mga mata. Hindi pa ako patay, walang ulap.. pero... pero nasaan ako??
"Nasaan ako?"
"Ah miss, nasa hospital ka ngayon. May masakit ba sayo?"
"Hospital? Pero bakit? Anong nangyari?"
Sinubukan kong bumangon kaso ang hirap. Biglang lumapit sa akin yung guy na kausap ko at inalalayan niya ako para makaupo.
"Thanks"
"Muntik ka ng masagasaan kanina, masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya siguro wala kang maalala"
"Masagasaan? teka, ikaw ba yung lalaking nagligtas sa akin??"
"Hmmmm.. oo , akala ko wala kang maaalala"
"Kung ganon, yun ba ang dahilan kung bakit may bandage yang kaliwang braso mo?"
"Ah ito? Wala to, galos lang ito. Hmm gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita sa inyo."
"Nako wag na."
"Ayos lang sakin"
Dahil sa mahabang pilitan namin, pumayag na akong ihatid niya ako pero hanggang bus stop lang. Habang nasa sasakyan kami....
"Bakit mo ako niligtas?"
"Huh? Ah, ayoko lang makakita ng nasagasaan na babae"
"Pero muntik ka ng mapahamak kanina"
"Pero wala namang nangyari saking masama, kaya okay lang yun.. okay na sa akin ang simpleng thank you"
"Thank you. thank you sa pagliligtas po sa akin"
"Bryan."
"Huh?"
"Bryan na lang ang itawag mo sa akin at wag mo ng lagyan ng po. Magkasing age lang naman ata tayo eh"
"Ah.. salamat Bryan.. Ay dito na lang ako sa tabi"
"Sure ka?"
"oo salamat ulit Bryan."
Bumaba na ako. Saktong pagbaba ko ay may bus na nag-aabang kaya sumakay na agad ako para makauwi na.
Grabeng experience to. Hindi ako sinipot ng bestfriend ko dahil sa "EMERGENCY" daw na kailangan niyang ayusin tapos muntikan pa akong masagasaan kanina. HAYS.. ang malas talaga ng araw na to...
Sa bahay.
"Oh anak, bakit ngayon ka lang?"
"Ah may inasikaso lang po ako kaya nalate ng uwi. Sige Ma, akyat na po ako sa kwarto"
"Hindi ka ba muna magdidinner??"
"Busog pa po ako"
"Sige, magpalit ka muna ng damit bago matulog ah"
"Opo Ma"
Umakyat na ko at nagpalit tapos diretso tulog na para makalimutan ko muna ang lahat ng nangyari ngayong araw na ito..
"Mark, wag mo kong iiwan please?? Mahal na mahal kita"
"Clarisse tumayo ka nga dyan. Sinabi ko naman sayo diba, may mahal na akong iba kaya kung maaari lang tumigil ka na, hindi na kita kailangan"
"Pero Mark, mahal na mahal kita eh... pangako, gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong ipagpalit sa ibang babae. Please Mark, hindi ko kayang wala ka. Ikamamatay ko kapag nawala ka Mark"
"Pwede ba Clarisse hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, at higit sa lahat wala akong pakialam kahit na ikamatay mo pa ang paghihiwalay nating dalawa !"
"Mark ! Mark ! Kailangan kita sa buhay ko, hindi ko kayang mag-isa !"
"Risse, tama na.. Ayoko ng nakikita kang nagkakaganyan, ayokong nakikita kang nasasaktan. Wag kang mag-alala pagbabayaran niya ang panglolokong ginawa niya sayo. Pagbabayaran niya ang pananakit sa bestfriend ko"
"Best, ang bigat bigat ng nararamdaman ko dito sa dibdib ko, nahihirapan ako.. Sweet...."
End of Chapter 7...
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams (Revising)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng hindi alam kung paano bibigyang kahulugan ang bawat panaginip na kanyang napapaginipan. Iikot ang mundo niya sa mga panaginip, kaibigan at buhay pag-ibig...