" Happiness and Sadness "
Ilang araw ng ganito. Ilang araw na akong mag-isa. Mag-isa kasi wala akong kasama. Wala akong kasama kasi wala si Risse. Wala si Risse kasi busy siya. Busy siya kasi lagi niyang kasama si Mark. Lagi niyang kasama si Mark kasi lagi siyang yinayaya nito. Yinayaya niya si Risse kasi.... kasi EWAN KO !!! Anong malay ko sa iniisip ni Mark basta ang alam ko, inaagaw niya si Risse. Unti-unti niyang kinukuha sa akin ang bestfriend ko.
"Sweet !"
Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Ang saya ng feeling ko sa pagkakarinig pa lang ng pangalan ko. Napangiti ako sa nararamdaman kong saya pero... pero biglang naglaho ang lahat.
"Ah ikaw pala Georgette"
"Hmmm. Sorry to disappoint you ah, I'm not Risse"
"Hindi ah, ano ka ba"
"Miss mo na siya noh?"
"hays SOBRA"
"Don't worry, siya rin naman miss ka eh"
"Talaga??"
"Yup, kaya nga ako nandito eh, kanina kasi nakasalubong ko siya tapos tinanong niya ako kung nakita ba daw kita tapos ayun."
"So asan na siya ngayon??"
"Ewan ko eh, baka hinahanap ka"
"Salamat Georgette, thank you thank you"
Tumakbo na agad ako para hanapin si Risse, pumunta ako sa mga room namin, sa hallway, sa library, sa lobby, sa clinic, sa admin, sa gym, at sa oval pero wala siya dun. Pasuko na dapat ako hanggang sa nakita ko siya.. nasa may square siya (canteen, kainan, puro pagkain, basta doon kumakain ang mga estudyante) kaso may kasama siya eh.. si Mark.. sabay silang naglulunch.
"Mukhang hindi naman ako hinahanap ni Risse"
Nagdesisyon akong huwag na siyang tawagin at bumalik na lang sa room ang kaso...
"Sweet !"
Bago ako lumingon kay Risse, sinubukan ko munang ngumiti.
"Uy, Hi Risse"
"Teka lang Mark ah"
"Sige ayos lang"
Nilapitan ako ni Risse, lalapit din dapat ako sa kanya ang kaso hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
"Sweet nan dangsin-i neomubogo sip-eoyo 난 당신이 너무보고 싶어요(korean word for i miss you so much) "
Bigla akong yinakap ni Risse. Muntik na akong maluha pero buti na lang napakalma ko ang sarili ko. Grabe ! Ang drama ko ! Kala mo naman sobrang tagal naming hindi nagkita. tsss.
"Namiss kita Risse"
"Advance happy Friendsary sweet"
"Hahaha, akala ko nakalimutan mo na yung Friendsary natin eh"
"Ano ka ba hindi ah, tandang tanda ko pa yun noh, tuwing 24 Friendsary natin"
"Hahahaha, tama ka dyan"
"So uhmm, sa 24 labas tayo ah"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Tulad pa rin ng dati nating ginagawa pag Friendsary natin, nood movie, bili ng book, bili ng damit, kain tayo, tambay sa Imagine.... mga ganong bagay"
"Ang dami ah"
"Ayaw mo?? Sige kung ayaw mo edi...."
"JOKE!! syempre gusto ko noh! text text na lang tayo kung what time tayo pupunta"
"Sure"
"Sige, balik ka na dun kay Mark, kanina ka pa niya hinihintay"
"Sige, bye Sweet"
"Bye."
Magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot kasi kailangan ko nanamang umalis para magkatime ulit sila ni Mark at tuwa kasi kahit papaano nakausap at nakasama ko si Risse kahit sa maikling minuto lang.
GRABEHAN !! bakit ang drama ng chapter na ito ng buhay ko?? -.- hindi ako sanay kasi ang buhay dapat easy lang. Chillax. Relax. LIFE IS EEEEZZZZZYYYYY !!
End of Chapter 5...
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams (Revising)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng hindi alam kung paano bibigyang kahulugan ang bawat panaginip na kanyang napapaginipan. Iikot ang mundo niya sa mga panaginip, kaibigan at buhay pag-ibig...