Chapter 11

32 0 0
                                    

" Tahan na "

        Maaga akong nagising ngayon. Naghanda na ako para sa practice namin ng mga kagroup ko. Sumakay na ako ng bus. Sinunod ko yung mga sinabi ni Paula kasi siya lang ang nagreply sa mga text ko.

~Baba ka na pag nakita mo na ung SM. Makikita mo agad un. Cge cge ingats~

From: Paula

          Bumaba na ako ng bus at pumasok na ng SM.

"Ayun! Haha. Nagkita din tayo foodcourt >:)<"

         Dumiretso na ako ng foodcourt para hanapin sila. Kaso wala. Wala sila doon. Nakailang ikot na ako sa foodcourt pero wala talaga sila.

"Nasaan sila?"

         Mag-iisang oras na akong naghihintay sa kanila doon. Tinetext ko si Paula pero hindi siya nagrereply. Tinatawagan ko si Imman pero walang sumasagot sa mga tawag ko sa kanya. Nagsimula na akong maiyak dahil sa mga nangyayari. Sinubukan kong tawagan si Patrick. Umaasang hindi na busy ang phone niya sa sandaling tawagan ko ulit siya. At sa wakas, sinagot niya ang tawag ko.

~"Hello Sweet nasan ka?"~

~"Hindi ko din alam"~

~"Teka, umiiyak ka ba?"~

         Napahagulgol na ako sa pag-iyak nung tinanong ako ni Patrick.

~"Kanina pa ako paikot-ikot dito sa SM. Hindi ko na alam kung saan ba talaga ako dapat pumunta, hindi ko na alam kung paano ako makakalabas, naguguluhan ako"~

~"Wag ka ng umiyak, wag kang aalis sa pwesto mo, papunta na ako wag kang mag-alala"~ 

         Binaba ko na yung phone ko at umupo na muna ako sa tabi. Nakatungo. Umiiyak. Hindi mapakali. At higit sa lahat NAG-IISA.

         Biglang may humawak sa balikat ko. Tinignan ko kung sino siya. Si Patrick, pawis na pawis at hinihingal. Para bang nakipaghabulan siya sa mga aso.

"Patrick!"

         Napatayo ako dahil sa sobrang tuwa. Hindi ko alam pero bigla akong napayakap sa kanya. Yinakap ko siya ng mahigpit. Yung tipong parang ako yung musmos na bata na biglang nawala tapos nahanap ako ng nanay ko at dahil sa sobrang tuwa ko, yinakap ko siya ng sobrang higpit.

"Wag ka ng umiyak"

         Yinakap niya din ako pabalik. Hinaplos niya ang buhok ko para i-comfort ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla nanaman akong kinabahan. Dahil sa kaba ko, napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Patrick. Pinunasan ko na ang mga luha ko.

"Okay ka na ba?"

         Napatingin ako kay Patrick. Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa puso ko. Sobrang bilis, para bang gustong kumawala sa kinalalagyan niya.

"Tahan na"

         Biglang nilagay ni Patrick ang kaliwang kamay niya sa pisngi ko para punasan ang luha ko. Natulala ako. Nanlamig ang buo kong katawan. Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang palad.

"Salamat. Salamat Patrick"

         Ito lang ang nasabi ko sa kanya. Lumabas na kami ng mall at pumunta na sa may basketball court sa subdivision kung saan nakatira si Paula. Ang bilis ng mga pangyayari kanina. Kasing bilis ng bus na sinasakyan namin ngayon. Nakakagulat. Nakakabigla. NAKAPAGTATAKA. Pero nung mga sandaling yakap ko siya. Biglang bumagal ang oras. Nawala lahat ng tao sa paligid ko. Nawala lahat. Parang kaming dalawa lang ang tao doon kanina. Tapos ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng aking puso at ang kantang ito...

I've Never Been Better by Tiffany Alvord

Cause we are one

when we're together

Cause we belong

Forever and ever

Cause when you're here

I've never been better

And when I'm in your arms

That's where I wanna be

So there's no stopping me

oh oh oh oh

End of Chapter 11...

Sweet Dreams (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon