" AKALA KO LANG PALA "
"Miss okay ka lang?"
"Sino ka?"
"Anong sino ka? Nanay mo ko Sweet. Gumising ka na dyan at magready, malalate ka na oh"
Naalimpungatan ako sa sinabi ni Mama. Napadilat ako at napansing... "NANANAGINIP NANAMAN PALA AKO" pero.. sino yung lalaking nakausap ko?? Hindi ko nakita yung mukha niya dahil may nakakasilaw na liwanag akong nakita.. HUMEHEAVEN ANG PEG..
"Ma?"
"Oo Sweet. Anong sino ka?"
"Ah wala wala"
"Hala bumangon ka na dyan at mag-ayos na. May klase ka pa sa Accounting diba"
"Ah oo nga pala"
Binilisan ko ng mag-ayos at kumilos. Bumaba na ako at sinabi ko kay Mama na sa school na ako kakain para hindi ako malate. Nagsimula na akong maglakad papuntang bus stop. Habang naghihintay ako, napaisip ako.. Sino kaya yung lalaki sa panaginip ko.. Accounting namin ngayon... makikita ko nanaman si Mr. Suplado. tss nakakainis talaga... hindi kaya siya yung lalaki sa panaginip ko?? HAHAHA imposible yun. Napakaimposible. Napapatawa ako mag-isa habang naghihintay.
"Hoy ate sasakay ka ba?"
Napatingin ako sa lalaking kumausap sa akin. Yung konduktor.
"Ah opo opo"
"Tsk tsk. Muntikan ka ng maiwan ng bus, kanina pa kita tinatanong"
"Sorry po"
NAKAKAHIYA. tss anyareh sakin?? HAYS. Bumaba na ako ng bus at dumiretso sa school. Sa room. Sa upuan ko. Nakaupo na si Mr. Suplado sa upuan ni Risse. NAKAKAINIS. Pag nakikita ko siya naiinis lang ako. tss
"Hi Mr. Sup.. I mean Mr. Mercado"
Sinubukan ko siyang batiin. EWAN KO KUNG BAKIT KO GINAWA YUN. Tumingin siya sa akin tapos balik ulit siya sa pagtingin sa screen ng cellphone niya.
"Sungit."
Naupo na ako sa upuan ko ng bigla siyang nagsalita.
"May gusto ka ba sa akin?"
"Ano?!"
"Kung wala, wag mo na ulit akong kakausapin"
"K. FINE!"
Ang kapal ng mukha niya. May GUSTO AKO SA KANYA?! HUH?! over my dead body!
Natapos ang klase namin. Natapos na ang nakakabwisit na araw na to. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko kaya lumabas na din ako ng may napansin akong nakalagay sa ilalim ng upuan ni Patrick.
"Teka Patrick !"
"So gusto mo talaga ako"
"Ano?! Hindi ah, tinawag kita kasi naiwan mo to"
"Hindi yan sa akin"
"Ah, ganon ba?"
Bigla na lang siyang umalis matapos niyang sabihin hindi sa kanya yung gamit na nakita ko. ERRR ANG YABANG MO TALAGA KAHIT KAILAN ! Magkaopposite yung pinuntahan namin ni Patrick, kumbaga nasa left siya ako naman nasa right.
"Miss"
Napahinto ako. Sabi ko na nga ba Patrick, hindi mo ako matitiis eh. WHAHAHAHAHA !
"ANO?!"
Pagharap ko sa kanya, parang may mali..
"Bryan??"
"Hi."
Si Bryan?! Anong ginagawa niya dito? Ganon pa din itsura niya, may bandage yung braso niya at nakauniform siya ng panglasalle. Teka....
"Dito ka nag-aaral?!"
"Uhmm, diba dapat hello ang sinabi mo? Hahaha oo dito ako nag-aaral"
"Wait.. Hindi mo naman ako sinusundan diba?"
"HAHAHAHA, bakit ko naman gagawin yun?"
"Ah wala wala, so bakit ka nandito?"
"Nag-aaral nga kasi ako dito."
"I mean,dito.. dito sa building na to"
"Ahh, sira kasi yung building namin kaya palipat lipat kami ng room.."
"Ah CEAT.. tama tama"
"So kamusta ka na?"
"Ok lang.. Ikaw?"
"Gusto mo bang magkape? Or kahit anong inumin. Tara Starbucks tayo.. sagot ko"
"Uhmmm.. osige"
Hala bakit ako sumama? Sabagay. Wala naman siguro siyang gagawin sa aking masama. Tsaka isa pa. Niligtas na niya ako nung isang araw kaya pambawi na lang to. Pumunta kami ng Starbucks at nagkwentuhan.. After namin magkwentuhan. Hinatid niya ako sa bahay ko. Eh kasi naman wala akong masakyan eh.. HAHAHA atsaka makakatipid ako pag ganito >:)<
"Salamat Bryan"
"Walang anuman... uhmm"
"Sweet. Sweet ang name ko"
"Hahaha, kanina pa tayo magkausap pero ngayon ko lang nalaman pangalan mo"
"Hahaha sige salamat ulit ah, papasok na ko sa bahay"
"Sige.. Good night Sweet"
"Sayo din Bryan, mag-ingat ka pauwi :))"
End of Chapter 9...
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams (Revising)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng hindi alam kung paano bibigyang kahulugan ang bawat panaginip na kanyang napapaginipan. Iikot ang mundo niya sa mga panaginip, kaibigan at buhay pag-ibig...