Chapter 10

16 0 0
                                    

" Ayoko ng Ganito "

         ENGL101 subject namin ngayon, nakaupo na kaming lahat ng pumasok ang prof namin sa room.

"We are going to have a play, but this one is different. The objective of this play is for you to understand the essence of communication. That's why you will be group into four members, so we have a total of six groups."

         Biglang nagbulungan ang mga kaklase ko. Yung iba nag-uusap about sa sinabi ni Ma'am, yung iba naman nag-uusap na kung sino ang magiging ka-group nila habang yung iba nag-uusap about sa mga ginawa nila kahapon na wala namang konek sa lesson namin ngayon.

"I will be the one who will assign you to your respective groups. Ok, 1st group Santiago, Dela Cruz, Abrazado, Sarreal. 2nd group, Deluz, Secugal, Ramos, Baldeo."

         Sinabi na ni Ma'am ang 1st to 4th group. Hindi pa din ako natatawag pati na rin si Patrick. Bigla akong kinabahan ng maisip ko yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko ng ganito, ayoko siyang maging kagrupo. Ayokong makasama sa iisang grupo si Mr. Suplado.

"Ok. The 5th group, Basco, Lara, Dominguez, Salazar"

         Salazar?! Ako yun ah! YES NAMAN ! 5th group ako kabilang. Biglang nawala ang kaba sa dibdib ko, napangiti ako sa mga narinig ko.

"Wait, Salazar belongs to the 6th group. Sorry. Samson you'll be on the 5th group"

         O.O" EPAL KA MAAM. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik ang kabang nararamdaman ko. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. At pinagpapawisan na ang batok ko (EW). LASLAS </3. Ayoko ng ganito. Bakit lagi na lang salungat ang tadhana. Lagi na lang hindi sunod sa kung anong gusto kong mangyari.

"Salazar, Panganiban, Clerigo, and Mercado will be the last group"

         Nakakainis >_< Bakit ba naging kagrupo ko pa si Mr. Suplado. Panira ng segundo, minuto, oras at araw.

         Inexplain na ni Ma'am ang gagawin namin. Kailangan naming bumuo ng isang sitwasyon kung saan bawal magsalita at malinaw na maipapakita ang mga emosyon na nais iparating. Napag-usapan na naming magkakagrupo na magmemeet kami sa Sabado para mapag-usapan ang mga gagawin at kung ano ang mga mangyayari para makapagpractice na rin kami kaagad.

"Sweet, Patrick, Paula. Bawal umabsent sa Saturday ah, kailangan nating makakuha ng mataas na grado para dito."

"Sure Imman, sa may foodcourt ng SM ah. Kitakits na lang"

"Hala teka, hindi ko kabisado yung SM Dasma, at tsaka hindi ko rin alam ang papunta doon."

"Ano ka ba Sweet, Sa may baba lang yung foodcourt"

"Eh baka maligaw ako, wala pa man din akong sense of direction"

"Bigay na lang natin mga number natin sa isa't isa"

"Sige sige Imman"

         Ang malas talaga oh. Bakit ba kasi yun pa yung napili nilang meeting place eh. Ang layo sa kabihasnan ng mundo. HAYSSSSSSSS. Ang engot ko pa man ding maghanap ng lugar.

        Natapos na ang pag-uusap naming magkakagrupo. Palabas na ako ng gate ng University ng bigla kong nakita si Bryan na nag-aabang at nakasandal sa may gilid ng gate.

"Bryan??"

"Sweet, kanina ka pa ba dyan?"

"Ahmmm, hindi naman"

"Tara hatid na kita"

"Teka teka. Anong ginagawa mo dyan?"

"Ah ano.. may ano kasi... may... dinaanan lang ako saglit tapos ano, naisipan kong uhmmm.. tumambay. Ayun tumambay dito."

"Ahhhh"

"Pauwi ka na ba?"

"Ay hindi pa, may dadaaanan pa ako eh"

"Hatid na kita doon"

"Nako wag na, malayo pa yung pupuntahan ko"

"Saan ka ba pupunta?"

"Sa Robinsons, may bibilhin lang"

"Sakto. Actually doon din ako talaga papunta eh"

"Eh pero...."

"Tara na, wala ng pero pero"

         Kinuha niya yung bag ko at hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan niya. Nilagay niya yung bag ko sa braso niya  tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Dumiretso na kami ng Robinsons. Nagikot-ikot, sinamahan niya akong bumili sa Clipper ng Rilakkuma stuffs. Kumain din kami kasi nagugutom na daw siya kaya pumayag ako. Siya ang nagbayad ng kinain namin. Kung tutuusin dapat ako ang nagbayad ng kinain namin kasi hinatid niya na ako dito tapos sinamahan pa niya akong mamili. Feeling ko tuloy parang may mali eh, pero dahil sa kasama ko siya ang saya saya lang ng nararamdaman ko. Pero sana hindi na maulit ang ganitong set-up. Ayoko ng ganito. Ayoko kasing mapunta sa hindi magandang ugnayan ang pagkakaibigan naming dalawa ni Bryan.

End of Chapter 10...

Sweet Dreams (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon