" Friendsary... baka FriendSORRY "
This is it! this is the day ! 24 ! Yey Friendsary ! Napagkasunduan namin ni Risse na magkita na lang sa loob ng sinehan. Napag-usapan din namin na Must be... love ang papanuorin namin. Nacucurious kasi kami sa kung anong meron dito sa movie at bakit daming nanunuod. Tinext ko si Risse pagkatapos kong makabili ng ticket ko.
~ Uy Risse, nakabili na ako ng ticket ko ah, papasok na ko sa sinehan. Mga 30 minutes pa bago magstart itong "Must be... Love" dito ako sa may taas ah, pinakaunahan tas sa may gitna ~
From: Sweet
Ang hirap magtext. Anyway, pumasok na ako sa loob ng sinehan. Mga 10 minutes after kong itext si Risse tsaka lang nagreply si Risse.
~ oh? Sige sige, madami bang tao ngayon dyan? ~
From: Clarisse
~ oo best, daming tao pero dont worry, sinave na kita ng seat dito ~
From: Sweet
Hala anyareh sa babaeng ito, tagal magreply, SOBRA. Mga 12 minutes after tsaka lang ulit siya nakapagreply.
~ haha salamat sa pagsave ng seat ! ~
From: Clarisse
~ Syempre dapat tabi tayo best haha welcome ~
From: Sweet
Tik tok tik tok tik tok. 8 minutes na lang bago mag-start yung movie. Sige hintay pa ako ng 5 minutes para sa reply niya.
After 5 minutes..
Bakit hindi pa din siya nagrereply? Nako naman Risse, 3 minutes na lang bago mag start tong movie. Asan ka na ba??
~ risse uy 3 minutes na lang start na yung movie, where na you? ~
From: Sweet
Tik tok tik tok tik tok.
~ risse 1 min na lang. seriously nasan ka na? ~
From: Sweet
After 10 minutes, nawalan na ako ng pag-asang makakarating pa siya. Ng biglang nagvibrate yung phone ko.
~ uy best sorry ah, I can't go. Nagkaproblema kasi eh, uhmmm. May emergency lang akong kailangang ayusin. Next time na lang natin i-celebrate. Bestfriend sorry :(( ~
From: Clarisse
Ineexpect ko na talaga na SORRY ang laman ng message niya... pero "sorry" hindi dahil hindi siya makakapunta kung hindi "sorry" dahil malalate lang siya. Pero eto na eh, hindi na talaga siya pupunta... Hays... Risse, ngayon mo lang binigo ang promise mo...
Nakatulala lang ako sa movie ng biglang...
"Miss may nakaupo ba dito?"
Napatingin ako sa nagtanong sa akin, madilim sa sinehan kaya hindi ko makita ang itsura niya. Tinatanong niya ako kung may nakaupo ba sa upuang sinave ko para sana kay Risse. Hindi naman siya darating.........
"Ah wala"
"Thanks"
Hindi ako makapagfocus sa pinapanuod ko. Naiisip ko pa din si Risse at kung anong klaseng emergency yung inaayos niya. Hanggang sa.....
"Oo Mahal kita, oo gusto kita, noon pa"
"Patchot...."
"Ano? Sasabihin mo rin ba na mahal mo ako?"
"Siguro... Baka....Pwede...."
"Oo aaminin ko, nagseselos ako, KASI YUNG BESTFRIEND KO NA MAHAL KO HINDI AKO KAYANG MAHALIN EH"
Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata, hindi dahil sasinabi ni Patchot, hindi naman ako nakakarelate sa sitwasyon niya eh. Napaiyak ako dahil wala na talaga ang bestfriend ko sa akin. Biglang nagvibrate yung phone ko, sabay ng pagtulo ng luha ko sa screen ng cellphone ko. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tuloy-tuloy lang siya. Ayaw papigil. Ng biglaakong abutan ng panyo nung katabi ko.
"Para san to?"
"Punasan mo yang luha mo, ayoko ng nakakakita ng babaeng umiiyak. Naiirita ako"
Kinuha ko yung panyo at pinunasan ko yung luha ko sa mukha pati na rin yung screen ng cellphone ko. Patapos na yung movie. Wala pa din ako sa sarili ko. Ilang minuto pa ang lumipas. Lumiwanag na ang sinehan. Tumatayo na ang lahat. Nag-aalisan na sila. Napatungo na lang ako, ang kaso naalala ko yung panyo nung katabi ko. Hinahanap ko yung nagpahiram sa akin ng panyo. Guy pala yun. Ganon na ba kawala ang focus ko kanina para hindi malaman na guy pala ang nagpahiram ng panyo sakin. hayssssss..
"Psssssst. Kuya teka yung panyo mo."
Kahit anong tawag ko sa kanya hindi niya ako pinapansin siguro dahil nakaearphones siya. Lumabas na siya ng sinehan. Sinubukan ko siyang habulin pero napahinto ako. Hindi dahil sa naipit ako sa dami ng mga tao na lumalabas ng sinehan, kung hindi dahil nakita ko si Risse.
"Risse??"
Napangiti si Risse. Hindi sa akin kung hindi kay Mark. Tama ka, magkasama nga silang dalawa.
"Ito na yung emergency na sinasabi mo??"
Tumakbo na ako papalabas ng mall. Hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil sa mga nangyayari. Ayoko na dito. Gusto ko ng umuwi. Tumakbo ako papuntang kabilang kalye. Hindi ko namalayan na may paparating palang sasakyan. Sa sobrang takot ko, hindi ko maigalaw ang mga paa ko, napapikit ako at napasigaw.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH !"
Patay na ba ko?? Agad agad? Hala. NO!!! Chapter 6 pa lang ito ng buhay ko. Hindi pwedeng mamatay ako agad. Hindi ... Hindi....
"Hindi........ hindi...."
"Miss? miss? Ayos ka lang ba?"
May narinig akong boses ng lalaki. Si San Pedro?? EHMEHGED !! So patay na talaga ako??
"Miss.. miss.. dadalhin kita sa hospital"
Teka. Hospital? Bakit? May hospital ba sa langit???? Unti-unting dumilat ang aking mga mata. Nakita kong may lalaking umaalalay sa akin.
"Sino ka?"
"Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa hospital"
"Si......."
Magsasalita pa dapat ako, ang kaso bigla akong nawalan ng malay..
End of Chapter 6...
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams (Revising)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng hindi alam kung paano bibigyang kahulugan ang bawat panaginip na kanyang napapaginipan. Iikot ang mundo niya sa mga panaginip, kaibigan at buhay pag-ibig...