CHAPTER FOURTEEN

69 47 0
                                    

DINILAAN ni Mandy ang nanunuyong labi pagkaraan ay umayos siya ng pagkakaupo, ayaw niyang idikit ang likod niya sa malamig na pader.

Kanina pa siya nilalamig pakiramdam niya ay manhid na manhid na ang katawan niya sa pinaghalong lamig at sakit ng kaniyang katawan.

Isa pa ang piring niya sa mga mata, halos magluha na ang mga mata niya sa sobrang higpit nun. Ilang beses din niyang sinubok alisin ang piring pero wala talaga.

Malalim siyang bumuntong hininga. She doesn't know kung gaano na sila katagal sa lugar na iyon, kanina lang ay nakatulog siya sa pinagsamang pagod at pananakit ng katawan, ngayon naman ay nakakaramdam na siya ng gutom at pagka-uhaw, isama pa ang panngangamba kung anong mangyayari sa kanila.

She's worried, she's scared.
Hindi siya manhid para isiping hindi siya natatakot o nangangamba man lang..

Napapikit si Mandy ng mariin ng muling marinig ang daing at iyak ng mga kasamahan niya.

They're scared too, and wala siyang magawa para pagaanin ang mga loob ng mga ito.

Muli siyang napaiyak at maya-maya pa dinalaw siya muli ng antok.

"Let go of me!!"
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang malakas na sigaw ng kasamahan niyang doktor, Sigaw iyon ni Dra. Lao

Kumabog ang dibdib niya sa pagkalito dahil ramdam niya na nasa loob ang mga armadong lalaki at kinakaladkad ang Chinese na Doktora.

"Por Dios why are doing this." Hiyaw pa ni Doktor Diaz

"Please don't hurt her!" Pagmamaka-awa pa ni Dra. Zhang
Maya-maya ay narinig niyang isinaradong muli ng mga ito ang bakal na harang at unti-unting nawala ang mga yabag at boses.

"My God please help us." Usal niya.

Bumaba taas ang dibdib niya sa kaba.
Ilang minuto silang ganun ng muli nilang marinig ang mga yabag at ang boses ng babaeng doktora.

She's speaking in Chinese kaya wala siyang maintindihan pagkuwan ay kumuha na naman ito ng isa pang doktor.

"All of you shut your mouth! Or I'll kill you here and there!" Sigaw ng isa sa mga lalaki.

Nang marinig niya ang pag-sara ng bakal na pinto ay dahan-dahan siyang umusog.

"Pssst. Doctor do you hear me?" Halos pabulong niyang tawag

"Who's that?"

"It's Doctor Suarez, W-what did they do to you?" Tanong niya.

Narinig niya ang bulungan ng iba pa.

"T-they remove my blindfold and the tie on my arm and wrist, after that they lead me to this room with cameras ang chair on the middle..."

Napalunok siya at mataimtim na pinakinggan ang sumunod nitong sinabi.

"They gave me water and bread, after that three no... I see four men in the room. A-all of them are wearing a mask and with guns, big guns. They let me sit on the chair after they put this camera I d-dont know what it is then they hold this white paper with a script to it, they wanted me to read it. I refuse at first but one of the guy pointed a gun on my head... I- I cried so I read the script.."

"What script? What kind of script?"
Tanong niya.

"It's a- A letter for a my country and for the president..." Umiyak ito.

Script? For country? President?

"For a ransom money... They want our country to pay a ransom money for us to be sent free."

Pumikit siya ng mariin. Isang malaking problema ito...

Muling narinig nila ang mga yabag at kaagad siyang umayos sa pagkakaupo at muli ay may kinuha ulet sa kanila, ilang beses pa at ng huminto sa kaniya ang yabag ay kumabog ulet sa kaba ang dibdib niya.

The Loser Club Series 2: Mandy Suarez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon