CHAPTER FIFTEEN

57 26 1
                                    

TAAS NOONG sumaludo si Iván kay General Diego Ponce pagdating nila sa barracks. Ganun din ang ginawa nito. Kasama sina Fabio at Vincent ay tinungo nila ang pinag-kukulungan sa isang rebelde na nahuli nila kamakaylan.

Sumaludo sa kanila ang sundalong nagbabantay sa rebelde.
"Maganda araw General Ponce, Kapitan Hernandez." Bati nito

"Kamusta hindi pa din ba nag-sasalita ang bihag natin?" Pukaw ng General

"Hindi pa din General, kahit anong gawin namin pag-iintoriga.Wala talaga kaming nakuha."
May iniabot itong files sa kanila na kaagad naman niyang kinuha.

"Sigmund Javier." Basa niya sa pangalan tsaka tiningnan ang nakayukong lalaki. Tantiya niya ay nasa trenta na ang edad nito, madami itong sugat at pasa. nakasuot din ito ng kukupasing maroon na uiniporme at sa balikat nito ay nakasakbit ang itim na tela at dun ay nakasulat ang letrang MLA.
Medellin Lebiration Army...

Bigla ay may pumasok na ala-ala sa kaniyang isipan. Ang mga grupong ito ang tinulungan ng kaniyang ama para magkaroon ng peace agreement sa pagitan nila gobyerno ngunit nawalan iyon ng silbe ng traydurin ng mga ito ang ama niya.

Hindi nila tinanggap ang peace agreement ng gobyerno na pinaghirapang ayusin ng kaniyang ama sa huli nawalan iyon ng say-say ng mas pinili ng grupo na sumanib sa Cartél De Melendez, na sa panahong iyon ay nasa pamumuno ni Alvaro bago ito tumakas pa-Venezuela at dun nahuli ng FBI.

Nagtangis ang bagang niya, Hindi siya pwedeng mag-kamali sa hinala lalo ng mabasa ang profile nito.

Humigpit ang hawak niya sa papel, halos malukot iyon. Kaagad naman napansin ni Fabio ang kaniyang pag-pipigil ng galit.




22 years ago...

"Mag-iingat ka Iván! Ikamusta mo nalang ako sa Mamá mo!" Kumaway sa kaniya ang guro.

"Opo Mrs. Rubio." Kumaway siya pabalik dito, tsaka tumakbo papunta sa sasakyan na mag-hahatid sa kaniya pauwi sa kanilang rancho.

Kumunot ang noo niya ng makitang wala ang driver na laging nag-susundo sa kaniya. Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang lalaking ngayon lang niya nakita. Wala din ang body guard na laging pinapasama sa kaniya ng kaniyang Mamá.

Bumagal ang kaniyang paghakbang, parang may mali iyon kaagad ang pumasok sa kaniya isipan.

Ang lalaking nag-bukas sa kaniya ng pinto ay nakasuot ng itim na suit na palagi ding suot ng kaniyang driver at body guard.

"Sino ho kayo? Asan po si kuya Alejandro at si kuya Octavio." Tanong niya tsaka inaninag ang loob ng tinted na sasakyan.

"Hindi ka nila masusundo may pinapagawa ang Papá mo sa kanila." Seryosong sagot nito.

Pero nababagabag siya kaya hindi muna siya sumakay sa sasakyan.
"Ano daw pong pinagawa sa kanila? May pangako pa naman sila sakin na sasamahan nila akong manood ng football."

Tila inis na ibinagsak nito ang pinto ng sasakyan.
"Sabing di kanila masasamahan eh!"
Sigaw nito na ikinagulat niya. Unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Ramdam niya ang pag-agos ng butil ng pawis sa kaniyang noo.

Bigla ay naalala niya ang bilin ng kaniyang Papá.

Kung nakakaramdam siya ng panganib ay kaagad siyang tumakbo.

Dahan-dahan siyang umatras, tila natunugan ng lalaki ang gagawin niya kaya mabilis siyang tumalikod at tumakbo pabalik sa eskwelahan niya.

Rinig niya ang pag-mumura ng lalaki kaya binilisan niya ang takbo. Halos wala ng tao sa paaralan dahil uwian na, Ramdam paghabol sa kaniya nito at kaya mas binilisan pa niya.

The Loser Club Series 2: Mandy Suarez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon