19

232 7 0
                                        

CHAPTER NINETEEN

Nagising ang diwa ko nang dahil sa iyak ng aming anak, kumunot ang noo ko nang mapatingin ako sa labas ng glass wall ng bahay namin bago ako napasulyap sa orasan, sobrang dilim parin at ngayon lang ulit nagising si Brylle noong huling lagnat niya nang ganitong oras.

Kinabahan agad ako dahil nakaramdam ako ng mother instinct, inilapat ko ang kamay ko sa noo niya bago sa kanyang leeg at hindi ako nagkakamali, pero nakapagtataka kasi sobrang init niya.

Dali-dali akong tumayo at lumapit sa cabinet ni baby para buksan iyon, tumambad sa akin ang mga gamit niya at agad kung kinuha ang thermometer saka ang cool fever.

Nang makabalik na ako ay nakita kong hawak-hawak ni Vin si Brylle sa kanyang bisig at pinapatahan siya pero mukhang idinadaan niya ang iyak niya ang  masamang pakiramdam niya.

Vin noticed what I am holding and said. "She's having fever."

I nodded. Inilagay ko ang thermometer sa kili-kili ni Brylle, tinulungan ako ni Vin saka ko huling nilagay ang cool fever sa noo ni baby.

"Oh God, why this time? W-wait, I'll call Andrei!"

He got panicked and still carrying Brylle while trying to call his friend. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Huwag na, Vin. Ako mag-drive, hawakan mo si Brylle puntahan natin ang hospital nila pero huwag mo na siyang tawagan dahil malamang puyat ang kaibigan mo dahil alam mo namang doctor iyon."

"B-But..." He looked at me with uneasiness and sighed.

"Just... Let's go."

"W-Wait here, may sasabihin lang ako kay manang para masabihan ang mga bata mamayang umaga."

I nodded and took our bag to put my clothes and Brylle's.

Inilapag ni Vin si Brylle sa kama namin at nilagyan ng pillow ang both sides niya bago niya iniwan ito. Tumahan naman si Brylle pero dilat na dilat ang mata niya at ginagalaw ang mga paa't-kamay.

Dali-dali kong inilagay ang lahat ng kailangan namin sa bag at sakto namang pumasok si Vin sa bedroom namin kasama ni manang na siyang mayordama sa bahay namin. Halatang kakagising lang din.

"Kakailanganin ninyo po ang tulong ni Bosyong?" Tanong niya, si Bosyong ay isa naming driver.

Tumingin sa akin si Vin at sinenyasan ako na mauna siya sa ibaba para icheck ang kotse.

Tumingin ako sa orasan bago ibinalik ang aking tingin kay manang at umiling. "Hindi na manang, kami na ang bahala para hindi na siya madistorbo kasi ipag-da-drive pa niya iyong mga anak ko sa paaralan nila bukas. Ikaw na bahala ha, manang o iyong mga kasama mo. Kasi umaapoy ng lagnat si Brylle. Tawagan lang po namin kayo mamaya pag saktong gising na iyong mga bata."

Tumango siya. "Sige ma'am, sinabihan naman ako ni sir sa iba ko pang dapat gawin." Saktong pumasok si Vin ay hawak niya ang susi Kunin ko na po ito ma'am." Sabi niya at hinawakan ang bagahe namin bago lumabas sa kuwarto namin.

"Salamat."

"Akin na si Brylle." Binigay ko naman agad kay Vin at hinalikan agad niya ito sa noo. "Anak naman, bakit ang lakas ng lagnat mo? Huwag mo naman kaming pa-alalahin ni mommy mo."

"I think nagka-fever siya kasi malamig."

"But it's too hot. Diba, ilan iyong lagnat niya kanina?"

"It was 38.9."

He sighed. "Hawakan mo si Brylle, ako na magda-drive."

Kumunot ang noo ko sakanya. "Hindi ka nagpa-panic? Sa mukha mo kanina mababasa ko ang pagka-panic mo, eh."

To Get Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon