05

467 36 0
                                    

CHAPTER FIVE

"Masarap ba?"

"F*ck off!" Sinamaan ako ng tingin ni Vin nang ipinasok niya ako sa kotse niya, may pagkagigil pero maingat niya akong inalalayan palabas ng restaurant at papasok ng kotse kanina.

Inikutan ko siya ng mata. "Kunwari ka pa, ginusto mo naman." Sinulyapan ko siya at nanatiling mapula ang kanyang mukha ganoon din ang magkabilang teynga niya. "Galit ka o kinikilig ka?" Hindi niya ako pinansin at sinagot pero nakita kong humigpit ang kapit niya sa manibela.

Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. "Okay I get it, hindi mo gusto ang halik ko. Nga pala..." Nilingon ko ulit siya. "Iyong kotse ko naiwan."

"I'll let my secretary pick your car up."

I nodded before glancing at my wrist watch. "It's already seven p.m. pala, paano na iyong pag-sign ng contract? Kailangan ngayong araw kasi may lakad ako bukas."

Sinulyapan niya ako saka ibinalik ang tingin sa akin. "Saan?" Tipid niyang tanong.

"Bakit sama ka?" Tanong ko dahilan para kumunot na naman ang noo niya. "Joke lang. Uwi kasi akong Baguio dahil namimiss ko sila mama at namimiss rin nila ako."

"Anong oras ang biyahe mo bukas patungo roon?"

"Bakit, sama ka?" Tanong ko pa ulit dahilan para tumigil siya sa gilid ng kalsada. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang dumungkaw at inilapit ang mukha sa akin.

"Isa pang pamimilusopo mo sa akin hahalikan kita hanggang sa pumula ng husto iyang labi mo." Napatingin siya sa aking labi saka sa mga mata ko.

I acted zipping my lips and he sat properly. Tumingin din ako sa harap at itinuon doon ang pansin ko kahit na ramdam kong nakatingin parin sa akin si Vin.

"Very good." He uttered before starting the engine. "Anong oras ka b-biyahe bukas?"

"7 a.m." Maikling sagot ko. Takot ako na baka tutuhanin niya iyong sinabi niya kapag nagpaligoy-ligoy pa akong sagutin siya.

"Kailan ka balik rito?" Tanong niya ulit kaya umikot ang mata ko. Ang dami niyang tanong.

"Friday." Sagot ko na naman, Wednesday ngayon kaya dalawang araw lang ako sa Baguio at kailangan ko pang makahabol sa rehearsal ko sa Saturday.

"Bukas nalang saka mo pirmahan ang kontrata." Sabi niya at ipinark ang kotse sa harap ng condominium ko. "Susunduin kita bukas."

Napatigil ako sa pagkalas ng seatbelt dahil sa sinabi niya. "A-Ano? Sasama ka?"

He rolled his eyes at me. "May kailangan akong gawin sa Baguio, nagkataon na may kakausapin ako doon dahil mag-i-invest ako sa kompanya niya. Kaya para hindi ka na mahirapan, ako mag-da-drive. Alis na."

Inirapan ko siya pero bago ako makalabas ay dumukwang ako para halikan ang pisngi niya. Natawa ako nang kinunutan niya ako ng noo. "Gusto mo naman, ba-bye boyfie!" Paalam ko bago pumasok sa loob. Ayon na naman ang feeling na mag-isa ka lang. Nakakalungkot.

Totoo nga ang sinabi sa akin ni Vin dahil alas sais palang ng umaga ay naroon na siya sa labas kaya wala akong nagawa kundi yayain siya sa loob kasi sobrang aga niya habang ako ay maliligo palang.

"Magkape ka muna habang hinihintay mo 'ko." Tumango siya at tahimik akong pinagmasdan. Pansin ko ang tingin niya pero ewan ko ba, nai-ilang ako kaya hindi ko kayang tignan siya. "Maligo lang ako." Paalam ko at saka pumasok sa kuwarto ko na may bathroom at naligo narin.

Habang naliligo ay iniisip ko bigla iyong halik na pinagsaluhan namin kahapon. It wasn't my first kiss but damn, he has the most soft addicting lips. Mukhang inaalagaan.

To Get Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon