Chapter 8 - MOVING FORWARD

174 4 0
                                    

~~~~~ JESTER'S POV ~~~~~

Ako si Jester R. Alvarez, 16 years old.

Tawag sakin ng mga nakakakilala sakin, JHE.

Mas sanay ako dun kesa sa Jester, masyado kasing formal pag buo ang pangalan ko pag tintawag ako.

Hindi ako pumasok ngayon.

Sabi nila pwede naman hindi dahil SC lang required pumasok.

Magkakabit ata sila ng mga campaign boards and posters nila..

Nakakabagot dito sa bahay.

Ano kaya magandang gawin?

Maaga pa masyado para mag-dota. Malamang wala pang mga tao sa shop. Kung magbabasketball ako, wala din akong kalaro.

Hayyy!! Bat ba ang aga ko nagising?? Di naman ako ganito. 7am palang oh.

Kinuha ko ang celphone ko. Nagscroll ako sa contacts..

"Andiee Salcedo"

Hmm?? Bakit ako may number niya? At bakit double E? baliw talaga yung babaeng yun..

----- FLASHBACK -----

"Jhe! Salamat kanina.." titig na titig siya. Pero seryoso ang mukha. Para bang napipilitan magsorry.

"San" matipid kong sagot. Ewan ko ba bakit ko to tinulungan kanina. Kinakausap pa tuloy ako.

"Ahh.. wala! Sige ha diyan ka na. Ingat!" Paalis na ako pero tinawag niya ako ulit. "Ay Jhe!!" Lumingon ako at tumatakbo siya pabalik.

"May phone ka ba?" Ano ba to, makikitext?

"Meron" sagot ko na medyo naiinis na.

"Ano number mo?" For real? Desperada ba to? Anong gagawin niya sa number ko? Baka may nagpapakuha lang.

"Di ko kabisado eh" kinapa ko ang phone ko at paglabas ko nito hinila niya agad sa kamay ko.

"Wala akong gusto sayo ah? Gusto ko lang maging magkaibigan tayo. Kung okay lang sayo?" Nagpipipindot siya ng numero sa celphone ko tapos ay binalik ulit ito.

"Ingat ka! Text mo ko kung gusto mo ko maging kaibigan ha? Hahaha don't worry. Di kita aahasin sa girlfriend mo. Wala akong type sa mga kabatch natin." Nakangiti nitong sabi habang tumatakbo palayo.

----- END OF FLASHBACK -----

Itext ko ba siya? Sige tignan natin kung magrereply. Nasa school siya ngayon malamang. Alam ko SC candidate siya.

** Typing...

"Oy.."

(Erase.. erase..)

** Typing...

"Hi Andie"

(Erase.. erase..)

'Ano naman sasabihin ko?? Di naman ako interesado sakanya. Wag na nga!'

Nilapag ko ang celphone ko sa kama at natulog ulit.

Hindi ako makatulog. Bwisit. Naligo ako at nagbihis ng civilian.

'Makapunta nalang nga sa school baka may tropa dun pwedeng mayaya maglaro.' Isip isip ko..

Pagbaba ko ng kotse, nakita ko sa gym ang mga SC candidates. Pero team to ni Yosh.. asan kaya si Andie?

Pumasok ako sa gym at nakita ako ni Yosh. "Uy Jhe! Ba't ka andito?"

"Wala lang. Naghahanap ng tropa." Sagot ko sakanya habang nililibot ang mata ko sa gym.

LUCKY (Bestfriends to Lovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon