Chapter 7 - AFRAID OF A LITTLE COMPETITION?

171 8 3
                                    

Napasandal ako sa pader na tinataguan ko at nakinig sa usapan nila.

"Chong ano ginawa mo!? Ang tanga mo talaga. Hindi laruan si Andie! Hindi siya tulad ng mga babaeng nagdaan at nagdadaan sayo!" Boses ni Jan yun ha.

Nagagalit siya kay Renz? *^____^*

Medyo gumaan ang loob ko ng marinig ko to. Pero sumagot si Renz.

"Alam mo pre.. alam ko.. kaya lang. Di ko matiis na di gawin yun! Ang ganda ganda niya lalo pag nagsusungit. Worth it tong sakit kahit mabaog ako!" Mukhang masaya pa siya.

Bakit.. SIRA ATA TUKTOK NITONG UGOK NA TO EH! Manyak talaga!

"Wag mo siya sasaktan kung sakali magustuhan ka niya.." malungkot ang boses ni Jan.

Ano to? Anong ibig sabihin nito??

"Uy sirrrr! Ano yan?? Parang pinapaubaya mo na sakin si Andie? May gusto ka ba sakanya??" Narinig kong pumalakpak ang retarded na Renz habang sinasabi ito kay Jan.

"Hoy hindi noh. Hindi ko gusto yun.." nasaktan naman ako ng marinig ko yun. Parang hinugot ang puso ko na sabihin yan ng crush ko. T______T

"Eh bat ganyan reaksyon mo?" Seryoso si Renz sa tanong niya.

Oo nga naman! Bakit parang may pinahihiwatig ka Jan??

"Sira! Syempre, pag sinaktan mo yun, andaming tropa nun. Patay ka." Natatawang sagot nito.

 Di ako natutuwa sa mga sagot niya ah. Ano lang?? Tulad pa nila ang mga barkada ko sa tropa nila! >.<

"Hahahaha eh tropa niya, tropa din naman natin. Tsaka, mas rason yun para di ko siya saktan. Mawawala mga kaibigan ko sa batch natin pag nagkataon. Hahaha!" Narinig ko naglalakad na sila palapit.

Ano gagawin ko!?

Di ako nakatayo agad para umalis biglang...

"Lorenz!! Jan!!"

Huh!? Sino yun!?

Boses kiki.. este pang babae ang boses niya.

Parang pacute pa. (-___-"

Hindi sila dumaan sa side kung asan ako ng marinig ang babaeng sumigaw..

Dahil chismosa ako,

sumilip ako. :P

"B-bakit ka andito?" Utal utal si Renz.

"Hi Eve." Sagot ni Jan sabay umakap sa babae.

Sino yun Eve na yun??

Girlfriend ba siya ni Jan??

Nagyakapan sila eh! :/ :(

ano ba naman tong araw na to!!

- - - - - JAN'S POV - - - - -

Pagkalabas ni Andie ay agad kong hinila si Renz sa likod ng stage.

Nakakairita talaga, pero pano ba to??

Pano ko sya kakausapin na hindi mahahalatang gusto ko din si Andie?

AISH!! Bahala na nga!

"Chong ano ginawa mo!? Ang tanga mo talaga. Hindi laruan si Andie! Hindi siya tulad ng mga babaeng nagdaan at nagdadaan sayo!" medyo tinaasan ko ang boses ko para naman makita niya na mali talaga ginawa niya!

Hindi ko to gngawa dahil nagseselos ako o ano, pero dahil kaibigan ko din naman si Andie.

Hindi naman maganda ang ginawa ni Renz kahit parang kapatid ko na siya, di ko hahayaang mambastos lang siya ng mga babae, lalo na si Andie pa!

LUCKY (Bestfriends to Lovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon