"ELECTION WEEK CLASS!" tumahimik ang lahat ng pumasok si Sir Joey. "This month, as we all know, papasok na ang election for the student council. Ang napagmeetingan ng faculty ay ang tatakbo sa posisyon ng president. Isa sa batch niyo at isa sa 3rd year."
"Si Gene nalang!" Sigaw ng bata bataan ni Gene (Gin ang pagkakapronounce nito), ang class president naming bulakbol na nanalo lang na class president dahil kalokohan ang class officers namin. At nga pala, muse ako. Lahat ng rooms halos ang muse ay ang new student. At dahil dalawa lang kaming new student, ako at ung nasa kabilang section, muse din siya, kami napagtripan.
"Oo nga para walang kwenta ang SC officers!"
"Kasing gulo lang ng room!"
Ang ingay ng lahat. Ako naman ay nagddrawing lang.
"No class. Listen! Nakapili na kami. Hindi kayo ang mamimili dahil kayo ang boboto. Pumili kami ng galing sa batch niyo. At yun ay si Yosh ." Malakas na sabi ni Sir Joey.
"Yosh, you may write down the requirements needed to choose your team. Ikaw ang pipili ng VP mo, Secretary and so on. Copy it sa bulletin board sa labas ng faculty room later." Dagdag pa nito at lumabas ng room.
"Yosh!" Pumasok ang ibang mga taga kabilang section sa room at nagkakagulo na. Siksikan sa classroom namin. Umiinit na at nawawalan ng talab ang aircon.
Nilipat ko ang upuan ko sa may aircon ng biglang.. BLAG!!
Nagkabungguan kami ng kaklase kong hindi ko napapansin. Invisible siya sa room dahil di naman siya maingay at di rin sya pansinin sa academics.
Pero lagi ko siya kasabay sa guidance para kumuha ng violation slip dahil lagi kaming late. At madalas din siya umabsent at natutulog sa klase.
"ARAY KO NAMAN!!" Sigaw ko dahil sa nabunggo ang upuan ko sa upuan niya habang tinutulak ko ito na parang shopping cart papalapit sa aircon. Ganun din kasi ang ginawa niya.
"Ako nauna dito" malamig na sagot niya at di nakatingin sakin.
"Magsorry ka kaya!" Sigaw ko pading sagot sakanya.
Inayos niya ang upuan niya sa may aircon, umupo at hiniga ang ulo sa mga braso niya. (Yung naka-nap position, pag matutulog ka sa room. Haha)
Uminit ang ulo ko at sinipa ang upuan niya. "ANO BA?! AKO NAUNA DITO AT HINDI KA GENTLEMAN!"
Hindi siya kumikibo at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Inis na inis na ako at dinabog ang upuan ko pabalik sa arrangement nito.
Natauhan naman ako at napatingin kung bakit tumahimik sa room. Paglingon ko, lahat sila nakatingin sakin.
"Ano?" Umirap ako at nag-nap nalang din kahit iritang irita ako. Unti unti bumabalik na ang ingay at sigla sa klase.
Mababaw lang ang tulog ko. Kaya naririnig ko ang paligid ko. Naramdaman ko may papalapit sa upuan ko at umupo sa tabi ko. Di ko pinansin.
"Chong wag mo guluhin natutulog yung tao eh." Sabi ng isa.
"Ginugulo ko ba? Tumabi lang ako diba?" Sagot ng kausap niya.
'Sino ba tong mga istorbo na to?' Iniisip ko kung pamilyar ang boses.
Pamilyar nga talaga kasi feeling ko sila ung mga taga kabilang room na laging napapalabas at sumisilip sa room namin.
O kaya sadyang lumalabas, punta ng CR kuno, para lang magpapansin sa room namin.
Inangat ko ang ulo ko kunyari ay nagising ako at hinawi ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Nakasimangot ako at sumandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
LUCKY (Bestfriends to Lovers)
RomanceFrom strangers to friends, friends to bestfriends, bestfriends to lovers. Posible kaya? Rough road, madaming bumps and distractions bago sila dumating sa... HAPPY ENDING NGA BA? Antabayanan ang love story na di ka lang kikiligin, makakarelate ka pa...