(THE STORY BEHIND WHAT HAPPENED TO CHAPTER 17: FIGHT CLUB)
- - - - - - - - - - JAN'S POV - - - - - - - - - -
Nandito kami ngayon maaga nanaman sa school.
Tambay muna kami since maaga pa.
And as usual, wala pa si Andie..
Ang boring..
"Hey man!" tinapik ako ni Gene sa balikat. Nagulat ako kasi ang aga niya at hindi naman dito ang place ng party nila.
"Sup man!" Inapiran ko nalang si Gene at umupo siya sa tabi ko.
"Kamusta dito chong? Ang boring sa kabila. Sobrang nerds nila sana dito nalang din ako." nakapalumbaba na kwento ni Gene habang ako natatawa lang.
"Sising sisi ka ba? sabi sayo wag ka na magvolunteer eh. Hahaha!" hinahampas hampas ko ng mahina ang braso niya ng sumigaw ito.
"BRO!" lumingon ako kung sino ang tinawag ni Gene at nakita si Renz nagkakamot pa ng mata habang inaayos ang polo niya.
Agad naman siyang kumaway nung marinig niya si Gene. Kumaway naman kami ni Gene pabalik.
"Grabe ang aga pa." sabi ni Renz ng makatabi na siya samin at naginat inat matapos ilapag ang bag niya.
"Bat ka nakauniform? pwede naman magcivilian diba?" sabi ko kay Renz.
"Ay nako, ayaw maniwala ng ermat ko na sa school ako pupunta kaya napilitan ako mag uniform. Andyan din kasi si hapon kaya kelangan magpakabait." HAPON ang tawag ni Renz sa Japanese niyang stepfather.
Haha under siya kasi walang luho pag di siya pumapasok eh. Hahaha!
"Wala pa ba si Andie?" umiikot ang ulo at mata ni Renz sa gym habang tinatanong to.
"Type mo men?" sabat naman ni Gene na inikot na din ang paningin niya.
Tahimik lang ako. Wala pa ko masasagot sakanila. Wew.
"Oo pards. Lam mo yun? Pag nakuha ko yun, hihiwalayan ko na talaga si Eve!" nakafighting na pose si Renz. (-_____-) tsss
"LULMO! Sinong niloko mo? ilang beses mo na sinabi yan, ilang beses na ring napako yan. Gasgas na gasgas na yang linya mo man." sabi ni Gene na napakamot ulo nalang sa narinig kay Renz. TUMPAK MO PARE!!
HINDI NIYA IIWAN SI EVE.
SASAKTAN LANG NIYA SI ANDIE.
Walang kwenta..
"Hindi noh. Promise na tlga to. Basta. Iba eh.. Iba talaga sya. Kaso may problema.." sabi ni Renz habang tinatanggal ang ID niya at ilalagay sa bag niya.
"Ano nanaman problema?" - Gene
"Sagabal. Yung Jester na yon. Dinidiskartehan na ata si Andie at ito namang si Andie parang tuwang tuwa pa. Lagi nakasakay sa kotse ni Jhe, kung sasama siya sakin, may kotse din naman ako, kaya ko siya dalhin hndi lang sa mga kainan at tapsilogan kundi sa langi--"
*Blag!!*
"UY CHONG BAKIT?! ANO GINAWA MO!?" - Gene
Pumunta si Gene sa tabi ni Renz tutulungan ito makatayo pero hinawi siya ni Renz at tumayo siya sabay sigaw "ANONG PROBLEMA MO BA HA!? ANONG GINAWA KO SAYO!?"
Sinapak ko si Renz rekta sa mukha. Gigil na gigil na ako sa mga salita niya.
"SUBUKAN MONG ITULOY SASABIHIN MO CHONG KALIMUTAN MO NANG MAGKAIBIGAN TAYO!" wala na ko pakielam sa sasabihin nila eh. Sobra na tong kumag na to. Kahit kaibigan ko siya hindi ko mapapalampas ang mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
LUCKY (Bestfriends to Lovers)
RomansaFrom strangers to friends, friends to bestfriends, bestfriends to lovers. Posible kaya? Rough road, madaming bumps and distractions bago sila dumating sa... HAPPY ENDING NGA BA? Antabayanan ang love story na di ka lang kikiligin, makakarelate ka pa...