~~~~~ ANDIE'S POV ~~~~~
Lumakad na kami palabas ng gym, hila ko si Yosh at si Jester. Ang lambot talaga ng kamay ni Jhe. Parang ayoko na bitawan. Hahaha!
Bumitaw na din ako pagalabas ng gym. Baka makahalata na sila nawili ako sa kamay ni Jhe. :P
"Dee uwi na ata si Jhe eh.." napatingin kami sakanya ni Yosh. Ayoko pa siya umalis. Ang cute niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang hindi nakauniform.
Nakapolo shirt siya na plain dark blue, nakashorts na white at nakavans na black. Mas pansinin ang maputi at makinis nyang balat.
Nakarelo siya na ngayon ko lang nakita, at may hikaw pala ang dalawang tenga niya.
Maliit lang ang hikaw pero dahil sa sinag ng araw, kumikislap ang maliit na diamond stud.
"Ha? Hindi okay lang. Di pa din naman ako kumakain." Ngumiti siya at binulsa ang dalawang kamay. Nauna na siya maglakad papasok.
Pagdating sa canteen, WALA NANG PAGKAIN. Badtrip naman. Gutom na gutom na ako. T______T
"May baon ako kaso di kasya satin to eh." Nilabas ni Yosh ang baon niyang beef steak. Kaso pangisang tao lang talaga.
"Pwede ka ba lumabas?" Tanong ni Jhe. Napalingon kami kung sino ang kausap niya. Nakatingin siya sakin!
"A-ako?" Puzzled ang mukha ko. Di maipinta dahil bakit niya ko aayain??
"Hindi, si manong janitor. Malamang ikaw! Sino pa ba dito yayayain ko?? Wala kang pagkain, gutom na din ako. Sa labas na tayo kumain. 1hour naman break niyo at walang klase. Pag hinanap ka andyan si Yosh pagtatakpan ka. Diba Yosh?" Lumingon si Yosh at nakatitig si Jester sakanya.
"Ah... Oo.. Oo ako na bahala. Kumain na muna kayo. Dun nalang ako sa table ng mga 3rd year.." parang malungkot si Yosh.
Wala na kasing ibang 4thyear sa team namin. Ako at siya lang. Ayoko sana siyang iwan kaso gutom na talaga ako.
"Yosh sorry ha.. bawi ako sayo! Bili kita ng cadburry bukas!" Nag chest bump kami at naghandshake na barkada lang namin ang nakakaalam.
Paglingon ko kay Jester, pababa na siya ng hagdan. 'Wala talagang kagentleman gentleman tong lalakeng to!' Isip isip ko.
"Jhe teka lang!!" Agad akong sumunod sakanya ng mabunggo ko siya pababa ng hagdan.
"Aray naman!" Buti nalang nakahawak siya sa handle ng hagdan kundi bumagsak kami parehas ng di oras!
"Sorry! Sorry sorry sorry Jhes!" Sabi ko sakanya habang inaayos ang sarili ko.
"Ok lang. Wag mo ko tawaging Jhes." Nagiba ang ihip ng hangin. Nabadtrip siya di dahil nabunggo ko siya, dahil natawag ko siyang Jhes?
Ano ba yun?? Labo nitong taong to!
"Tara na." Dali dali siyang bumaba hila ang kamay ko. Nagmamadali. Ang lamig ng kamay niya. Parang.. patay! Patay na ba to? Sabagay, sa putla niya, di malayo. Hahaha!
Pagdating sa labas ng school, magpapata dapat ako ng trike. "HOY SAN KA PUPUNTA?!" sigaw nya sakin habang naghahanap ng tricycle.
"Papara ng trike? Bakit gusto mo ba maglakad?? Ang init init noh! Sarado din ang tindahan sa kanto!" Pasigaw na sagot ko sakanya.
Naglabas siya ng susi at pinindot ang parang remote na maliit. May tumunog na kotse. Kulay itim ito, at pamilyar ang... SHIT DREAM CAR KO!
Isang Mazda RX-7 ang kotse ni Jhe. Ang ganda!!!!!
Tinted at malaki ang mags.
Pero maliit pa din ang tambutso pero hindi siya spare na muffler. Ang gandaaaa.... tulo laway ko... :P~
BINABASA MO ANG
LUCKY (Bestfriends to Lovers)
RomanceFrom strangers to friends, friends to bestfriends, bestfriends to lovers. Posible kaya? Rough road, madaming bumps and distractions bago sila dumating sa... HAPPY ENDING NGA BA? Antabayanan ang love story na di ka lang kikiligin, makakarelate ka pa...