~~~~~ JAN'S POV ~~~~~
Ang init grabe. Buti pinauwi na kami.
Wala din naman si Andie kanina. Bwisit kasi tong si Renz at Eve.
Hinatak pa ko magyosi. Nakita tuloy kami ng ibang brad.
Yes guys, may fraternity ako. Kafrat ko si Renz.
Isa kami sa mga kilalang frat sa buong lungsod.
2ndyear highschool pa lang ay kasali na ako.
Si Renz naman ay bagong lipat sa school nung 3rd year kaya di nila alam na kabrad nila ako.
Pero ako alam ko. Sikreto lang ang akin. Nabunyag lang nung nakita ako ni Renz na kasama sa anniv ng fraternity nung 3rdyear kami.
Kaya nalaman na din niya at ng buong school.
Muntik na kami makick out dahil bawal sa school ang mga ganung klaseng grupo.
Buti nalang at napakiusapan ng adviser at ng mga magulang namin ang principal.
Kaya naman napagbigyan kami basta lang ay wag idadamay ang school lalo na pag may mga gulo.
Malakas din kasi ang kapit ng daddy ko. VP siya ng isang company na kilala sa madaming bansa.
Ang L'oreal. Siguro narinig niyo na. Pero di ako maluho. Ni celphone di ako bumibili.
Wala naman akong itetext at pwede naman nila ko puntahan sa bahay kung gusto nila ko makausap.
Malapit lang ang bahay ko sa school, walking distance lang kaya motor man o kotse hindi ako nagpapabili.
Simpleng tao lang ako. Ayoko ipaalam na mayaman kami o mas may kaya kesa sa ibang kaklase o kaibigan ko.
Nakatira ako sa mga grandparents ko. Hiwalay kasi ang magulang ko at di sila kasal.
Ang mom ko, palipat lipat ng bansa. At ang dad ko? Dalawang beses ko palang siya nakikita simula nung pinanganak ako.
Buong buhay ko sa lolo and lola ko ako lumaki kasama ang tita ko at isang pinsan.
Hindi malaki ang bahay namin. Sakto lang sa aming lahat.
May aso kami na best buddy ko eversince. Si domino. Labrador retriever siya. 6 years ko na ata siyang aso or 7. Anyway..
Andie.. Hindi maalis sa isip ko si Andie..
San kaya sila kumain ni Jhe?
Bakit magkasama sila bigla eh dalawang buwan na sila magkaklase eh wala naman ako nakikita o naririnig na naguusap sila sa school.
Ba't napakabiglaan naman ata?
Dahil ba sa nangyari nung nakaraan?
Nung binastos siya ni Renz?
Haaaay!! Gulong gulo na ako.. ANDIEEEE!!! T____T
"JAN!" Si mama sumisigaw.
Nagising ako sa day dreams ko.
Mama at Papa ang tawag ko sa lolo't lola ko.
"YES MA??" Sigaw ko ring sagot mula sa kwarto.
Pumasok siya sa kwarto ko "Have you eaten?" Tanong niya habang nakatingin sa tv ko na pinagmasdan kung ano pinapanuod ko.
"Not hungry." Patuloy lang akong nanuod.
"Well, sayang naman ang sinigang na favorite mo.. maybe I should give it to the neighbo..." di pa siya tapos magsalita ay tumayo na ako, pinatay ang tv at kinuha ang t-shirt ko.
"Sabi ko ma, not hungry for tomorrow." Humalik ako sa pisngi ng lola ko at inakbayan siya palabas ng kwarto.
"Sabi ko na di mo matitiis eh.." natatawa tawa si mama habang hinahainan ako ng juice.
Ako naman nagsandok na ng bundok ng kanina at kumuha ng bowl para ilagay ang sinigang.
Mama's sinigang is the best sinigang! Wala pa ko natitikmang sinigang tulad nito.
"Whatever you say ma. Di pa talaga ako kumakain kaya ganun. Hahaha!" Biro ko sakanya habang sumusubo na ng pagkain.
"Okaaay.. basta when you finish put your used plates sa counter. Bo will clean up." ika ni Mama.
Si Kuya Bo ang parang naging kuya kuyahan ko. Siya ang boy namin sa bahay pero mga 35 years old na siya.
"Alright ma. Labas ako mamaya ha?" Nagsasalita ako habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full iho." Naglapag siya ng pera sa mesa at tinapik ang ulo ko.
"Thanks ma!"
Naubos ko ang pagkain at nilagay na sa sink ang mga plato. Binulsa ang pera at dumiretso sa kwarto.
Sumilip ako sa bintana, ang init pa.
Anong oras na ba?
Tumingin ako sa orasan sa pader, sa taas ng kama ko. 12:50 palang ng tanghali.
Kaya pala ang init.
Humiga muna ako ulit.
Nagmuni muni ako tungkol kay Andie..
'Bakit kaya siya bumalik?
Sabi sabi eh may binalikan siya. Sabi naman ng iba nakick out. Yung iba naman sabi family problems?
Hay.. bat ba kasi di ko siya makausap ng matagal?
Ang torpe ko talaga pagdating sakanya. Lagi nalang akong torpe. Nahihiya.
Dati ang cute cute niya. Si papa lagi nalang ako kinukulit mula noong nakita niya si Andie nung elementary days namin.
Kahit ilang beses ko sabihin sakanya na hindi na kami nagkikita, kinakamusta niya padin. Natatawa nalang ako.
Ang ganda na niya lalo. Parang walang pinagbago ang mukha niya.
Baby face pa din, prettiest girl I have ever seen..
Kahit sa ugali, pilya at makulit padin siya.
Napakamasayahin. Buong grupo kahit saan siya mapunta napapasaya niya.
Feeling ko talaga ang petty crush ko sakanya noon, nabubuo na ng mas mataas na level ngayon...
Mahal ko na ata si Andie..
BINABASA MO ANG
LUCKY (Bestfriends to Lovers)
RomanceFrom strangers to friends, friends to bestfriends, bestfriends to lovers. Posible kaya? Rough road, madaming bumps and distractions bago sila dumating sa... HAPPY ENDING NGA BA? Antabayanan ang love story na di ka lang kikiligin, makakarelate ka pa...