PROLOGUE

758 12 10
                                    

Naranasan mo na ba mamili over friendship and love?

Magmahal ng palihim sa isang sulok kahit alam mo na meron nang nabubuo sa inyong dalawa pero nahahadlangan dahil masasayang ang pagsasamahan niyo bilang mag-bestfriend?

Hanggang kelan mo kaya itago ang nararamdaman mo para lang sa pagkakaibigan?

Pagkakaibigang pwedeng mauwi sa pagiibigan o tuluyang maging magkakilala nalang sa pangalan?

Ito ang storyang madami sa atin ang pwedeng nakaranas na at iba iba ang resulta.

Ano nga ba ang mas mahalaga?

Paano kung magkaron kayo ng sariling natuunan ng pansin dahil sa paghadlang sa sariling nararamdaman? Titigil ka ba? O aasa ka pa ba kahit alam mo na meron namang iba na nagpapatibok sa puso niya?

Pano kung ikaw din ang tinitibok ng puso niya, pero kagaya mo, natatakot lang din siya?

Love is a game of chance. And chances are infinite unless you totally end everything in just a blink of an eye. But love is always there, in friendship and in each and every relationship.

LUCKY (Bestfriends to Lovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon