Chapter 12 - TRUTH AND LIES (part 1)

107 4 1
                                    

- - - - - JESTER'S POV - - - - -

Lumabas na kami ni Andie sa bahay nina Yosh.

Hatid ko nalang siguro siya..

"San ka ba nakatira?" agad kong tanong pagkabukas niya ng pintuan niya at makasakay ng kotse.

"Sa kabilang village lang. Dun sa may street sa may mini mart papasok. Basta turo ko nalang sayo. O kaya baba nalang ako dun. Lalakarin ko nalang." ^___^

Baliw talaga to. Hahatid ko na nga gusto pa maglakad..

"Okay lang. Hatid na kita baka mapano ka pa." stinart ko na agad ang kotse.

Tahimik lang kami hanggang makarating sa may village na sinasabi ni Andie.

"San dito?" tanong ko sakaniya, medyo binagalan ko ang andar baka kasi lumiko kami.

"Ah.. Diretso lang diyan. Hanggang sa dulo." tumango ako sa sagot niya at sinunod na diretso lang..

Hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Na hindi ko kelangan magpanggap pag kasama ko siya. Kaya siguro madami nga siyang kaibigang lalake. Wala talagang malosya ang mga kilos niya. Pantay pantay ang lahat ng tingin niya sa mga kaibigan... Siguro--

"Dito nalang!!"

PUCHA!!

Napaapak ako sa brakes agad! Buti nalang walang kotse na nakasunod samin!

"ANO KA BA NAMAN!? WAG KA MANGGULAT! TSAKA BAKIT DITO?? BAHAY NIYO BA TO EH PURO IHAWAN AT TINDAHAN DITO!?" kairita talaga siya minsan! Okay na eh! Magaan na loob ko eh!

"Dito nalang. Lalakarin ko na nga lang eh. Mas malapit pag nilakad ko mula dito kesa papasok ka pa sa mga ibang street. Masyadong malayo!"

"Ihahatid na nga kasi kita eh.." napatingin ako sa binta na inis na inis.. Gusto ko siya ihatid eh. Para makita ko naman kung san nakatira to.

Mukhang medyo skwater kasi ugali minsan. -_-"

Napapaisip tuloy ako baka nga--

*POKE* *POKE*

"Huy wag ka na magalit.." sinasabi niya habang sinusundot sundot ang pisngi ko..

Pacute nanaman to.

Hinawakan ko ang daliri niya para di na niya ko masundot sa pisngi, nilingon ko siya at tinitigan..

"Anong oras ka papasok bukas?" seryoso kong tanong..

"Syempre depende ano oras ako magising. Pero kelangan daw maa--"

"Wag ka magpalate ha."

o.O → Andie

-_- → me

Nagulat ata siya.. "Bakit?" sabay niyang tanong.

Baka magfeeling din to. Sayang kung malagay sa wala ang pagkakaron ko ng kaibigang babae!

"Eh syempre. Yan ba ang magiging representative ng batch natin? LAGING LATE!?" bigla kong binitawan ang daliri niya at ngumiti. Baka isipin niya weirdo pero okay na to kesa magisip pa siya ng iba!

Kinurot ko ang pisngi niya!

NAKAKAGIGIL! Ang chubby kasi ng pisngi niya. :)

>_< "Areku naman!" mabilis niyang reaksyon.

"Sige na umuwi ka na. Magtext ka nalang pag nakauwi ka na." Binuksan ko na ang lock ng pinto at ngumiti sakanya.

"Oo na. Ingat ka. Tsaka.. Thank you.." ^_____^

LUCKY (Bestfriends to Lovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon