PROLOGO

373 23 2
                                    

Hilam sa luha ang mga mata ni Roni. Nanlalambot na niyang ibinaba ang telepono. Hindi niya mapigilan ang mga luhang kanina pang nag-uunahang lumaglag sa makikinis at malambot niyang pisngi.Dahan-dahan siyang tumayo upang ayusin ang sarili. Paglabas niya ng silid ay nabungaran niya si Jelai na abala sa panonood ng paborito nitong palabas sa T.V. habang ang isang kamay ay nakahawak sa paborito nitong sitsiriya.

Hindi niya pinansin ang kaibigan, bagaman alam niya na nagtataka ang tingin nitong nakahabol  sa kanya.

Pumunta siya sa may banyo at naghilamos.Pilit niyang pinakakalma at pinatatatag ang sarili. Anuman ang nangyayari sa kanya ngayon, kailangan niyang maging mahinahon at positibo.

Pagkatapos maghilamos ay muli siyang naglakad pabalik ng silid.Tila ba lumulutang at walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid.

"Sis...ok ka lang ba?!"naramdaman niya ang kamay ni Jelai sa braso niya kaya tila saglit siyang natauhan.

"Huh?!" Tila nagulat pa niyang sagot dito.

"Oo..oo naman..Medyo matindi lang talaga yung sipon ko.Medyo masama yung pakiramdam ko sis",
dugtong pa niya at muli ay pumasok na sa sariling kuwarto".

Muli ay nanlulumo siyang napaupo sa kama. Lumilipad  ang kanyang isipan. Hindi niya alam ang gagawin sa sandaling iyon. Kailangan na muna niyang mag-isa upang makagawa siya ng sariling desisyon. Dahil kung ang lahat ay isasangguni niya kay Jelai, malamang malaki ang maiiambag ng kaibigan para mabago na naman ang desisyon na pinaplano niya. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Gulong-gulo ang utak niya sa sandaling iyon.

"Ano nga ba ang dapat niyang gawin?"-sigaw ng utak niya.

Minabuti niyang ilatag sa malambot na kama ang kanyang pagal ng katawan. Mariin siyang napapikit. Pansamantala, ay nakadama siya ng ginhawa. Mahapdi na ang kanyang mga mata dahil sa kanina pang walang humpay na pag-iyak.

Maya-maya pa, ay tuluyan nang pumalaot ang kanyang diwa. Pansamantala ay nakatakas ang kanyang isipan sa alalahanin nang tuluyan na siyang agawin ng antok.

KINABUKASAN

Sunod-sunod na katok sa kanyang silid ang nagpagising sa kanya.
"Roni...Roni...!"narinig pa niyang tawag ni Jelai sa pangalan niya. Mabigat man ang katawan ay pinilit niyang pagbuksan ng pinto ang kaibigan.

"Sis..."--maikling tugon lang niya nang makaharap ito.

"Tanghali na sis,hindi ka ba pupunta sa resto?" Kunot-noong tanong nito habang pinagmamasdan siya.

"Jelai kasi..."--saglit siyang huminto upang gumawa ng alibi sa kaibigan.
Mabilis niyang sinapo ang ulo saka muling nagsalita.

"Masama kasi ang pakiramdam ko eh. Ikaw na lang muna ang bahala sa resto sis.Magpapahinga lang muna ako.Ok lang ba?"
Wika niya sa kaibigan.

Nanatiling nakatingin sa kanya si Jelai. Tila sinusuri nito kung nagsasabi ba siya ng totoo o may inililihim lang ito sa kanya.

Maya-maya ay tila nakumbinse naman ito. Ngumiti ito sa kanya ng bahagya at saka tinapik siya nito sa balikat.

"Ok sis.Magpahinga ka at uminom ng gamot. Ako na muna ang bahala sa resto kaya dito ka na lang muna at magpagaling." Nakangiting bilin pang muli ni Jelai.

Tumango naman siya sa kaibigan. Hinabol niya ito ng tingin hanggang makalabas ng bahay. Maya-maya ay narinig na rin niya ang papalayong ugong ng sasakyan nito.

Napangiti siya kahit nag-iisa. Mabuti na lang at nariyan si Jelai para sa kanya. Nang magtungo ang mga magulang niya sa Canada kasama ang kanyang Kuya Yuan, naiwan siyang mag-isa sa Pilipinas. Ewan ba niya kung bakit ayaw niyang umalis ng bansa. Oh, dahil napamahal lang talaga siya sa negosyo na magkasama nilang ipinundar ng kanyang bestfriend Jelai.

Nagsisimula pa lang kasi sila noon, Hindi  naman niya magagawang iwan  ng ganon-ganon lang ang resto na kaytagal nilang pinangarap at pinaghirapan ni Jelai.

Sa ngayon, dahil pareho sila ni Jelai na tumitindig sa sarili nilang paa, nagdesisyon na lang silang magsama sa bahay at manirahan sa isang eksklusibong subdibisyon.

Muli na namang nauubos ang oras ni Roni sa mga isipin. Kaya minabuti na lang niyang tumayo at magtimpla na lang ng kape. Baka sakaling may pag-asang gumaan ang napakabigat niyang kalooban.

Napapikit siya sa unang higop ng mainit na kape.  At dahil mag-isa na naman siya sa oras na iyon, kung saan-saan na naman naglakbay ang utak niya. Mariin na naman siyang napapikit ng muling maramdaman ang mga luhang gusto na namang lumaglag. Iiyak na naman ba siya?

Haiiisttttt...Roni..ke aga-aga sinisira mo ang araw mo..!!!
Paghuhumiyaw ng mga tila baliw na utak niya.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang makarinig ng ilang sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay nila. Sinuklay niya ng mga daliri ang kanyang buhok. Tiniyak na walang muta ang kanyang mga mata. At saka binuksan ang pintuan.

Nagulat siya sa taong nabungaran niya.

"Mag-usap tayo please", wika ng lalaking nasa harapan niya.

"Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sayo.Malinaw naman ang lahat ng sinabi ko hindi ba?Wala na tayo", mataray na wika niya sa kaharap.

"Pero Roni..."--pigil nito sa dalaga.

"Makakaalis ka na. Wala na tayong dapat pang pag-usapan" wika pa niya sa lalaki.

Agad niyang isinara ang pintuan upang hindi na siya magawa pang habulin ng lalaki.

Hindi niya magawang bitiwan ang seradura ng pinto. Mariin siyang napapikit at kasunod noon ay ang pagpatak na muli ng kanyang mga luha.

Saglit pa'y narinig na niya ang papalayong ugong ng sasakyan....
Umalis na nga ang lalaki.

Ganun lang pala siya kadaling bibitiwan nito.Ni hindi niya naramdaman na nagpumilit talaga ito na kausapin siya o nagpursige man lang na ayusin ang gusot sa pagitan nila.

Sobra siyang nasasaktan ngayon....Mas masakit pa nung nakipag-break siya sa telepono noong nagdaang gabi...

Muli ,wala na namang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Wala na siyang magagawa sa ngayon kundi ang lumuha,at ipagdasal na muli pa sana ay mabuong muli at maghilom ang sugat sa kanyang puso.

Noon niya naisipang tawagan at kausapin si Jelai. Hindi na niya magagawa pang hintayin ang pag-uwi nito. Kailangan na niya ng makakausap.Dahil mababaliw na siya sa sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso sa mga sandaling iyon.

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now