CHAPTER 1

254 30 3
                                    

Malungkot at tahimik na nakaupo lang sina Roni at Jelai sa may silya sa loob ng resto. Napakalungkot.

Ilang taon  din ang itinagal ng kanilang negosyo at ngayon ay unti-unti na itong humihina at nagsisimula na ng pagkalugi. Wala namang magkaroon ng interes na mag-invest sa negosyo nila.

Iginala ni Roni ang paningin sa paligid ng resto. Gaano na lang ba katagal ang kanilang hihintayin para tuluyan ng ipasara ang negosyo nila ni Jelai.

"Haiiiiissssttt..Kung may paraan lang talaga"--tila wala sa sariling naibulalas niya.

Napalingon sa kanya si Jelai. Alam nitong ang negosyo nila ang iniisip niya.

Ngumiti ang kaibigan. Alam niyang gusto na naman siyang amuin at pakalmahin nito.

"Sis, ano ka ba? Madami pa namang paraan para maisalba natin itong resto" tila positibong saad pa nito.

"Like what?!"--tila nanghahamon na wika niya.

Tila hinahamon ni Roni ang kaibigan na ilatag sa harapan niya ngayon kung ano-ano ang mga paraang naiisip nito kung paano nga ba maaaring maisalba ang bumabagsak na negosyo nila?

Saglit na kumagat labi si Jelai habang saglit ding umilap ang mga mata...saka muling nagsalita.

"Tingin ko sis, kailangan na nating mag call-a- friend"--wika nito.

"Jelai...Eh di nga ba nakausap ko na si Tonsy. Alam naman natin na may bagong business yung tao. Siyempre, hindi pa natin maasahan iyon sa ngayon"halos naiiling na wika ni Roni.

"Eh sis, hind naman kasi si Tonsy lang yung friend na pwedeng makatulong satin..Mayroon pa akong kilala na alam kong hindi tayo pahihindian."--nakangiting wika pa ni Jelai saka nagtaas ng dalawang kilay.

Napakunot noo na naman si Roni.

"Si Junjun ba!?"
Tanong niya rito.

Napahagikhik lang si Jelai.

"Sis..siyempre hindi si Junjun.."

"Eh sino???"--kunot noong tanong muli ni Roni sa pinakamatalik na kaibigan.

Hindi agad nakapagsalita si Jelai. Tila sinusuri nito ang magiging reaction niya.

"Sis, sino ba?!"--tila naiinip na tanong pang muli ni Roni.

"Si Borj!" Prangkang tugon naman kaagad nito.

Hindi nakapagsalita si Roni. Natahimik siya. Hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabing 'yun ni Jelai. Seryoso ba ang bestfriend niya?

"Natahimik ka na sis?"-basag ni Jelai sa pansamantalang katahimikang namagitan sa kanila.

"S-seryoso ka ba?"--seryosong tanong pa niya.

" Roni...Oo.."
prangka rin namang tugon ng bestfriend niya.

Natahimik na naman si Roni
Nalilito siya.Dapat ba niyang sang-ayunan ang kaibigan o pabayaan na lang niyang tuluyang bumagsak ang restaurant.

"I'm sorry Roni ha.Pero, kailangan nating makahanap ng taong makakasagip sa negosyong pinaghirapan at pinangarap natin.Kailangan natin si Borj"

"How can you make sure na willing siyang tumulong?Hindi tayo papansinin nun"
halatang may pagkairita ang tinig na yun ni Roni at halos mabali na yata ang kanyang leeg sa tindi ng pag-iling.

Tila nabuhayan ng loob si Jelai. Sumigla ang mukha pati na rin ang tinig nito.

"Actually sis, i am 100% confident na mako convince ko si Mr. Benjamin "Borj" Jimenez na mag-invest satin. Ang isang batang- batang business icon ng Pinas."
Masiglang-masiglang wika ni Jelai.Punong-puno ng pag-asa at tiwala.

Nagtataka niyang pinagmasdan ang kaibigan. Kung kanina ay karamay niya ito sa panlulumo, bakit ngayon ay bigla na lang itong sumigla at nabuhayan ng loob.

"Maniwala ka sakin Jelai, hindi tayo papansinin ng Mr. jimenez  na 'yan" saad pa niya.

Ayaw na niyang paasahin pa ang kaibigan na matutulungan sila ni Borj.

"Mr. Jimenez daw.Aysus!!!Ang bitter mo sis..What if?" Tila punong-puno naman ng pag-asa si Jelai sa sandaling iyon.

Saglit na napaisip si Roni. Businesswomen sila. At tulad ni Jelai, tama lang naman na maging positive thinker.

Pero teka....papayag nga ba siya na si Borj ang aasahan nilang magsalba sa negosyo nila???

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga. Ayaw niyang biguin ang konting pag-asa na pinanghahawakan ni Jelai. Nakikita niya sa mukha ng kaibigan ang kasiyahan na muling maiisalba ang negosyo sa pamamagitan ni Mr. Borj Jimenez.

Kokontra pa ba siya? Alam niya ang hirap at pagod ni Jelai para sa negosyo. Ayaw niyang maging makasarili at pabayaang mawala na lang ang negosyo kung may paraan pa naman para maisalba ito.

"Sis, paano ka ba makakatiyak na matutulungan tayo ni...ni Borj!?"--mahinang wika niya kay Jelai.

Napatayo sa sobrang galak si Jelai at lumapit pa sa kinaroroonan niya.

"Actually sis, i already sent him a message..And he said yes"--halos maglulundag na ang kaibigan sa labis na saya.

"S-seryoso?"--tila hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Yes Roni..and ito oh..nakipag set na rin siya ng meeting  on Monday morning."--masayang-masaya si Jelai habang ipinakikita ang message ng binata.

Napangiwi siya.Agad-agad. Natural na kabaligtaran ang nararamdaman niya sa nararamdaman ni Jelai. May part ng pagkatao niya na masaya siya dahil may chance na silang makabangon. Pero ang isang part naman niya ay sobra-sobra siyang naguguluhanan. Muli silang  magkikita ni Borj sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kaibigan, kabarkada at kasama sa lahat ng gimikan si Borj noong mga bata pa lang hanggang mag college sila.Bestfriend ng kuya Yuan niya si Borj. Nang makatapos sila ng pag-aaral sa college, dun lang niya nalaman ang tunay na feelings sa kanya ng lalaki. Niligawan siya ng binata. At dahil si Borj naman yung taong hindi mahirap mahalin, Nahulog din ang loob niya dito..kaya...naging sila na nga....

Halos hindi pa nagtatagal ang relasyon nila..Gumawa si Roni ng isang mabigat na  desisyon...Kailangan niyang  makipag-break sa  binata.Nasaktan siya noon.Sobrang sakit..dahil nang makipag-break na nga siya dito, umalis na ang binata at nagpasya namang magtungo sa Italy para sumunod sa mga magulang na naroroon.At doon, nakatapos at naging matagumpay ang ex-boyfriend niya at ngayon nga ay kilalang-kilala na sa mundo ng business.

Ilang buwan pa lang na nakakauwi ng bansa si Borj pero naging mainit na kaagad ang pangalan nito sa business industry. Palibhasa ay simpatiko, mabilis kahumalingan ng mga babae.Si Borj kasi ang tipong papangarapin ng bawat nakapalda.Lalo na ngayon , na may pera pa ang binata.

Naging tahimik lang siya sa pagbabalik ni Borj. Sino ba siya para mangumusta man lang dito?

Sa ginawa niya noon dito, sino siya para humingi ng tulong ngayon. Kung sarili lang niya ang negosyo, baka nga hayaan na lang niyang lumubog ito.

Pero, yun nga lang , nandiyan ang bestfriend Jelai niya na nagpakahirap din naman..Kaya kung si Borj ang nakikita nitong pag-asa, sige..papayag na rin siya..

Kahit nararamdaman niya na hindi ito magandang ideya. Wala siyang magagawa kundi pagbigyan ang kahilingan ng pinakamatalik niyang kaibigan.

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever


💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now