CHAPTER 3

161 24 1
                                    

Maagang pumasok sina Jelai at Roni kinabukasan. Nakakahiya naman kung mauunahan pa sila ni Borj dumating sa restaurant.

Naroon lang sila sa loob ng opisina at naghihintay. Nagsisimula nang magdatingan ang mga staff nila. Maaga rin nilang pinapasok ang mga ito para maipakilala kay Borj.

Maya-maya nga ay pumarada na ang isang pamilyar na sasakyan sa parking area. Bumaba pa ang driver para ipagbukas ng pintuan ang Poncio Pilatong "boss" nito.

Dumagundong na naman ang matinding kaba sa dibdib ni Roni. Wala nang ibang kasama si Borj na pumasok sa opisina. Naiwan lang ang driver nito sa labas.

"Hello, goodmorning girls" magaan at napakasiglang bati ng binata sa kanilang dalawa nang tuluyang makalapit sa mga ito.

"Hello Borj" bumeso pa si Jelai sa bagong dating.

Napatungo na lang si Roni. Hindi naman kasi niya kayang bumeso sa lalaki.

"Borj, nandito na yung lahat ng reports na kailangan mo pang  mapag-aralan. And kung may tanong ka, don't hesitate to ask."
Masiglang paliwanag ni Jelai.

Naupo si Borj at agad hinagip ang mga folders upang simulan na ngang pag-aralan at basahin ito.

Makahulugang tumingin si Jelai sa kaibigan at dahan-dahan na ngang humakbang palabas ng opisina.

Sinubukan ding tumayo ni Roni para lumabas. Mukhang hindi niya maaatim na makasama si Borj sa loob ng opisinang iyon. Ngunit, Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang tinig ng lalaki.

"Roni,  I told you to stay here..So...if there is anything that I would like to ask, may tao akong pwedeng kausapin."

Wika ni Borj na nakatuon pa rin ang mga mata sa laman ng folder na kanina pang binabasa.

Tumigil si Roni sa paglalakad. Wala na siyang magagawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ng bi nata.

"Ok" sagot niya na bahagya rin namang sumulyap sa kinaroroonan ni Borj.Naupo siya sa silyang di naman kalayuan sa lalaki.

Sobrang tahimik sa loob ng opisina. Matamang nagbabasa lamang si Borj at si Roni naman ay unti-unti ng nababagot.

Halos magdadalawang oras na siyang nakaupo lang at walang ginagawa. Ni hindi naman siya kinakausap man lang or tinitingnan man lang ng lalaki.

Napakagat labi si Roni. May mali sa nangyayari. Hindi dapat siya magpadala sa mga trip nitong walang kakuwenta-kwenta.

Tumayo siya at buong tapang na hinarap ang lalaki.

"Mr. Jimenez"--matapang na bungad niya.

"Borj na lang!"--tugon naman ng lalaki na hindi man lang nag-aksaya ng panahon na lingunin siya.

Kaya mas lalong naiirita si Roni sa binata ay dahil na rin sa kagaspangan nito.

"Mr. Jimenez"--pagdidiin pa niyang muli sa apelyido ng kausap.
Hindi siya nagpatinag.

"I'm sorry pero hindi ko naman maaatim na tumunganga dito kasama ka habang ang mga staff at bestfriend ko, ay hindi magkandaugaga sa pagtatrabaho doon sa labas."- paliwanag ni Roni sa pinakakalmadong paraan.

Sinisikap niyang huwag sumabog kaya sinikap niyang magtimpi at dugtungan pa ang natitirang pasensiya.

"Roni...Nagtatarabaho ka naman dito.Kasama ako.Ayaw mo ba?"--at sumilay ang isang makahulugang ngiti mula sa labi ng binata.

Muli...Napahinga ng malalim si Roni...

"More pagtitimpi Roni..para sa ekonomiya"...wika niya sa sarili.

Sinalubong niya ng tingin ang mata ng dating nobyo. Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit at akmang aalis na.

" Sa labas na lang ako Mr. Jimenez. Mukha namang hindi mo ako kailangan dito. Wala ka namang  itinatanong o kaya ay---"

"May boyfriend ka ba?"--maya-maya ay singit ni Borj sa sunod-sunod niyang birada dito.

Natahimik at natigilan si Roni. Hindi niya akalain na itatanong 'yun sa kanya ni Borj.

Nakatingin lang sa kanya ang lalaki at halatang naghihintay ng sagot niya.

Pumormal siya ng anyo at saka diretsahang tumitig din sa mata ng lalaki.

"Mr. Jimenez, we are here because of business..Mukhang..wala namang kinalaman sa negosyo ang mga tanong mo"-pinasingkit pa niya ang kanyang mga mata upang ipakita lang sa kaharap na hindi siya nagpapaapekto dito.

Nakita niyang bahagyang ngumiti ang binata. Tumayo ito mula sa kinauupuang swivel chair.Inayos ang suot na damit at saka lumakad palapit sa dalaga.

Kinabahan si Roni.

"OMG, lalapitan ka niya!!!"tila kinikilig na panunukso ng mga utak niya.

Muli ay naisipang maupo ni Roni dahil pansamantala ay naramdaman niyang muli ang panlalambot ng kanyang mga tuhod.Parang kumawala na naman ang kanyang lakas at tapang na kanina ay naghahari-harian lamang sa kanya.

Hindi nga siya nagkamali. Naupo din sa harap ng upuan niya ang binata. Naaamoy niya ang napakabangong pabango nito na tila nanunukso sa pang-amoy ng sinumang babae.

Napalunok si Roni nang tuluyan na ngang mapaharap sa kanya si Borj. Nakangiti ito at "Shit!!!!Ang ngiting iyon" mura niya sa isip.

Napakagwapo pa rin Borj. Ang ngiting iyon pa rin ng dating nobyo ang may malakas na pwersa na tila humahatak sa kanya para mapansin pa rin ito. Kung kanina ay diretso niyang natitingnan ang lalaki, ngayon ay napatungo na lang siya.

"Roni, hindi mo ba alam? One thing na pwedeng makasira sa negosyo ay ang pakikipagrelasyon. Kaya...Hindi naman siguro masama kung aalamin ko ang status ng magiging  future business partner ko."
At sumilay ngang muli ang ngiti sa labi ng binata at sinamahan pa ng pagkindat sa dalaga.

Halatang may kakaibang himig ang pagbanggit ni Borj sa salitang "partner".Yung tipong may gustong ipakahulugan sa pandinig niya.At hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman sa sandaling pagkindat sa kanya ni Borj.May kahulugan ba 'yun?

Napailing siya. Masyado lang siyang nagiging assuming.Huwag na lang asahan na mangyayari pa ang mga imposible na.

"Kung si Jelai very vocal sa pagsasabi na mayroon siyang Junjun, what about you Roni?Are you in a relationship?"tanong nito sa kanya.

Gusto sana niyang isampal sa gwapong mukha ng kaharap niya na YES may boyfriend siya..pero paano naman kung hanapin nito.Sino naman ang lalaking pagpapanggapin niya?  Baka naman naikwento na rin ni Jelai kay Borj na wala siyang boyfriend at hindi na nagka boyfriend after their break-up.So matagal-tagal na rin.

"Roni"--muli ay tawag ng makulit na binata sa pangalan niya. Talagang hinihintay nito ang isasagot niya.

"I'm single"
halos napipilitang  sagot niya.

"Good to hear.Nice to know!"

Tumindig na muli si Borj at nagbalik ng muli sa swivel chair na kinauupuan kanina. Muling binuklat ang mga folder na hawak hawak at nagpatuloy na muli sa pagbabasa.

Napakagat labi sa Roni. Natutuwa bang malaman ni Borj na single siya dahil sa business, o natutuwa itong malaman na single siya dahil may chance na makipagbalikan ito sa kanya.

"Wow ha!!!Nagiging 100% na asumera  na talaga siya.Roni kalma..Hindi na pwede ang iniisip mo. Popular, at napakayaman na ni Borj, sino ka na lang  ngayon para sa binata?

Humaplos ang lungkot sa puso ni Roni. Ilang taon na rin ang mabilis na lumipas simula nang maghiwalay silang dalawa as Bfgf.

Kung hindi kaya niya pinakawalan si Borj noon, maaabot nga kaya nito ang rurok ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng binata.

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now