Chapter 9

126 24 0
                                    

Kinabukasan

Palinga-linga si Roni sa loob ng restaurant..Hindi pa niya napapansin si Borj.

"Uhmmm..Mukhang hindi papasok ang damuho na 'yun ngayon"--bulong niya sa sarili.

Napailing siya at mariing napapikit.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang hanapin ang binata ganung mas komportable naman siya kung wala sa resto si Borj.

Ilang minuto pa ay napansin niyang pumarada sa may parking area ang isang pamilyar na sasakyan.Hindi siya maaring magkamali.Sasakyan ni Borj 'yun.

Maya-maya nga ay bumaba na dito ang binata. Nagtataka siyang napahabol nang tingin sa bagong dating.

Tila nagmamadali ang binata habang papasok at dumiretso pa sa opsina. Ni hindi nito tinapunan ng ngiti o kahit simpleng pagbati ang mga tauhan na nagbibigay-galang sa kanya. Parang walang nakita o narinig man lang ang binata.

Buong akala niya, siya lang ang nakapansin ng kilos na 'yun ni Borj. Maging si Jelai din pala.

"Mukhang mainit ang ulo ng partner natin ah. Sandali lang sis ha.Kausapin ko nga"-- sabay tindig ni Jelai para magtungo sa opisinang kinaroroonan ni Borj.

Napahabol na lang siya nang tingin sa kaibigan.

Saglit na napaisip si Roni sa inasal na 'yun ni Borj. May kinalaman kaya ito sa naganap sa kanila sa restaurant kagabi.Bigla tuloy pumasok sa isipan niya ang mga sinabi ni Tonsy.

Totoo nga kayang mahalaga pa rin siya kay Borj. Tama nga kaya ang mga kutob ni Tonsy ukol sa damdamin ni Borj sa kanya?

Napailing siya.

Hindi iyon ang tamang oras para mag-isip. Oras 'yun ng trabaho at kailangang kalimutan muna niya ang mga bagay-bagay na wala namang kapararakan.

Muli siyang nagfocus sa ginagawa nang muling makita si Jelai.

"Confirmed sis!Mainit nga ang ulo ni Partner ah!"--bungad agad ni Jelai.

"Pinatatawag ka sa office"--dugtong pa nito.

"Huh!!??"

Napanganga siya.Wala siyang ideya kung bakit kailangan siya nitong ipatawag.

"Naku sis! Kausapin mo nga baka ikaw ang bukod-tanging makakapagpalamig ng ulo ni Borj"--wika ni Jelai na halata ang himig panunudyo.

Kinabahan si Roni. Nararamdaman niya na baka mas magalit si Borj kapag kinausap siya nito.

Hindi naman kasi siya magpapatalo sa dating nobyo. Mangangatwiran siya kung kinakailangan lalo na't kung siya ang nasa tama.

Walang salitang tumayo siya at nagtungo na nga sa opisina kung saan naroon ang binata.

Naratnan niyang nakatayo ang binata at nakapamewang na nakadungaw sa bintana. Mukhang malalim nga ang iniisip nito.

Isinara niya ang pinto ng office. Naramdaman marahil ng lalaki ang pagdating niya kaya humarap ito.

"You lied to me Roni"--halatang  may galit ang tinig na 'yun ni Borj habang nakatingin sa kanya.

"Wait...!Wala akong magets, ano bang problema?"--wika niya.

"Ang sabi mo sakin, you're still single. Pero paano mo ipapaliwanag sakin ang mga nakita ko kagabi? Kayo ni Tonsy"--galit subalit halatang pinakakalma nito ang boses.

"So, tungkol ba samin ni Tonsy 'toh.Kaya ka nagkakaganyan?"

"Nagagalit ako kasi nagsinungaling ka, Roni"

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now