Chapter 6

264 28 7
                                    

Mabilis na nahulog sa  pagtulog si Roni. Naalimpungatan siya nang sunod-sunod na doorbell ang kanyang narinig. Malamang si Jelai na ang nangigising.

Hindi na niya sinuklay ang buhok. Hindi na rin niya pinagkaabalahan pang muling isuot ang bra na nakaugalian na niyang tanggalin tuwing matutulog. Sanay na naman sa kanya ang kanyang bestfriend Jelai. Mumukat-mukat pa siya habang binubuksan ang seradura ng pinto.

"Hello sis!"--nakangiting bati agad sa kanya ni Jelai.

"Hello"-- inaantok pa niyang sagot sa kaibigan habang binubuksan ang pinto.

"Nandito si Borj oh. Pasok ka Borj at ipagtitimpla kita ng masarap na kape"--wika pa ni Jelai bago tuluyang pumasok sa bahay.

Tiningnan niya ang nasa likuran ng kaibigan at hindi nga ito nagbibiro. Si Borj nga ang kasama nito at hindi si Junjun.

Biglang nagising ang diwa ni Roni. Susmaryosep!!!

Ang gulo-gulo ng buhok niya. Ang matindi pa wala siyang suot na bra at napakanipis ng suot niyang damit.

Pinagkrus niya ang mga bisig sa tapat ng kanyang dibdib!!!

OMG...mag-iinit naman kaya si Borj sa kanya kahit flat chested lang siya!

Maharot na namang tanong ng utak niya.

"Ano ba kasi ang ginagawa ni Borj sa bahay nila? Si Borj din ba ang naghatid sa kaibigan niya."
Nagtatakang tanong niya sa isip.

"Alam mo ba Roni, itong si Borj, kanina pang nandiyan sa labas. Hindi pa umaalis simula noong ihatid ka. Hayan at namumuti na ang mga mata sa kakabantay sayo. Kasi daw mag-isa ka lang and he just wanted to make sure na you are safe habang wala ako"-dire-diretsong kuwento ni Jelai.

Humaplos naman ang ngiti sa puso ni Roni. Na-touch naman siya sa narinig. Napabaling ang tingin niyang muli sa binata.

Palihim siyang napangiti dito. Gumanti rin naman ng ngiti si Borj sa kanya.

Saglit yatang tumigil sa pag-inog ang mundo nila nang magtamang muli ang kanilang mga mata at kapwa sumilay ang magaganda at makatotohanang ngiti sa kanilang mga labi.

Na-appreciate naman niya ang ginawa ni Borj. Pero teka...'yung damit talaga niya manipis lang..Tapos wala siyang bra!!!

Nag-init ang kanyang pisngi nang maramdaman niya na tumitingin si Borj sa kanyang katawan. Pakiwari ba niya ay hinuhubaran siya ng mga tingin nito.

"Jusko Roni!!! Sinusuri na yata ni Borj ang vital stat mo"--tudyo ng utak niya.

Nakita niyang hinahagod ni Borj ang kabuuan niya habang tahimik na humihigop ng kape.Para-paraan din pala ang kamanyakan ng damuhong na ito.

Pero hindi siya makapag react!

Baka naman kasi nagkakamali lang siya ng tingin sa ginagawa ng lalaki. Baka dala lang kasi ng antok.

Kilala naman kasi niya si Borj at alam niyang hindi into pervert.

Para maging komportable ay noon lang niya talaga naisipang kumuha ng robe sa kanyang kuwarto at itinakip sa kanyang katawan.

Sinuklay ng daliri ang mahaba at gulo niyang buhok saka muling lumabas ng silid at humarap kina Jelai at Borj.

"Ok na ako, Jelai.Thank you sa kape"--nakangiting wika ni Borj saka tumindig.

Tumingin sa kanya si Jelai at may ibinulong.

"Magpasalamat ka naman girl"--narinig niyang bulong nito.

Humugot muna siya ng pinakamalalim na buntong-hininga saka naglakas-loob magsalita.

"Salamat sa pagbabantay. Hindi mo naman kailangang---"

"Welcome.. Gusto ko lang talagang masigurado na safe ang mga  business partners ko, lalo ka na Roni"--diretsahang wika ni Borj.

Napanganga na lang ulit si Roni. Hindi siya nakabawi sa pagkagulat sa narinig mula sa binata. Wala na siyang nasabi pa.

Kapwa na lang nila inihatid ni Jelai ng tingin ang papalayong sasakyan ni Borj.

Ilang oras kaya nagbantay si Borj?
Tanong niya sa sarili.

Nang tuluyang makalayo ang sasakyan ni Borj ay saka nila naisipang pumasok na muli sa loob ng bahay.

Nakita niya ang makahulugang ngiti at tila nang-uusig na tingin ng kanyang bestfriend Jelai.

"Sssiiissss!!!" Wika nito na tila kilig na kilig. May kuwento bang bago ang kaibigan tungkol sa kanila ni Junjun.
Engaged na ba ito sa nobyo kaya halos magtatalon sa tuwa.

"Oh bakit, anong kuwento?Anong nangyari sa inyo ni Junjun?" --kunot noong tanong niya dito.

"Samin ni Jun...Wala...eh sa inyo ni Borj, anong meron..kuwento ka naman sis!"--halata sa mukha at ngiti ng kaibigan na kinikilig ito at nananabik.

Noon niya naalala ang mga atraso nito sa kanya.

" Sis..tanong ko lang. Sinet-up mo ba kaming dalawa sa resto?"--prangkang tanong niya sa kaibigan.

"Hindi"--mabilis namang depensa nito.

"Anong set-up ba kasi ang sinasabi mo eh, totoo naman ang lahat ng nangyari. Nakaaksidente talaga si Junjun buti nga naayos namin. Tapos, ang maganda dun..Eksaktong dating nung prince charming mo"--halatang nanunudyo na naman ang tinig ng kaibigan.

"Jelai ha"--tila napipikon na namang wika niya.

"Wala pa bang development  sis..Wala pa bang ginagawang "the moves si ex"para madugtungan ang naudlot na pag-iibigan nina Roni at Borj"--pang-aasar na namang wika ni Jelai.

"Ewan ko sayo sis ha.Sa aming dalawa, wala na talagang pag-asa..Pero 'yung restaurant sis! Ok na. Borj said yes na..Mag-iinvest na siya sa resto"--masayang kuwento naman niya sa kaibigan.

"Ayyyy! Ang saya.."--nagtatalong wika ni Jelai. Hindi nito napigilan ang sobrang kasiyahan. Napaluha pa ito sa labis labis na kagalakan.

Talagang naramdaman ni Roni kung gaano kahalaga para kay Jelai ang negosyo. At tama nga lang din siguro na sumang-ayon siya dito na kausapin si Borj at hikayatin na mag-invest sa negosyo nila.

Ngayon umaasa silang dalawa at nagtitiwala kay Borj na makakayanan niyang palakasin at buhaying muli ang restaurang pinaghirapan nilang dalawa.

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now