Chapter 7

150 24 1
                                    

Unang araw ni Borj sa restaurant. Maagang pumasok ang binata. Nauna pa ito kina Jelai at Roni.

"Jelai, 'di ba madaming negosyo ang lalaking 'yan.Bakit kailangang mag-stay dito eh kung tutuusin naman pipitchugin lang 'tong resto natin"
Bulong ni Roni sa kaibigan.

"Obvious ba Roni, siyempre may gustong makita"--nakangiting biro ni Jelai sa kaibigan.

Kinurot ni Roni sa tagiliran ang kaibigan.

"Ikaw talaga sis ha!Nakakadami ka na"--angal niya dito.

"Ano ba Roni, what i mean is...gustong makita ni Borj 'kung paano ba tayo magtrabaho.Siyempre pinag-aaralan niya kung gaano ba kadami 'yung dumarating na tao para mapag-aralan niya kung ano bang tactics ang pwedeng gawin para mapalakas 'yung negosyo natin."--paliwanag ni Jelai.

"Ano ba kasi ang iniisip mo Roni ha. Ano ba sa palagay mo ang gusto niyang makita?"--dugtong pa ng kaibigan habang nakarehistro pa rin sa labi nito ang isang makahulugang ngiti.

Matalim na irap lang ang ipinukol niya sa kaibigan. Hindi na siya nagsalita.

"Kung ano-ano naman nga kasi ang iniisip niya. Bakit nga kasi bigla niyang naisip na siya ang gustong makita ni Borj. Natural na nag-invest ito ng pera sa negosyo nila kaya may karapatan itong mag-stay sa resto.

"Hello girls"--narinig niyang bati ni Borj. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila.

Tiningnan lang ni Roni si Borj at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Roni, are you free tonight?"--narinig niyang mahinang tanong ni Borj sa kanya.

"Huh!?"nagulat siya at hindi agad nakasagot.

"Baka naman pwede tayong lumabas mamaya, baka gusto mong magkape man lang,Libre ko"--wika ni Borj sa kanya.

Tiningnan niya ang lalaki.

Paano ba siya tatanggi sa napakagwapong nilalang na ito?Pero naghahari sa kanyang isipan na dapat ay simulan na niyang iwasan ang lalaki. Hindi tamang sumama pa siya dito. Ilang taon na ang nakalilipas nung maghiwalay sila at natatakot na siyang mabuhay pang muli ang dating damdamin na matagal na niyang pilit pinatay at kinalimutan.

"Hindi ako pwede.May date ako"--bigla ay naibulalas na lang niya sa binata.

Maging siya ay nagulat sa naging sagot niya sa dating nobyo.
At sino namang lalaki ang idi-date niya? Sino naman kayang bayarang lalaki ang hihilahin niya para makasama sa isang date.

Dahan-dahan niyang sinulyapan si Borj. Naging curious siya ano kaya ang magiging reaction ng binata.

Akala niya, magagalit si Borj o di kaya ay kababakasan niya ng anumang   negative reaction pero nagulat siya dahil nakangiti pa ang binata sa halip na mapikon.

"Anong nakakatawa, Mr. Jimenez?"-pormal na tanong niya dito at hindi sinasadya ay napataas pa ang boses niya.

Noon niya napansin na nagtitinginan na pala sa kanila ang ibang taong naroroon. Maging si Jelai ay nakita niyang nagpipigil na rin sa pagtawa.

Alam naman talaga ni Jelai na hindi siya nakikipagdate sa kahit na kaninong lalaki kaya hindi naman nga kapani-paniwala ang sinasabi niya.

Nagtaas ng kilay si Roni. Kailangan niyang mapanindigan ang sinabi niya.

Save by the angel, biglang nag ring ang cellphone niya. Agad siyang nabuhayan ng loob nang makita sa screen kung sino ang tumatawag.

Nakaisip agad siya ng isang malikot na idea. Kinuha niya ang cellphone at saglit na lumayo sa kausap.

"Excuse me"-- nakairap na wika niya sa lalaki.

Ilang minuto siyang nakipag-usap sa cellphone at maya-maya nga ay nakangiti na siyang muling nagbalik kina Jelai at Borj.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang makahulugang tinginan nina Jelai at Borj.

"So...tuloy naman ba ang date mo?"
Tanong ni Borj na tila nagdududa pa rin sa sagot niya.

"Oo.."--kalmado at buong tiwalang sagot ni Roni.

"Sino naman kaya ang maswerteng lalaki?"--sa sandaling iyon ay nawala na ang ngiti ni Borj. Sa halip ay pormal at napakaseryoso na ng anyo nito.

"Well..Mr. Jimenez, it's none of your damn business.If you'll excuse me"
Sabay talikod niya sa lalaki.

Hindi na niya nakita pa ang reaction nina Jelai at Borj.Iniwan na niya ang mga ito. Kailangan niyang mag-relax at maghanda para sa kanyang date mamayang gabi. At kung sino ang maswerteng lalaki

Abangan!!!

KINAGABIHAN

Tiniyak ni Roni na magandang-maganda siya sa gabing iyon. Ilang beses niyang tinitigan ang sarili sa harap ng salamin.

Naupo siya sa sofa habang hinihintay ang susundo sa kanya.

Tahimik lang siyang pinagmamasdan ng kaibigang si Jelai.

Kahit ito walang ka ide-ideya kung sino ang ka-date ni Roni sa gabing iyon.

"Sis, sino ba kasi ang ka-date mo?Bakit ba ayaw mong sabihin sakin?"
Muli ay pangungulit ni Jelai.

"Jelai..Makikita mo din naman kung sino eh"--tugon naman niya dito.

"Kilala ko ba Roni?!"--ungkat pang muli nito na halatang naiinis na rin dahil sa pagsi-sekreto niya.

"Abangan mo na lang sis"
Natatawang sagot naman ni Roni.

Mas naging palaisipan kay Jelai kung sino nga ba ang ipinagyayabang ni Roni na ka-date sa gabing 'yun.

Wala na lang itong nagawa kung hindi hintayin ang lalaking susundo sa kaibigan at sinasabing ka-date nito.

Maya-maya ay may narinig silang ugong ng sasakyan sa may labas at maya-maya nga ay huminto na ito.

Mabilis na sinilip ni Jelai sa may bintana kung sino ang dumating. Hindi agad nito makita kung sino ang driver ng sasakyan dahil tinted ang korse nito.Tila mas nananabik itong salubungin ang  bagong dating kesa kay Roni. The

"Jelai ano ba?Umayos ka nga pwede ba!?"--halos natatawang saway na ni Roni sa kaibigan na hindi magkaintindihan sa sandaling iyon.

Ilang sandali pa nga ay narinig na nila ang doorbell.

Maliksing binuksan ni Jelai ang pintuan at tumambad sa kanyang paningin ang isang gwapong lalaki na napakapormal sa suot nito.

Ngumiti ang lalaking bagong dating...

"I--i--ikaw!?"--halos di makapaniwalang bulalas ni Jelai.

"Hi Jelai"--bati ng lalaki.

"Hey sis..Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Bye"--paalam ni Roni kay Jelai na tila labis ang naging pagkamangha sa natuklasan.

Naiiling na lang na isinara ni Jelai ang pintuan nang tuluyang makaalis ang kotse.

Pasalampak na muli itong naupo sa sofa at muling nagbukas ng paborito nitong sitsiriya.

Sino kaya ang lalaking ka-date ni Roni sa gabing iyon????

Tara sa next chapter😏

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now