Chapter 8

187 22 5
                                    

Sumapit ang sasakyan nina Roni sa restaurant na paborito nilang puntahan.

Umupo sila sa isang table na malapit lang sa may entrance. Maya-maya ay isang waiter ang lumapit sa kanila.
Nagtitingin na sila ng menu nang maramdaman niyang may lumapit sa dako nilang dalawa.

Pamilyar ang amoy nang mamahaling pabango na 'yun kaya saglit siyang natigilan.Pinakiramdaman niya ang lalaking nasa kanyang harapan. At maya-maya nga ay nag-angat ito nang paningin at tila nagulat nang may mapansin kung sino ang lumapit sa mesa nila.

"Borj!Pare!"--nakangiting bati agad ng binatang kasama niya nang makita ang dumating.

"May date ka din?"--dugtong pa nito.

Seryoso si Borj na tumingin sa kasama niya. Halinhinan ang mga tingin nito kina Roni at sa binatang kasama niya.

"Nagpunta lang ako dito to make sure na may date nga si Roni."--walang gatol na saad nito habang nakatingin sa kausap. Sumulyap din ito sa dalaga subalit naging mailap ang mga tingin ni Roni para sa dating nobyo.

"Akala ko naman, kung sinong ka-date niya...Ikaw lang pala Tonsy"--sabay tingin nitong muli sa binata habang napaka seryoso.

"Teka Pare---" may balak pa sanang tumayo si Tonsy para magpaliwanag sa kaibigan ngunit mabilis itong hinawakan ni Roni sa kamay upang pigilan.

"Hon...Hon..mag-celebrate na lang tayo please.Huwag naman nating hayaang masira 'yung gabi dahil sa mga taong papansin"--pigil ni Roni sa binatang kasama habang tinapunan ng matalim na tingin si Borj.Pinalambing pa niya nang bahagya ang boses para asarin si Borj.

Muling bumalik na lang sa kinauupuan si Tonsy at hindi na pinansin pa si Borj.

Nagdiwang ng bahagya ang kalooban niya nang makitang tila pikon na umalis sa lugar nila si Borj at nagtungo na muli sa isang bakanteng mesa.

"Roni, ano 'yun?"--nangingiting tanong ni Tonsy. Halata ang labis-labis na pagtataka nito sa ikinilos niya.

"Mukhang madami kang dapat ikuwento sakin."--dugtong pa ng binata matapos  mag-order ng pagkain sa waiter na lumapit sa kanila.

"Sorry ha! Pati ikaw nagamit ko pa."--maya-maya ay nahihiyang wika niya kay Tonsy.

"Sus..anything for you Roni"--nakangiting wika ni Tonsy. Ngumiti ito sa kanya.

Napakagwapo ding nilalang ni Tonsy para sa paningin niya. Mabait pa at talagang kaibigang mapapagkatiwalaan. Nagparamdam din sa kanya si Tonsy noon, pero hindi naman din nito naipagpatuloy ang panliligaw dahil pumasok na sa eksena si Borj, at sila ang naging magkasintahan noong mga panahong 'yun.

"Si Borj naman kasi.."--sabay buga niya nang malalim na buntong-hininga.

"Niyaya niya akong lumabas.Kaming dalawa lang. Siyempre, naiilang naman akong sumama ulit sa kanya nang kami lang di ba!Kaya ang sabi ko may date ako..At salamat nga pala sa pagpayag na sumama sakin dito"--tila nagsusumbong na pahayag niya sa binata.

Muling sumilay ang ngiti ni Tonsy.
Napansin niyang sumulyap  ang binata  sa mesa kung saan nakaupo si Borj. Maya-maya ay makahulugan itong ngumiti at pabulong na nagsalita.

"Hmmm!Roni...Mukhang bantay-sarado tayo dito ah.. Mukhang istrikto si ex"--at sinundan nito ng mahinang tawa.

"Mukha ngang nagseselos si ex oh?!"--muling bulong pa nito.

"Tonsy.!"--naiiling na awat na niya dito.

"Hindi ba!?"--makahulugang wika pang muli nito.

Saglit na napatigil ang usapan nilang magkaibigan nang magsimulang maglapag ng pagkain ang waiter sa mesa nila.

"Let's enjoy the food"--narinig niyang saad ni Tonsy.

At nagsimula na nga silang kumain.
Madaming kuwento si Tonsy habang kumakain sila. More on business ang topic nila at madami siyang tip na nakukuha dito.

Hanggang sa napadako ang usapan nila sa masasayang pangyayari noong highschool pa lang sila.

Napag-uspan nila ang masasayang karanasan noon kaya nauwi sa hagikhikan ang dalawa hanggang sa matapos na nga silang kumain.

Nakita niyang dumaan si Borj sa gilid nila at lumabas na nga ito ng restaurant na iyon. Palihim niyang hinabol ng tingin ang binata at natanaw niyang tuluyan na itong umalis sakay sa magara nitong kotse.

Hindi alam ni Roni kung bakit tila bigla na rin nanabik ang kanyang katawan na umuwi na lang.

Ilang sandali pa ay niyaya na rin niya si Tonsy na umuwi at ihatid siya.
Habang nasa daan ay pure business pa rin ang topic nila at nagugustuhan naman niya ang topic na 'yun. Kaya lang hindi niya alam kung bakit sumisingit sa utak niya si Borj.

Ilang beses din atang lumipad ang diwa niya pansamantala habang kausap at kasama niya si Tonsy. Hindi
niya alam kung nahahalata ba ni Tonsy 'yun at dinededma na lang ba nito ang pagiging lutang niya.

Maya-maya ay sinapit na nila ang bahay nina Roni. Maliksing bumaba nang kotse si Tonsy para ipagbukas siya ng pinto.

Maingat pa siya nitong inalalayan. Napangiti naman siya sa pagiging gentleman ni Tonsy.

"Thank you ha, pasensiya na sa abala. Tapos ako pa 'tong pinalibre mo"--nakangiting saad niya sa kaibigan.

Ngumiti lang si Tonsy.Maya-maya ay sumeryoso ito at muling tumingin sa kanya.

"Roni.Nararamdaman ko, mahal ka pa rin ni Borj. Payong kaibigan lang naman. Kung...kung gusto mo pa rin si si Borj, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. Pwede pa naman sigurong bumalik sa  ex?"

Ikinagulat niya ang pahayag na 'yun  ni Tonsy. Kanina puro negosyo lang ang pinag-uusapan nila.Paanong nauwi naman ngayon kay Borj.

"Hindi naman ganun kadali ang lahat Tonsy. Nasaktan ko siya"--seryosong saad niya.

"Wala ka na bang nararamdaman para sa kanya?"--muli pang tanong ni Tonsy.

Napahugot siya ng buntong-hininga. Pinag-isipan kung sasagutin pa ba ang tanong na iyon ng binata.

Sa huli ay nagdesisyon siyang manahimik na lang.Mas mabuting sarilinin na lang niya kung anuman ang nararamdaman niya kay Borj sa sandaling iyon.

"Huwag ka ngang marites diyan Tonsy. Umuwi ka na nga at gabi na. Salamat sa paghatid"--at napayakap pa siya sa binata bilang pasasalamat dito.

Close friend naman niya talaga si Tonsy at sana'y na siyang yumayakap at humahawak dito nang walang malisya dahil magkakaibigan naman sila.

Naramdaman din niyang gumanti ng yakap ang kaibigan ngunit saglit lang 'yun dahil sumakay na rin agad ito ng kotse.

"Bye..Ingat ka ha"--pahabol pa niyng wika dito.

"Sige na Roni. Pumasok ka na sa bahay"--wika ni Tonsy.

Tiniyak muna ng binata na nakapasok na si Roni sa loob ng bahay bago tuluyan nitong pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Ang hindi nila alintana ay sa dako roon ay may palilihim na nagtatagis ang mga bagang dahil sa matinding panibugho.

Don't forget to hit the ⭐button.Feel free to give comments and suggestions.

#StefCamForever

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now