Chapter 4

162 22 0
                                    

Ilang araw na namamalagi si Borj sa restaurant at seryoso nitong pinag-aaralan ang negosyo. Seryoso niyang pinag-iisipan ang ilang mga paraan kung paano nga ba muling mapapalakas ang resto.

Sa mga sumunod na araw ay hindi na siya pinilit pa ni Borj na mamalagi sa loob ng opisina. Pinabayaan na rin siya nitong lumabas at  tumulong sa pagtatrabaho.

May mga araw lang talaga na tila nantitrip lang sa kanya ang binata. Lalapit ito sa kanya para lang mag "Hi" and "Hello". Lumalapit din ito kay Jelai at halatang magkasundong-magkasundo ang dalawa.

Minsan naririnig niyang naghahagikhikan ang mga ito at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan...Sa ganung sitwasyon, pakiramdaman niya na- a-out of place siya. Pero mas ok na rin 'yun kesa naman makipagplastikan pa siya kay Borj.

Linggo ng gabi....

Napagkasunduan nilang muli ni Jelai na lumabas at mag dinner.

Nakagawian na nilang magkaibigan ang kumain sa isang eksklusibong restaurant na naging tambayan pa lang nila nung mga panahong nasa college pa lang.

Actually, favorite place 'yun ng barkada. Doon sila madalas kumakain at gumigimik, kasama ang kanyang Kuya Yuan, Si Tonsy, si Junjun, si bestfriend Jelai at siyempre si Roni.

Kasalukuyan na silang kumakaing dalawa nang biglang mag- ring ang cellphone ni Jelai.

"Excuse me Roni ha,si Junjun kasi.. I have to pick this call"--paalam ni Jelai.

Nagpatuloy lang siya sa pagnguya ng pagkain habang sinusulyapan si Jelai na abala pa rin sa pakikipag-usap sa telepono.

Naging marahan ang pagsubo niya ng pagkain.Nararamdman niya na may problema si Jelai. Seryoso ang kaibigan at halatang nag-aalala ang anyo nito. Itinigil na muna niya sandali ang pagkain. Hihintayin na lang niya ang kaibigan.Maya-maya ay nakita na nitong ibinaba ang telepono at naglakad papalapit sa dako niya.

"Roni, I'm sorry ha. Nakakahiya sayo, pero...kailangan ko nang umalis"
Wika ni Jelai.

"Huh!?Bakit may problema ba?"

"Si Junjun kasi, nakasabit daw.Kailangan ko lang puntahan sis"
At agad hinagip nito ang dalang handbag.

"Ganun ba, Jelai, so tara sasamahan na lang kita"
At ibinaba na rin niya ang hawak na kutsara at tinidor para tumindig na rin.

"No Roni.Dito ka na lang ako na lang ang pupunta 'dun"
Mabilis na pigil ni Jelai sa kanya.

"Pero---" tututol pa sana siya.

"Sayang naman kasi 'yung food natin kung iiwan lang.Maaga pa naman para  mag commute ka pauwi,  kaya for sure makakauwi ka naman ng safe " Wika ni Jelai habang patuloy siyang hinahawakan upang huwag tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Sis, sasamahan na lang kita."pagpupumilit pa niyang muli sa kaibigan.

"Borrrrrjjjj"
Bigla ay sigaw ni Jelai sa loob ng restaurant na 'yun habang nakatingin sa main entrance ng restaurant.

Hindi makapaniwalang napalingon si Roni sa dakong tinitingnan ni Jelai.

Nandun nga ba sa resto si Borj?

"At shitttt!!! Naroon nga sa may entrance ang binata."tila nabuhay na naman ang matinding kaba sa dibdib ni Roni.

"Shit!Set up ba ito?" Tanong niya sa sarili. Gusto niyang mairita at komprontahin agad ang kaibigan.

Pero pinigilan naman niya ang sarili. Baka naman kasi nagkataon lang din na sa lugar na 'yun kumakain si Borj dahil favorite place nga nila yun nung high school at college pa sila.

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now