Chapter 10

270 31 13
                                    

Mabilis na kumilos si Borj upang ipagbukas siya ng pintuan ng kotse. Marahan siyang bumaba. Naiilang siyang tumingin upang magpasalamat sa binata.

"Salamat sa paghatid"--at tinapunan niya ng pilit na ngiti ang binata.

Marahang tango lang ang naging tugon ni Borj.

Humakbang naman ang dalaga upang pumasok na sa bahay.

Saglit siyang napatigil sa paglalakad nang muling maalala ang ginawa ni Borj noong inihatid siya. Hihintayin na naman ba siya ni Borj sa labas hanggang hindi umuuwi si Jelai.

Muli niyang nilingon ang binata at kahit naiilang ay nginitian niya ito.

"Kape!??"--nakakunot ang noo na offer niya sa lalaki.Halatang nag-aalangan siya.

Ang totoo kasi ay naiilang siyang mag-alok sa binata.Irereject ba o tatanggpin ni Borj ang offer niya.

"Sure"--pormal na tugon naman ng binata.

Sagot na hindi niya inakala.

Kahit naiilang ay muling ngumiti si Roni dito.Humakbang palapit sa kanya ang binata at muli ay amoy na amoy niya ang bango nito.

Binuksan niya ang pinto ng bahay. Nararamdaman ng dalaga ang kakaibang kaba habang nagbubukas ng pinto. Tama nga bang yayain niya si Borj sa loob ng bahay???ng silang dalawa lang.

Kung sabagay, nagtitiwala naman siya kay Borj. Ipinagdarasal na lang niya na umuwi na sana si Jelai.

"Pasok ka"--aya niya sa kasama ng tuluyan na niyang mabuksan ang pinto.

"Salamat" tugon naman ng lalaki.

"Maupo ka, uhmmmm..ipaghahanda lang kita ng kape"--halos nauutal pa niyang wika sabay talikod sa binata.

Ibinaba niya ang bag upang magtungo sa kusina para kumuha ng kape.

Maya-maya ay narinig niyang tumutunog  ang cellphone niya.Si Jelai ang nasa phone. Agad niyang pinindot ang telepono upang makausap ang kaibigan.

"Hi sis! I just want to check kung nasa bahay ka na?"--tanong ng kaibigan.

"Yes!"

"Inihatid ka ba ni Borj?"--may pagkamarites pang tanong nito.Halata na naman ang tinig panunudyo nito.

"Anong oras ka ba uuwi sis?"--sa halip na sumagot ay tanong na lang niya.

"Kaya nga ako napatawag eh, bukas na lang daw ako ihahatid ni Junjun kasi nagkakasiyahan pa dito. May mga dumarating pa."

"Diyan ka matutulog?"--pagkaklaro niya sa sinabi ng kaibigan.

Napasulyap siya sa bisitang kasama na noon ay nakatingin at nag-oobserba din pala sa kanya.
Hininaan niya nang bahagya ang boses niya upang hindi nito marinig ang sinasabi niya.

"Oo sis, pero behave ako dito.Promise. Sa room ni Ate Cherry ako matutulog.May usapan na kaming dalawa ni Junjun"--sagot pa nito.

"O-ok!"yun na lang ang naisagot niya sa kaibigan dahil nagsimula nang lumipad ang diwa niya.

"Anong oras uuwi si Borj"--tanong niya sa sarili.

"Bye sis"--narinig niyang paalam ni Jelai.

"Bye!"--sagot niya at naputol na ang kanilang usapan.

Matapos haluin ang tinitimplang kape ay inihain niya ito sa binata.

Hindi niya maiikaila ang labis na pagkataranta.

Nasa bahay niya si Borj. Gabi na. Hindi uuwi si Jelai.
OMG, anong pag-uusapan nila?Paano niya ipagtatabuyan ang lalaki para umuwi na?Anong oras kaya aalis si Borj?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

💖Reunion Of Hearts💖Where stories live. Discover now