Chapter 1

3.5K 28 1
                                    

CHAPTER ONE

"BAKIT nandito ka sa sulok? Why don't you mingle with the others?" "Wala akong gana," tugon ni Avon sa Kuya Alexis niya at saka siya sumimsim ng alak sa kopita niya. Magisa siyang nakaupo sa mesa sa manor sa loob ng Grande Venetia kung saan ginaganap ang kaarawan ni Axel. Muntik nang matapon ang alak nang biglang agawin ng kapatid niya ang kopita. "Did you come here just to drink? Mukhang iyon lang ang ginawa mo mula pa kaninang pagdating mo." She rolled her eyes before taking back her drink. "Wala pang isang oras mula nang dumating ako rito. Hindi ba, pinilit mo lang naman akong pumunta rito kahit late na ako?" paalala niya rito. "It's Axel's birthday. Dapat lang na nandito ka." "C'mon, Kuya! It's not as if my presence is important here nor even welcome. Hindi naman ako ang may kaarawan. You know I'd just be bored at her party." "Of course you're welcome. Why wouldn't you be?"

"Kuya naman, para kang inosente riyan. You very well know that Axel and I are not on good terms. No, let me rephrase that. She hates me. And being here at her extravagant party will just ruin her special day. Well, night pala dahil kalat na ang dilim." "I've already talked to her. Nagkasundo na kami. She's in a cheerful mood because it's her birthday. Nangako siya na magiging maganda na ang pakikitungo niya sa iyo." "Nangako siyang magiging plastik sa akin?" namamanghang wika niya. Napatingin siya sa gawi ni Axel na abala sa pag-eestima sa mga bisita nito. "Astig!" "Huwag kang pilosopo. 'Yan ba ang napupulot mo sa banda? You talk like one of the boys," disgustong sabi nito. "One of the boys naman talaga ako. Pero teka nga, bakit sa panenermon mo sa pagkanta ko napunta ang usapan?" Bumuntong-hininga ito. "Because you're making me worry. Ayokong magsermon tungkol sa talagang gusto mong gawin. If only it was normal. But it's not. You've chosen the bohemian life of a rock star!" Napangiti siya sa eksaheradong pahayag nito. Pero kahit anong panenermon ang gawin nito, ito pa rin ang unang tao na sumuporta sa kanya nang piliin niya ang pagkanta.

Bata pa lang siya ay gusto na niyang maging singer. At ito ang kasa-kasama niya kapag sumasali siya sa mga singing contest. Ito ang nag-iisang sumuporta sa kanya sa buong pamilya niya. Ito ang tagapagtanggol niya kapag pinagagalitan siya ng papa nila dahil sa pag-aaksaya raw niya ng oras sa pagkanta. Ito ang nagpapalakas ng loob niya tuwing mamaliitin ng iba pa nilang mga kapatid ang hilig niya sa pagkanta na wala naman daw kahihinatnan. "Napilit mo na nga akong pumunta rito at iwan ang pagtugtog ko ngayong gabi." Umupo ito sa harap niya. "Minsan lang naman ito. You know you can't avoid being with us, with them. Hindi mo pa rin ba naiisip na subukan uling mapalapit sa kanila?" Napailing siya sa kaseryosuhan nito. "Hanggang ngayon ba, pinoproblema mo pa rin iyan? You trouble yourself with something that you shouldn't. Mahigit isang taon na mula nang umalis ako rito sa bahay. Halos wala rin namang nagbago, 'di ba? At para sa akin, mas mabuti ang ginawa ko. I'm free to do whatever I want." Ito naman ang napailing. "Napakatigas talaga ng ulo mo. 'Tingin mo ba, ganoon na lang 'yon? You know Papa. Hindi basta-basta nagpapadaig iyon lalo kapag ginusto niya. Mas mabuti pang 'wag ka nang magmatigas." She frowned. "Ano naman ang ibig mong sabihin diyan?"

Tila bigla itong nalito. Sa halip na sumagot ay kumuha ito ng alak sa nagdaang waiter. "You really love breaking the rules, don't you? Kung hindi ka na sana nangatwiran pa sa hindi sana pagpunta rito ay nasamahan dapat kita sa pagbili ng mas akmang damit na maisusuot mo ngayon." "Gaya ng sabi ko, nasa bar ako kung saan kami nagpe-perform nang tumawag ka at pilitin akong um-attend dito. Napilitan lang ako kaya bakit pa ako mag-aabalang mag-ayos kung hindi ko naman kayang dalhin?" Tiningnan niya ang sarili bago pilyang bumaling dito. "Ano kaya kung kumanta na lang ako rito? I could rock this place para meron namang excitement kahit paano. Iyon ay kung hindi si Axel ang mangunguna sa pagbato sa akin ng itlog." Bahagya niyang itinaas ang guitar case niya. Tumawa ito nang mahina. "You could try. Iyon ay kung handa ka para doon. Pati na rin sa tingin ng mga bisitang naiintriga sa 'yo kanina pa." "Huwag mong sabihing kukunsintihin mo talaga siya, Kuya?" singit ni Ate Audra. Gulat na napabaling sila ni Kuya Alexis dito. Nakaismid ito. Katabi nito ang bunso nilang kapatid na si Astrid na nakita niyang nananaway ang tingin kay Ate Audra bago bumaling sa kanya. Matalim ang tinging ibinigay ni Ate Audra sa kanya. "Don't you dare make a scene here, Avon. Hindi pa ba sapat na nakakahiya ka dahil sa hitsura mo gayong alam mo nang pormal ang kasiyahang ito?" "Wala siyang balak gawin iyan. And stop talking to her that way," saway ni Kuya Alexis dito. "She really lives up to her rebel image. What kind of outfit is that? You're starting to look slutty," pagpapatuloy ni Ate Audra na tila walang narinig. "Shut up, Audra!" "Makakahinga na sana ako nang maluwag dahil akala ko, hindi ka darating. Pero humabol ka pa talaga, siguro para masira ang gabi namin 'no, lalo na ni Axel." "I don't intend to ruin anything tonight. Pero kung magpapatuloy ka sa walang dahilang panggagalaiti mo, you might ruin your makeup. Baka humulas iyan," cool na wika niya na lalong ikinagigil nito. Nahuli niya ang pigil na bungisngis ni Astrid na agad pinablangko ang ekspresyon nang tingnan nang matalim ni Ate Audra. Tumayo si Kuya Alexis at inakbayan ito. "Oo nga. At mahaba pa ang gabi para mapansin ng mga bisita ang pagkawala mo sa mood, Audra. Hindi mo naman siguro gugustuhing mapansin ka ni Reulle dahil hindi na maganda ang hitsura mo, 'di ba?" Napipikong nagpalipat-lipat ang tingin ni Ate Audra sa kanila bago sila nilayasan.

"Kung bakit kasi pinipilit pang maggalit-galitan. Kaya tuloy hindi napapansin ng lalaking nagugustuhan," sabi ni Kuya Alexis at saka ito pumalatak. "Kuya, you'd better not say that again in front of Ate Audra. Alam mo namang mas sensitive iyon pagdating sa love life niya," pagbabanta ni Astrid. Ngumisi ang kuya niya. "Sensitive, eh, wala pa nga siyang naging love life." Walang pakialam na nangalumbaba siya sa mesa. "I told you I don't belong here, Kuya. Pati si Ate Audra, nakokonsumi sa akin." "Don't mind her. Just enjoy yourself, okay?" paga-assure nito bago nagpaalam sa kanya nang makakita ito ng mga kakilala. "You don't take anything seriously, do you?" wika ni Astrid nang maiwan silang dalawa. "You think so? Umupo ka muna kaya? Iyon ay kung makakatiis ka sa presensiya ko." Tinapik niya ang silyang binakante ni Kuya Alexis. Pero hindi ito umupo roon. "I hope hindi kayo magkabanggaan uli ni Papa kapag iginiit niya ang gusto niyang magpakasal ka na pero pipilitin mo uling suwayin siya tulad ng pagtanggi mong magtrabaho sa kompanya natin." Napamaang siya sa sinabi nito. "What are you talking about? Anong kasal ang igigiit 'kamo ni Papa? Sa akin? Bakit?" Tila nalilitong nag-iwas ito ng tingin. "H-ha? Ano ba'ng sinabi k-ko?"

"Oh, c'mon, Astrid! Hindi ako bingi at siguradong hindi ka nawawala sa sarili sa mga sinabi mo. Anong magpapakasal ako?" matigas na tanong niya. Tinangka nitong lumayo pero agad niya itong napigilan. Pilit niya itong iniharap sa kanya. "May hindi ba ako nalalaman na may kinalaman sa akin?" "Wala ako sa posisyon para sagutin iyan." Wala na siyang nagawa nang pilitin nitong kumawala sa kanya. Kinakabahang sinundan na lang niya ito ng tingin habang pilit na nililimi ang mga sinabi at naging reaksiyon nito. "PARE, do you really have to check on me from time to time? Daig mo pa ang girlfriend sa pagbabantay, ah," ani Arius sa kaibigan niyang si Bradt dahil sa ilang beses na pagtawag nito sa cell phone niya. "Eh, malay ko ba. Mamaya, iba nang chick ang inaasikaso mo imbes na ang misyon mo." Napangiti siya. Bradt sounded so defensive. "You make it sound like I'm the greatest philanderer. Bradt, baka nakakalimutan mo, ang pagiging 'stick-to-one' ko ang dahilan kung bakit mo ako napapayag sa hiling mo." "I know, man. And I'm really counting on you. Alam kong hindi mo ako bibiguin," anito na puno ng pasasalamat ang boses pero nahimigan niyang nakalalamang doon ang lungkot.

He let out a short laugh. "I'm working on it, kahit hindi mo ako dramahan. It'll be done in record time. No sweat." "Thanks, Arius. You know how much this means to me." Saglit pa silang nag-usap ng kaibigan niya nang matanaw niya ang pakay niya. This must be really a lucky night. Agad na siyang nagpaalam kay Bradt nang makitang puwede na niyang lapitan si Axel. He should grab the opportunity to make his presence known to her. Pero bago pa man siya nakapaglakad palapit dito ay naagaw na ng isang babaeng tila walang pakialam sa mundo ang pansin niya. He watched her intently. He couldn't help the wince that tugged at his mouth. She was wearing a baby-doll dress, a leather belt, and a pair of high-heeled ankle boots. The lady sported a rock chick look. Wala itong ibang suot na alahas maliban sa dangling earrings na hindi niya malaman kung paanong nakakayanan ng magkabilang tainga nito. He didn't like women who went for fire-engine red lip color. Her lipstick was smudged. Her makeup looked as if it had been done in a hurry. Nagtaka siya dahil untamed ang hitsura nito na hindi appealing sa kanya pero hindi naman niya maalis ang tingin dito. Bago pa niya masaway ang sarili ay nilapitan na niya ito. "Hi!"

She gave him a cold piercing look. "What?" "Mukhang nag-iisa ka." Tiningnan nito ang mesa. "Alam ko." Napangiti siya sa bahagyang sarkasmo sa boses nito. "Maybe you need company—" "No," she flatly said. Napamaang siya sa lantarang pag-snob nito sa kanya. Ni hindi nga siya nito binigyan ng pangalawang tingin. He was trying to come up with something to say when she stood up and nonchalantly walked past him. Nakamaang na sinundan na lang niya ito ng tingin.

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now