Chapter 8

582 12 0
                                    

CHAPTER EIGHT

NARAMDAMAN ni Avon ang marahang pagpisil ni Arius sa kamay niya nang mapatingin siya kay Axel na matalim ang tingin sa kanya. Naroon sila sa art gallery na pagmamay-ari ng isang kaibigan ni Arius para sa exhibit ng mga obra ng isang papasikat na pintor. Bahagya siyang tumango para ipabatid kay Arius na okay lang siya. Hindi niya alam kung bakit pero may hatid na seguridad ang kaalamang nasa tabi niya ito. Masuyo ang tingin nito sa kanya na tila ba kapakanan niya ang pinakamahalaga para dito. Focus, Avon. Hindi 'yang ganyang para lang normal na nagde-date kayo. Pero kahit anong sermon sa sarili ang gawin niya ay wala naman siyang ginawa para bawiin ang kamay niyang ginagap ni Arius. "Kailan ka pa nagkainteres na magpunta sa ganitong lugar? Or are you just trying to impress that guy kaya nagpipilit kang um-appreciate ng artwork?" ani Axel nang makalapit sa kanila. "Axel. It's nice to see you here," kaswal na bati niya rito. Biglang natilihan ito nang mapatingin sa bandang likuran nila. "I swear, Arius, this place is going to bore me to death," ani Bradt na kararating lang. Agad na nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito nang makita si Axel. "What's the meaning of this?" galit na tanong nito kay Arius. "There's an art exhibit here," Arius replied innocently. "I'm thinking otherwise. Art gallery ito, 'di ba?" sarkastikong ganti ni Bradt sa pagitan ng pagtatagis ng mga bagang. "I wasn't expecting this from you." She had her fingers crossed; silently hoping that night would turn out to be positive. O kahit man lang mapayapa. Dahil sa nakikita niyang galit sa mukha ni Bradt ay tila nagpipigil lang itong masapak si Arius. Naisip ni Arius na doon isagawa ang second attempt nilang pagtagpuin sina Axel at Bradt. She thought it would be a neutral place for all of them. "I didn't expect that I would come face-to-face again with an asshole," ani Axel na nagpagulantang sa kanilang lahat. Pero walang kahit anong pangingimi sa mukha nito maliban sa galit na kitang-kita sa pag-aapoy ng mga mata nito habang nakatingin kay Bradt. The latter met it with equal rage. "Girl, hinay-hinay ka naman," marahang saway ng kaibigan nitong si Ambrose. Walang salitang tinalikuran sila ni Axel. "You're really out of your mind, Arius! You're losing control because of her at mukhang wala ka na ring pakialam kahit magkaroon ng away sa pagitan natin dahil sa pagbale-wala mo sa usapan natin," nanggigigil na kompronta ni Bradt kay Arius habang naniningkit ang mga matang sinusulyapan siya. "Why are you so affected? Niyaya kita rito sa gallery ni Arthur dahil gusto kong pilitin kang gawing normal uli ang kaibigan ko. Wala akong masama—" "Alam mong hindi ito ang gusto ko. May pinagusapan na tayo pero wala akong kamalay-malay na iniwan mo na pala ako sa ere." "Are you going to turn your back on us just like that? Para kang ewan diyan sa inaakto mo gayong sa sarili mo ay mayroon kang magagawa," matapang na wika niyang epektibong pumigil sa tangkang paglayas ni Bradt sa harap nila. "You don't have to ask Arius for a favor in the first place. Pero dahil duwag ka yata kaya mo iyon ginawa. Hindi mo kasi kayang harapin si Axel kaya sa iba mo ipinasa iyon habang nagtatago ka sa sulok ng depresyon mo at naghihintay lang ng resulta na napakababaw lang na kasiyahan ang idudulot sa iyo kompara kung hinarap mo ang problema mo." "Wala kang karapatang pagsabihan ako nang ganyan," mariing sabi nito na tila gusto siyang sugurin at yugyugin. "Don't even think about doing it, Bradt," Arius said in a dangerous voice. Ramdam niya ang tensiyon sa katawan nitong iniharang sa kanya mula kay Bradt. "Kung ayaw mong tayong dalawa ang magkagulo rito." It felt like a warm hand had touched her heart as she relished the protectiveness in Arius's words and actions. "You're a bastard, Arius. Hindi ko matatanggap na ginawa mo 'to." "And you're a sissy. Sabihin mo uli na wala akong karapatang sabihin ang mga sinabi ko kapag napatunayan mong mali ako," matapang na sabi niya. Halos maglabas ng tunog ang paggigiritan ng mga ngipin nito sa pagkakatingin sa kanila. Pero sa halip na sumagot ay ipinagpatuloy nito ang paglayo sa kanila. "KAILANGAN talaga magkadikit?" sita ni Avon kay Arius nang hindi na siya makatiis sa tila pagsasamantala nito. "Hindi. Dikit na dikit," nakakalokong tugon nito. Tinawid nito ang distansiya sa pagitan nila. "Tigilan mo ako sa panghaharot mo. Baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito." Pasimpleng hinanap ng paningin niya sina Axel at Bradt. "Bakit ba kasi ayaw komprontahin ni Bradt si Axel sa kung anuman ang pinag-awayan nila?" Hindi nga marahil umalis si Bradt dahil nahamon ito sa mga sinabi niya at ganoon din si Axel dahil nunca itong magwo-walk out na maaaring magbigay ng impresyong apektado pa ito sa lalaki. Pero pakiramdam niya ay wala nang pag-asang magkaayos pa ang dalawa. Dahil wala namang ginagawa ang dalawa kundi ignorahin ang isa't isa. "'Wag mo na silang masyadong problemahin. First attempt pa lang naman natin ito. Of course, it's normal for them to act that way. Matakot ka kung pagkakita pa lang, nagsapakan na sila." "Masyado ka namang bayolente. Ang kapal naman ng kaibigan mo kung gagawin niya iyon sa kapatid ko. Pero parang gusto kong sa iyo maging marahas dahil sa kamanyakan mo!" She suppressed a screech when he placed a hand on her waist and tugged her towards him. Walang anumang ngumisi lang ito. "Mas iniintindi mo ang kapatid mo gayong mas malaki ang problema mo. Alalahanin mong parang mata rin siya ng papa mo. Paano kung makahalata siya at magsumbong? Eh, di lalong magdududa sa iyo ang papa mo sa biglang pagkakaroon mo ng nobyo." Siniko niya ito pero hindi man lang ito natinag at hindi siya hinayaang makawala. "Pero sa opinyon ko, hindi na kailangan ng masyadong skin contact lalo pa kung alam ko namang nananamantala ka lang." Parang walang narinig na hinila siya nito para tingnan ang iba pang mga painting habang nanatili ito sa tila pagkakayapos sa kanya. "You could just say it straight that I'm making you uncomfortable. Para maremedyuhan natin iyan." Natitilihang nilingon niya ito. "A-ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi, ah. Ayoko lang ng napapasobra 'yang pag-arte mo." "Bakit, dahil masyado ka na bang apektado?" pananalakab nito. "Siyempre hindi," sagot niyang nakaiwas ang tingin dito. Parang bigla ay nangamba siyang may mabasa ito sa mga mata niya para lalo siyang tuksuhin nito. And what would that be? Na nagsisinungaling ka? tuya ng isip niya. Sinagilahan siya ng mas matinding takot dahil sa isang realisasyong iyon. If truth be told, he was affecting her the way no man ever had. Arius was making her nervous, and at the same time excited with his knowing smiles and stares. Most of all, he made her heart dance the jig double time. Pero bago pa man niya makastigo ang sarili ay dumako ang kamay nito sa baba niya at pilit sinalubong ang mga mata niya. "Kung ganoon, dapat ay patunayan mo." "A-ang ano?" Hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin dahil sa nakakatarantang init sa mga mata nito. Nahigit niya ang hininga nang haplusin nito ang pisngi niya. He just looked at her for a heart pounding moment that held her in a trance. Huli na para makaiwas siya sa pagbaba ng mukha nito sa kanya. He held her head with both hands and took her mouth in such a gentle kiss that it took her breath away. She felt her knees begin to melt that she had to hold on to his neck to keep herself from slipping. His lips moved delicately over hers. Para na siyang hihimatayin dahil sa masarap na sensasyong hatid niyon. Tila may sariling isip na gumagad ang mga labi niya sa labi nitong nagsisimula nang maging mapusok ang paghalik sa kanya. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon, walang pakialam sa nakapaligid sa kanila. Kung hindi pa marahil sa singhap na himalang sumingit sa nalalabuang kamalayan niya ay hindi pa niya maaalalang naroon sila sa loob ng gallery. Pilit niyang inilayo ang mga labi rito na tila gusto pa nitong habulin. Naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito dahil sa sobrang pagkapahiya. She heard him chuckle. "'Kainis!" Nanggigigil na binayo niya ang dibdib nito. Nag-iinit ang mga pisngi niya pero tila masayangmasaya pa ito sa reaksiyon niya. He tilted her face and her eyes met the amusement and passion that lit up his eyes. Tinangka niyang magbawi ng tingin dito pero napasinghap siya nang makita ang isang painting na nasa harap nila. "'Wag ka ngang tawa nang tawa," sikmat niya kay Arius. Gusto na niyang lumubog sa pagkapahiya na dinagdagan pa ng nakaguhit na iyon sa painting na isang pares na nagsasayaw. But the painting hinted that the couple was more than just dancing. Their bodies were melded together, their lips only an inch apart. Parang kayo lang kanina. Ang kaibahan lang, nauwi talaga sa totoong halikan ang sa inyo. He stopped laughing but he still wore that irritating, knowing grin. Tinangka uli niyang humiwalay rito dahil pakiramdam niya ay napapaso siya sa pagkakadikit nila. Pero hindi siya hinayaan nito. Marahang pinadaanan ng hinlalaki nito ang mga labi niyang basa mula sa halik nito. Her lips quivered in anticipation as his warm gaze fixed on them, longing to have a taste of them again. Tila wala na talaga itong pakialam sa maaaring kahinatnan ng sinimulan nito at tila tuluyan na siyang napasailalim sa mahikang dulot ng halik nito kung hindi lamang sa pagtawag sa kanya ng kung sino. "Nag-usap na 'yong dalawa." Humahangos na lumapit si Ambrose sa kanila. "Lumabas sila ng gallery. Kinakabahan ako sa kahihinatnan ng pag-uusap nila." Lihim siyang nagpasalamat dahil mukhang hindi nito napansin ang kakaibang namamagitan sa kanila ni Arius dahil marahil sa pagkataranta. Nagawa na niyang makalayo kay Arius at hinawakan ang kamay nito. "Ito ang pinakamagandang maaari nilang gawin sa ngayon. Ikaw na rin ang nagsabi na kailangan din ni Axel ang pagkakataong ito dahil apektado rin siya." She was thankful she was able to talk to Ambrose about her plan. Dito siya lumapit at humingi ng tulong tulad na lang ng pagdadala nito kay Axel sa Insignia kung saan nila lihim na pagtatagpuin ang mga ito. "Kunsabagay, tama ka naman talaga. Hindi ko siya mapilit na gawin ito, eh, kaya mabuti nga at naisip ninyong i-set up sila. Sana lang ay hindi sila magpataasan ng ere." Ilang sandali ang pinalipas nila bago sila nagpasyang sundan ang mga ito. Agad nilang natagpuan ang dalawa sa miniature park sa labas ng Insignia. Nag-alala siya nang makitang kulang na lang ay umupo sa semento si Axel habang sapo ng mga kamay ang mukha. Hindi siya nakatiis na takbuhin ito. "What happened?" Tiningala niya si Bradt na madilim ang ekspresyon sa pagkakayuko kay Axel. "What do you care?" Axel squealed. Nabaghan siya nang makitang tigmak ng mga luha ang mga mata nito. "This is what you want, ang makitang miserable ako." "No." She shook her head emphatically. "Gusto ko lang tumulong—" "I don't need help with him, especially not from you. Huwag kang ipokrita! Ginawa mo 'to para pagtawanan ako." Marahas siyang tinabig ni Axel pagtayo nito na muntik na niyang ikatumba. Mabilis siyang naalalayan at itinayo ni Arius. "How dare you play innocent with me! Ikaw ang dahilan ng lahat ng nangyari sa pamilya ko. Kasalanan mo ang mga gulong idinulot ng pagkupkop sa iyo ni Papa. 'Tapos ngayon, para kang santa sa pakikialam sa personal kong buhay." "Walang kinalaman iyon dito," mahinahong wika niya. Mabilis itong lumapit sa kanya at sinaklit ang braso niya. "Siyempre, oo. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Katulad lang din ito noong makisampid ka sa pamilya namin. Nakikisakay ka naman ngayon sa bagay na wala ka namang kinalaman dahil gusto mo ng atensiyon—" "Nagkakamali ka. Hindi ko kailanman ginustong makisampid sa pamilya ninyo." "Don't give me that crap!" "Hindi ko ipinilit sa kanyang kilalanin ako. An innocent six-year-old girl was taken from the people who took care of her. Nino? Ng taong bigla na lang sumulpot sa buhay niya para akuin ang pagpapalaki raw sa kanya at nagsabing ito ang amang ni hindi naman niya kilala. "She didn't want to be in that new world her father had placed her in but was left without a choice. Pinili niyang makisama o umiwas para hindi makagulo sa legal na pamilya ng tatay niya. She did everything to please them. Kahit ang totoo, hindi siya masaya. Siguro nga ay may karapatan kayong magalit sa bastardang tulad ko pero hindi mo puwedeng ipaako sa akin ang lahat ng kasalanan. Kontento na akong mabuhay sa probinsiya, walang kinikilalang ama, nangungulila sa ina. But he decided to ease his conscience. Ano'ng magagawa natin?" Bumaon ang mga daliri nito sa balat niya kasabay ng pagningas ng mas matinding galit sa mga mata nito. "Sinasabi mong inosente ka? You made our lives miserable. Kahit wala ka na sa bahay, hindi na mababago pang may nasira ka. Ano'ng karapatan mong kaawaan ako, ha? Nagmamalaki kang maligaya ka habang ako ay hindi?" "Axel, tama na iyan. We're starting to attract attention already," sansala ni Ambrose. "Hindi lang kayo ang naging miserable. Wala kang karapatang kuwestiyunin ang kaligayahan ko dahil alam mong halos wala ako n'on. At hindi kita kinaaawaan. Hindi mo kailangan iyon." Natigagal ito. "Damn you! You have no right to say that!" Marahan niyang hiniklas ang braso. "May pagkakataon kang ipakita na hindi ka patuloy na magiging miserable kung haharapin mo ang problema." "Stop it!" Tinangka nitong abutin uli siya pero humarang na si Arius sa pagitan nila. "Ikaw ang dapat na huminto. I won't let anyone hurt Avon, kahit kapatid pa niya," malamig na babala ni Arius. Natigagal si Axel. "Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Arius nang harapin siya nito. Napatango lang siya. Mukhang natigatig ang kapatid niya sa nakakakabang kaseryosuhan sa mukha ni Arius. Ngunit sa kabila ng tensiyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng pag-aalala sa mukha ni Bradt na nagpigil pa sa paglapit kay Axel. "Let's go, babe. Sapat na ang nangyari sa gabing ito."

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now