CHAPTER SEVEN
NATATAWANG naihilamos ni Avon ang palad sa mukha ni Gage. "Matunaw 'yan!" untag niya sa paghabol nito ng tingin sa babaeng dumaan sa harap nila. "Ganito pala rito. Ni minsan, hindi mo kami inimbitahan. Fiesta." Tila hindi nito malaman kung saan titingin, kung sino ang hahangaan at sisimulang bolahin. They were at the party organized by their sorority. Thanksgiving party iyon na ginanap sa VCU para sa matagumpay na fund-raising event na in-organize ng Iota Theta. Yearly kung mag-conduct iyon ng event para suportahan ang foundation, charity, at medical missions na sorority rin nila ang gumagawa. Samara—one of her sorority sisters, and the one who organized the party— invited her to bring along her band. She had been hesitant to say "yes" at once. Hindi sa kung ano pa mang dahilan. Ang mga bagay kasi na may kinalaman sa banda nila ay dapat na dumaan sa manager nilang si Les Alberto. Mabuti at nang magpaliwanag siya ay agad pumayag ang babae na makipag-usap muna rito. Kung sa kanya ay walang problema. Natuwa siya nang mag-fit ang party na iyon sa schedule nila at natuloy silang mag-perform doon. Magandang exposure din iyon para sa kanila. Hindi basta-basta ang party ng Iota, lalo kapag si Samara ang naging organizer. Bukod sa mga kilalang alumnae ng VCU, puno ang paligid ng miyembro ng naggagandahang kadalagahan na miyembro ng Iota. Kaya naman hindi magkamayaw ang mga kabanda niya sa tuwa. Kanina ay halos pagkaguluhan ang mga ito sa unang pagtugtog nila. Ang mga loko, feeling hari na napapalibutan ng mga babaeng excited na makipagkilala sa mga ito. Kunsabagay, sanay na siyang ganoon ang palaging nangyayari sa bawat pagtugtog nila. That was the kind of life male rock stars led. Women go crazy and gaga over them because of the talent and their arresting looks. "Avon, kanina pa kita hinahanap," sabi ni Anissa na palapit sa kanya. Natigilan ito nang makita si Gage sa tabi niya at binigyan ang lalaki ng matalim na irap. "Bakit mo ako hinahanap?" Bumalik ang ngiti ni Anissa nang bumaling sa kanya. "May ipapakilala ako sa iyo," excited na sabi nito. She rolled her eyes. "I'm not interested in meeting a new guy. Bagong rekomendasyon na naman iyan, eh." "Rekomendasyon na naman?" nakakalokong gagad ni Gage. "O, bakit?" sikmat ni Anissa sa sinabi ni Gage. "Iniisip mo lang talaga siguro ang kaibigan mo. But why don't you find yourself a boyfriend first?" "Wala kang pakialam! Hindi ko nga pinapakialaman kapag para kang aso na kulang na lang, ilawit ang dila sa pagkahumaling sa kung sino-sinong babae," paasik na sabi ni Anissa. "Binabantayan mo ba ang bawat kilos ko?" "The nerve! Why would I waste my time with... with—like..." Anissa exhaled harshly. "Why are you talking to me anyway? Si Avon ang kinakausap ko, ah." Tumango-tango si Gage. "Good." Iyon lang at tumalikod na ito. "Ano raw?" Nalilito siya sa sagutan ng mga ito. Noon pa man ay pansin na niyang hindi close ang dalawa. And after seeing them like that, she couldn't help but wonder. Suspicions popped up in her mind. Masyado na yatang lumalalim ang ngayon niya napansin na cold war sa pagitan ng dalawa. Anissa made face. Bago pa man niya ito mausisa sa iniakto nito ay hinila na siya nito. "Bakit ba kasi pakalat-kalat ang tulad n'on dito. So relentless, so cruel—" "Cruel?" She arched a brow in puzzlement. "What makes you say that?" Natigilan ito at naging malikot ang mga mata. "Y-yeah. Hindi ba? Cruel, sa mga naging babae niya. He's a cruel playboy." Napatango siya bagaman naroon pa rin ang pag-aaral sa kilos nito. Tila alam iyon ni Anissa kaya nag-iwas ito ng tingin. "Ano ba'ng care natin sa mga cruel? Maaagnas din sila sa lupa. What we should be excited about is that guy I'm going to introduce you to." Ipinagpatuloy nito ang paghatak sa kanya sa kung saan. "Anissa, you know I'm not interested. Wala akong interes na makipagkilala dahil—" Napasinghap siya at napapikit nang may isang bultong biglang sumulpot sa harap niya. Narinig niya ang tawa ni Anissa bago nito binitiwan ang kamay niya. Then strong hands held her by the waist. "Hindi ka na talaga dapat nakikipagkilala sa iba." She opened her eyes and found him grinning so devilishly it made her pulse beat double-time. "A-Arius..." "Sino naman siya, Avon? At bakit hindi ka puwedeng makipagkilala?" tanong ni Anissa. "Dahil magagalit ang boyfriend niya," sagot nito na nakangiting niyuko siya. "Right, babe?" Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagkabog ng dibdib niya sa presensiya nito. "Y-yeah, right." Gulat na nagpalipat-lipat ang tingin ni Anissa sa kanila. "Boyfriend? May boyfriend ka na? S-siya?" "Ako nga," nakaliyad ang dibdib na kumpirma ni Arius. "Arius Herrera. I suppose you're my babe's best friend, Anissa." Tila tulala pang tinanggap ni Anissa ang pakikipagkamay ni Arius. Nagtatanong ang tinging ibinigay nito sa kanya kaya inayos niya ang ekspresyon kahit gusto na niyang mapapiksi sa pagkakalapit nila. "Ahm, excuse us, Anissa. Let's dance, Arius." "Sure, babe." Mabilis na hinila niya ito palayo sa kaibigan niya. Hindi na niya napigilan ang mapaigtad nang ilapat nito ang dalawang kamay nito sa baywang niya. "Gusto mong masaktan?" sita niya rito. "Why? We're dancing, where am I supposed to put my hands, sa paa mo?" Ipinakita niya rito ang paggiritan ng mga ngipin niya pero sa halip na masindak ay walang anumang kinuha nito ang mga kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon sa batok nito. "Better." She pressed her lips closed. Hindi lang para pigilin ang sariling sitahin ito sa kapangahasan na maaaring maulinigan ng mga pares na katabi nilang nagsasayaw. It helped her suppress the hiss that wanted to escape from her mouth because of the odd awareness brought by that intimate contact. "Hindi tayo narito para magsayaw at magpakasaya. So, don't act as if what is between us is normal," paalala niya. "Sa tingin mo ba, makakatulong kung hindi normal ang ikikilos ko sa harap ng mga taong makakaalam na magnobyo tayo? You want me to act as awkward as you? Then this scheme won't succeed the way you want it to," he teased. Napalis ang pagsimangot niya. "Where's Bradt?" "Wala, hindi ko napilit sumama." "What? 'Di ba, sinabihan na kitang—" "Ano'ng magagawa ko kung ayaw niya? Pero sa tingin mo ba, magandang ideya ang gusto mong mangyari?" may pag-aalinlangang tanong nito. "You want Axel and Bradt back in each other's arms again?" He looked at her incredulously. "Pinagdududahan mo ba ang balak ko?" tanong niya kahit sa sarili ay alam niyang mahirap talaga ang plano niya. But it was the only thing she could do. Maybe it was next to impossible pero wala namang mawawala kung subukan niyang pagbatiin ang dalawa kaysa hayaan na magkasakitan pa ang mga ito, emotionally. And Arius could help her do that. Alam niyang napapantastikuhan ito sa kanya dahil sa ideya niya. Pero alam niyang naisip din nitong mas mabuti na iyon kaysa paghigantihan si Axel. At ang una nilang hakbang ay pagtagpuin ang dalawa sa party na iyon. "Well, it's a good idea. But don't you think it's a bit idealistic? Na magkakabalikan pa sila?" "Bakit hindi? Bradt's crazy about her. Patunay na ang paghihiganting gusto niya para masabi kong hindi siya makapag-move on sa naging relasyon nila." "What if it's just because of pride, of male ego? Nasaktan siya and it's a normal thing for him to want to seek revenge. Hindi mo puwedeng sabihing pag-ibig pa rin ang dahilan n'on. Same goes for Axel. Naghiwalay sila at nasaktan niya ang kaibigan ko. How sure are you that she'd want to have anything to do with Bradt again?" Natigilan siya sa sinabi nito. "B-but... It's still worth a try, I guess. Kaya nga natin susubukan para makita natin kung ano'ng kahihinatnan," katwiran niya. The wickedly seductive smile that spread across his face made her heart leap. "W-what?" "You're a hopeless romantic, aren't you? Coming up with that idea, you sure are a sucker for cheesy happy-ever-after stories. Hindi halata. Pero sapat nang patunay iyon lalo pa ang pagtanggi mo sa arranged marriage na iginigiit sa 'yo. Did you do that because you're also one of those people waiting for a happy ending?" Napaismid siya sa panunudyo nito. "Fairy tales don't come true. Dahilan lang ng iba ang paniniwala roon para may panghawakan sila. To give themselves satisfaction even if it's only an illusion." Kumunot ang noo nito pero nag-iwas na lang siya ng tingin. "Kung ganoong wala rito si Bradt, mag-isip na lang tayo ng ibang paraan para—" Napasinghap siya nang lalo siyang hapitin nito. "Wala siya rito kaya hindi na muna natin kailangang maging abala sa pagplano para sa kanila. Let's focus on your own agenda." Pinilit niyang lagyan ng puwang ang pagitan nila pero ang maldito ay hindi man lang natinag. "Ano ba?" She glared at him. "Ikaw ang humiling nito, Avon. I'm just giving in to your demands. Ayokong maakusahang walang kuwentang boyfriend." "Pero kunwari nga lang ito!" "But still, we need to act like we're in love with each other. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" It was her turn to look up at him incredulously. Bakit sa kanilang dalawa, parang ito pa ang atat sa pag-career sa pagkukunwaring hiniling niya rito? Gayong siya nga ay hindi pa rin makapaniwalang ikinonsidera niya ang ideyang iyon sa kabila ng tensiyon niya kapag nasa malapit ito. "Kapag pumalpak ito, sisihin mo ang sarili mo. Because I intend to play my part well. Really well. And it looks like I did a good job kahit unang pagkakataon pa lang ito. Kilig na kilig sa atin ang kaibigan mo," nakakalokong dagdag nito. Nanayo yata ang mga balahibo niya sa mainit na hininga nitong pumaypay sa mukha niya at sa mapanghibong boses nito. Sinubukan niyang alisin ang tingin dito pero kahit nang masulyapan niya si Anissa pati na rin ang mga kapatid niyang miyembro din ng Iota ay parang wala na siyang pakialam sa mga ito maliban kay Arius. SA KABILA ng tila kuryenteng nanulay sa bawat himaymay ng katawan ni Avon ay pinilit niyang maging natural sa harap ng mga kausap nila ni Arius. "Lumapit ka ba rito para lang ipangalandakan ang pagiging rebelde mo?" tanong ni Ate Audra na nakahalukipkip habang nakatingin sa magkahawak na kamay nila ni Arius. "Hindi sa iyo, Ate, kay Roald," tila walang anumang sabi ni Astrid. "Arius, mga kapatid ko. I wasn't able to introduce you to them sa party ni Axel. Sina Ate Audra at Astrid. Si Arius nga pala," kaswal na wika niya. Audra smirked; Astrid was intrigued while Axel was nonchalantly sipped at her drink. Wala namang ekspresyon si Roald na kasalo ng mga ito sa mesa. Nahuhulaan na niyang may kinalaman ang papa niya sa pagdalo roon ng lalaki. Lihim siyang napailing. "Mukha namang okay rin ang boyfriend mo. 'Kaso, si Papa na ang pumili kay Kuya Roald. Kaya no choice ka," ani Astrid. "I don't think so. Avon already told me about the situation. At kung anuman ang gustong igiit sa kanya ng papa ninyo, magkatulong naming patutunayang walang puwedeng mamagitan sa relasyon namin," nakangiting pagkontra ni Arius. She wanted to commend Arius for delivering that quite well. He intends to act very well nga raw, 'di ba? Kaya dapat mo ring paghusayan. Tinanggal na niya ang hiya at malambing na hinawakan niya ang braso nito. "Of course, babe. Sigurado namang mauunawaan din ni Papa na hindi niya ako puwedeng pilitin dahil ikaw ang unang-unang hindi papayag na agawin ako sa iyo." Padarag na tumayo si Ate Audra. "Hindi ninyo kailangang mag-aksaya ng panahon na ipakita sa amin 'yan. That is kung magagawa mo ngang suwayin ang papa," pang-uuyam nito. "I know you'd feel the same way kapag ikaw ang nalagay sa ganitong sitwasyon, Ate Audra. Lalo't inalagaan mo nang matagal na panahon ang damdamin mo para sa isang tao." Napasinghap si Ate Audra. Mukhang nagulat ito sa makahulugang pahayag niya, lalo na nang sumulyap siya sa gawi ng lalaking matagal nang itinatangi nito. "You mean Reulle Navarro? Kasosyo siya sa negosyo ng pinsan ko. You want me to introduce you to him?" alok ni Arius. Tila nagliwanag ang mukha ni Ate Audra pero agad din itong sumimangot. "Why would I? Hindi ko kailangan ng tulong dahil mali ang iniisip ninyo." Tila napapahiyang naglakad ito palayo. Bahagya siyang natawa sa reaksiyon nito. She saw that Ate Audra was tempted to say "yes," napigilan lang marahil ng pride at inis nito sa kanya. "Ako, Kuya Arius, hindi mo ba ako tatanungin para ma-good shot ka sa akin?" pilyang wika ni Astrid. "What is it, sweetie?" Arius was no doubt knew how to be charming judging from the way Astrid's smile widened. "Pero hindi mo na kailangan ng escort. Nariyan naman si Roald." Nakamaang na tiningnan niya si Arius na ginantihan lang nito ng pagkindat. Kumunot ang noo niya when she saw Astrid blush profusely.
YOU ARE READING
Pretensions And Lies - Haze Prado
RomanceKontento na si Avon sa simpleng buhay na mayroon siya. Nagsimula lang magulo ang mundo niya nang makialam ang papa niya sa pagpili ng lalaking pakakasalan niya. Nang gabing ipinakilala siya nito kay Roald ay iyon din ang gabing nagkrus ang mga landa...