Chapter 6

629 13 0
                                    

CHAPTER SIX

NGALI-NGALING sipain ni Avon ang sarili dahil sa pag-iinarte niya. Late na siya sa rock fest na tutugtugan nila pero hayun at palabas pa lang siya ng apartment niya. She should be excited about it, but she didn't feel like rocking onstage tonight. Sa katunayan, ilang araw na siyang walang-ganang tumugtog dahil sa mga natuklasan niya tungkol kay Arius. Hindi siya makapaniwala sa plano nito at ni Bradt laban kay Axel. Ang akala pa naman niya ay ito na ang sagot sa problema niya. Pero napurnada ang planong naiisip niya dahil sa nalaman niya. Pero ang higit niyang ikinaiinis sa sarili ay ganoon na ngang mukhang wala nang magiging solusyon iyon ay may di-maipaliwanag na damdamin pang gumugulo sa kanya dahil sa kaalamang hindi na niya dapat pang pagkaabalahang isipin si Arius. Sayang... "Tama, sayang. Dahil akala ko, siya na ang makakatulong sa akin sa problema ko," paglilinaw niya sa sarili. Hindi pa niya alam kung ano ang makabubuting gawin pagkatapos niyang malaman ang intensiyon ni Arius sa kapatid niya. Naguguluhan siya dahil gusto niyang pagsabihan si Arius na huwag nang ituloy ang plano nito at takutin itong magsusumbong siya kay Axel. Kahit na alam niyang hindi siya pakikinggan ng kapatid niya. Gayunman, kahit na matagal nang may gap sa pagitan nila ng kapatid, handa siyang protektahan ito sa mga taong gustong manakit dito. Pero hindi niya alam kung saan ba napunta ang tapang niya at siya pa ang tila nagtatago at umiiwas kay Arius gayong ito ang may atraso sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Sinulyapan niya ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng bahay niya. Isinasara na niya ang pinto nang may humintong sasakyan sa harap ng bahay niya. May kung anong kaba siyang naramdaman nang maisip niyang si Arius iyon at kukulitin na naman siya. Pero laking gulat na lang niya nang ang kanyang ama ang nakita niyang bumaba mula sa magarang sasakyan. "P-Papa..." Mabagal ang naging hakbang niya palapit dito. "What are you doing here?" "Alam mo kung bakit. Hindi kita nakausap agad tungkol sa kalokohan mo dahil nagkaroon ako ng importanteng out-of-town trip." "Aalis ho ako ngayon. Kung importante—" "It's damn well important! Ano itong nalaman kong mayroon ka na raw nobyo?" "May nakapagtataka ho ba roon?" "I thought you didn't have a boyfriend." "Hindi lahat, malalaman ninyo." "O baka naman gumagawa ka lang ng paraan para iwasan si Roald," nagdududang sabi nito. "Bahala kayo sa gusto ninyong isipin. Pero sana, maisip ninyong hindi ninyo puwedeng igiit sa akin ang utos na magpakasal ako sa kung sino ang napili ninyo." "Roald is a good man. Nasisiguro kong hindi ako nagkamali sa pagpili sa batang iyon. Kung sino man ang lalaking iyon, he's just your boyfriend. Bakit, nakakasiguro ka na ba sa kahahantungan ng relasyon ninyo? Kay Roald, siguradong kasalan ang kahahantungan ng relasyon n'yo." Natawa siya nang pagak. "Ano ba'ng dahilan at bigla ay ipinagkasundo ninyo ako sa kanya? Dahil ba sa negosyo? Naisip ninyong mapapakinabangan na ninyo ako—" "Don't talk to me that way! Iniutos ko iyon dahil iniisip ko ang kapakanan mo. Ano'ng tawag mo sa pagpiling buhayin ang sarili mo sa walang kuwentang pagtugtog na iyan sa halip na tumulong sa kompanya natin? Lumayas ka ng bahay para magsarili sa maliit na apartment na iyan. Kaya ano pa'ng inaasahan mong maiisip ko sa pakikipagrelasyon mo sa kung sino na maaaring tulad ng karaniwang lalaki na—" "Na tulad ninyong magpapaibig lang pero sa huli ay manloloko talaga?" Nagtagis ang mga bagang nito pero nagpatuloy siya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, tama kayo. Hindi pa ba sapat ang pagpilit ninyong magpakaama sa akin? "Ang hirap kasi sa inyo, opinyon n'yo lang ang mahalaga para sa inyo. Nakonsiyensiya kang bukod sa babaeng pinaasa at niloko mo, may isang bata ka pang pinagkakautangan. Gusto mong maghugas-kamay kaya kinuha mo ako at isiniksik sa pamilya ninyo. Akala mo, mapapabuti ako?" She exhaled harshly. "Isang pagkakamali ang ginawa mo kasi mas gugustuhin ko pang tuksuhing 'putok sa buho' ng mga kalaro ko kaysa sumalo ng galit ng pamilya mo sa kawalang-konsiderasyon mo. Alam mo ba kung anong pakiramdam ko nang mamatay si Tita Emily dahil sa sobrang lungkot? Inako mo lang ako para may tagasalo ka sa guilt mo." Inisang-hakbang nito ang distansiya sa pagitan nila at nakatutulig na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya. She was shocked. Her trembling hand touched her cheek. Mabilis ang pagdating ng sakit na dulot niyon pakatapos ng saglit na pamamanhid. Her whole body became numb. Tila nasindak din ito sa nagawa. Kailanman ay hindi siya nasaktan nito, kahit sino sa kanilang magkakapatid. Sunod-sunod itong nagpakawala ng mararahas na hininga. "Isipin mong mali ang pasya ko but everything I did was for you. Hindi ko babaguhin iyon kahit masalimuot ang kinahinatnan niyon." Tila robot na humakbang ito pabalik sa kotse nito. "I want to make sure you end up with a man you deserve. Hindi mo ako mapipigil dahil alam kong ang kinabukasan mo ang masisiguro ko sa pasyang iuutos kong sundin mo. At igigiit ko iyon hanggang sa makita mong tama ako." Iyon lang at sumakay na ito sa kotse nito at mabilis na pinaharurot iyon. Nanlalatang napasandal siya sa hamba ng pinto dahil sa outburst niya sa mga hinanakit niya rito. AVON was feeling strangely uncomfortable. Pinigilan na niya ang magpalinga-linga dahil sa kabila ng dami ng tao sa paligid ay hindi niya makita ang taong gusto niyang makita. She wanted to curse herself for feeling like she needed to see Arius. Binilisan na lang niya ang mga hakbang papunta sa mga kasama niya. Halos hindi mahulugang karayom ang venue. The event was taking place at one of the biggest concert grounds in the country. Naghalo-halo ang fans, music enthusiasts, at media na nagko-cover ng nasabing event na sumasabay sa ingay ng sound systems na nagkalat sa paligid. This was the world she had gotten used to and loved. Pero habang tinatalunton niya ang hugos ng mga abalang tao ay may kung ano siyang nakapang kahungkagan sa dibdib. Part of it was her argument with her father; another was that she felt so vulnerable that she wanted someone to be with her. She didn't know what made her feel that way because she was used to being alone. Naputol ang pagninilay-nilay niya nang may makabunggo sa kanya. "I'm sorry, miss..." anang lalaki na nakabunggo sa kanya. "It's okay." Pinigilan niyang ipakita ang inis hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa malagkit na tingin nito sa kanya. "Oh! It's Miss Avon. How lucky can I get? Mas maganda ka pala talaga sa malapitan. But really, you looked so hot onstage I couldn't help but wish I were that guitar your expert fingers strummed." Kung maldita lang talaga siya at palaaway ay tinusok na niya ang mga mata ng preskong lalaking ito. Pero hindi niya aaksayahin ang oras niya sa mga tulad nito. "Unfortunately, mas kapaki-pakinabang ang gitara ko kompara sa tulad mo. Fortunately for me, a jerk like you can never substitute for my guitar. Kundi, nasira na ang career ko." "Ang yabang nito!" Bumangis ang mukha nito kasabay ng pagtaas ng isang kamay nito. Bago pa man siya makakilos para umiwas ay may malalakas nang kamay na humila sa kanya. "R-Roald? A-anong—" Gulat na napalingon siya sa lalaking nambastos sa kanya nang makarinig siya ng paghiyaw. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang namimilipit ito sa sakit dahil sa pagpilipit ni Arius sa braso nito. Something inside her came alive seeing the guy who confuses the hell out of her. But she panicked when she saw the rage on Arius' face. Natatarantang nilapitan niya ito sa kabila ng pagpipigil ni Roald sa kanya. Agad siyang kumapit sa braso nito para hilahin. "Arius, stop it!" Lalo na siyang ninerbiyos nang hindi man lang ito natinag. Patuloy sa pagdaing ang bastos ng lalaki na kumuha na nang husto ng atensiyon ng mga tao. From the way Arius was twitching his arms, it really looked painful. Pero kahit nakadama siya ng satisfaction sa napala nito ay nag-alala naman siyang mapasobra ang leksiyong ibinibigay rito ni Arius at mapasama pa ang huli. "Please, tama na iyan! Arius, let's go!" maigting na pakiusap niya rito. Yumakap na siya mula sa likod nito. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang pinakawalan na nito ang lalaki. Marahas na huminga nang sunod-sunod si Arius habang masuyong pumalibot ang isang bisig nito sa kanya. "Pipili ka ng babastusin mo. I might've killed you, you bastard, if you had laid a hand on her. Hindi lang braso mo ang babaliin ko." Nangunyapit siya sa T-shirt nito nang tila balak pa nitong sugurin ang lalaki. "Are you okay, babe?" nag-aalalang tanong nito nang bumaling ito sa kanya. "Bakit hindi ka agad lumayo sa gagong iyon? Hindi mo ba naisip ang balak niyang gawin?" "N-naisip. Pero balak ko naman talagang iwasan iyon. Kahit hindi ako iniiwas ni Roald, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. I should've kicked his crotch—" Kumunot ang noo nito. "Nandito na naman siya?" Napalingon siya kay Roald nang maalala niya ito. Tipid itong nakangiti habang lumalapit sa kanila. "'You all right?" Tumango siya. "Salamat." Tiningnan niya si Arius na blangko ang tingin sa lalaki. "Bakit ba lagi mo pa ring sinusundan si Avon?" pagkompronta nito kay Roald. "Arius, ano ba?" "He seemed to be stalking you, alangan namang hindi ako magtaka." "Talagang sinundan ko siya," ani Roald na marahas na ikinabaling ni Arius dito. "Masama bang gustuhin kong panoorin ang mga performance at gigs niya?" "Wala sana, pare, kung hindi ko lang alam na may iba ka pang interes sa panonood mo, kuno." Hindi siya nakahuma nang mas higitin pa siya ni Arius payakap. Bago pa man siya makapag-react ay marahan na siyang iginiya nito para lumakad. "R-Roald, sige. Salamat uli." Nilingon niya ito nang bahagya at saka nagpapaunawang nginitian. "It's okay, Avon." Naramdaman niya ang paghigpit ng braso nito sa balikat niya. Naninita ang tinging ibinigay niya kay Arius. "Puwede mo na ba akong bitiwan?" "Not until you tell me what that man's hold is on you." Her eyes turned into slits. "What?" "Hindi na ako papayag na magmaang-maangan ka pa, Avon." Napapantastikuhang napatingin siya rito hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng mga kabanda niya. Bahagya lang silang pinansin nina Gage na may pinagkakaabalahan na kanya-kanyang babae. Bahagya niyang siniko ito nang manatili ang pagkakaakbay sa kanya kahit nang umupo na sila. "Ikaw pa talaga ang malakas ang loob na mag-demand pagkatapos ng natuklasan ko?" She knew she shouldn't feel that way, but she couldn't help the shiver that ran down her spine when he fixed an intent gaze on her. Ngunit hindi niya mapigilan ang matinding pagkaasiwa na lalong dumagdag sa pagkalito at inis niya sa sarili. Humugot siya ng malalim na hininga bago kumaha ng bote ng beer. Akmang tutunggain niya iyon nang agawin nito iyon sa kanya. "'Wag mo nang tangkaing magpakalasing. Or maybe you could. Ako naman ang kasama mo," aroganteng wika nito. "Don't you dare say anything about that night," paanas na banta niya. He laughed. "Kung ganoon, simulan mo nang magpaliwanag." "Ang galing mo rin, ano? Parang ikaw pa ang inosente gayong dapat nga ay hindi mo na ipinapakita sa akin 'yang pagmumukha mo. At muntik ka pang gumawa ng gulo rito." "Hindi ba dapat ang sarili mo ang sisihin mo?" Pinasadahan siya nito ng tingin. "Tama bang magsuot ka ng sexy na damit sa ganito kasiksikang lugar? Lalo mong nahahatak ang atensiyon ng mga lalaki. I don't like that." She gaped at him. "At ano naman ang pakialam ko sa gusto mo?" Para sa kanya ay ayos lang ang halter top at tight-fitting jeans na suot niya. Mas revealing at daring pa nga ang suot ng ibang mga babaeng naroon. "Keep your opinion to yourself, Arius. You have no right—" Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Jolts of tingling sensation ran through her veins. "I'm sorry," he said as he stared straight at her with overwhelming emotion in his eyes. Halos anas lamang iyon pero daig pa nito ang naka-megaphone sa naging epekto niyon sa kanya. "I understand that you're mad at me. Pero sana, kahit na mali talaga iyong mga plano naming natuklasan mo, don't think the worst of me. Hindi ko sinadya ang pagkakakilala natin. Wala akong balak gamitin ka o gawin ang anumang masamang hinala mo sa akin. Una pa lang, tutol na ako sa hiling ni Bradt pero wala akong choice kundi pagbigyan siya." "Siyempre, dedepensahan mo ang sarili mo sa akin. Pero tingin mo, basta ganoon na lang dahil nagpaliwanag ka? Kapatid ko ang gusto ninyong saktan." "Sa tingin mo, magtitiyaga akong humabol-habol sa 'yo kung masama ang intensiyon ko sa iyo? You heard Bradt. Nag-aaksaya ako ng oras dahil ikaw sa halip na si Axel ang pinagkakaabalahan ko." "Malay ko kung balak mo ngang gamitin ako?" Kompiyansang ngumiti ito. "Ano sa tingin mo? 'Sige, ikaw ang sumagot niyan baka kasi alam mo na rin ang sagot sa sarili mo. Kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi na ako mag-aabala pang linisin ang tingin mo sa akin dahil kaya ko namang gawin ang talagang plano namin ni Bradt na hindi ko na kailangang gumamit ng ibang tao." Hindi niya alam kung bakit mas naapektuhan pa siya sa sagot niya sa tanong nito kaysa sa kaalamang maaari nga nitong ituloy ang plano laban kay Axel. Naniwala ka agad sa kanya? Napalunok siya dahil "oo" ang sagot niya habang nakikita ang sinseridad nito. But she couldn't let him get near Axel, and not just because she couldn't let him hurt her. At ano pa ang dahilan mo? tanong ng nang-aasar na bahagi niya. Basta hindi puwede. "Kung ganoon, uunahan ko na kayo," pananakot niya. "Babe, you're not the only one who has a reason to do blackmail. Simulan mo na kayang magpaliwanag kung bakit ganoon na lang ang pagbuntot sa 'yo ni Roald. Parang mas maganda kung magtapat na ako sa lalaking iyon. Wala rin namang kapupuntahan 'tong kalokohang pagkukunwari ko. Itatanong ko na rin kung ano ang problema niya sa iyo." Napakagat-labing pinigilan niya ito sa laylayan ng polo nito nang tumayo ito at naiinis na hinila niya ito para muling paupuin. "Okay, you win. Pero may kapalit ito," sumusukong tugon niya. Ngumiti ito nang maluwang. "Promise." "Siguruhin mo lang." Malakas niyang pinadapo ang kamao niya sa kanang kamay na itinaas nito. Nagbuntong-hininga siya. "Ipinagkasundo kaming ipakasal na dalawa ni Roald." "Pero siyempre, ayaw mo, 'di ba?" he said expectantly. "Mangako ka sa aking titigilan mo na si Axel," sa halip ay mariing utos niya. Napangiwi ito na tila gustong umalma. "At gusto kong hingin ang kooperasyon mo para maiwasan ang arranged marriage sa pagitan namin ni Roald." Bigla ay may dumapo na namang kaba sa dibdib niya dahil sa kakaibang ngiti nito.

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now