Chapter 10

631 10 0
                                    

CHAPTER TEN

NAMUMULANG tinampal ni Avon ang pisngi ni Arius nang buong kapilyuhan siyang hinapit nito at mabilis ngunit mainit na hinalikan sa mga labi. "Grabe ka! Baka may makakita sa atin, ikaw talaga." Hindi na niya nagawang kurutin ito nang magpahabol pa ito ng damping halik bago tumatawang lumayo sa kanya. Natatawa ring ipinagpatuloy niya ang paglakad patungo sa study na pinanggalingan nito. Bahagyang nabawasan ang kaba niya sa pag-uusap nila roon ng ama niya bagaman nagtataka pa rin siya kung bakit kinailangan pang sarilinan nitong kausapin sila ni Arius. "Seryoso ka na ba talaga sa lalaking iyon?" tanong sa kanya ng papa niya habang nakayuko ito sa papel na hawak nito. "Pinapunta n'yo ba kami rito para tanungin kung seryoso kami sa isa't isa?" Tumayo siya sa harap ng oak table nito. "Ang akala ko ay tanggap n'yo na siya at ang relasyon namin. Sinabihan n'yo ba siyang layuan ako?" "Hindi ko na kailangang gawin iyon dahil ikaw na mismo siguro ang gagawa n'on." "Ano'ng ibig ninyong sabihin?" "Gusto ko na sanang isaalang-alang na hindi kita mapapasunod sa pagpapakasal kay Roald. Pero mabuti na lang at nagpaimbestiga ako." Imbestiga? Lalo siyang nalito pero nang iabot nito sa kanya ang hawak na papel ay ganoon na lang ang pagkagitla niya. "It was just a sham. Tulad ng duda ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang koneksiyon niya sa isang Bradt Vergara na dati palang nobyo ng kapatid mo. At mukhang alam mo ang tungkol doon," seryosong wika ng kanyang ama. Hindi siya nakaimik. His face was void of emotion. Pero nahihinuha niyang nagngangalit na ang damdamin nito sa pagkatuklas ng panloloko niya rito. "Talagang gagawin mo ang lahat para suwayin ang pagkakasundo ko sa 'yo!" "Dahil lang sa utos ninyo, sa tingin ninyo sapat na ang lahat ng iyon para magpakasal kami ni Roald? Alam n'yo sa sarili ninyong hindi. Siguro sa iba, oo, kapag natutuhan din nilang mahalin ang taong ipinilit lang na pakasalan nila. Pero kayo, alam na alam ninyong mahirap. Hindi lang para sa 'yo, kundi para na rin kay Tita Emily noon." Natigilan ito. Napangiti siya nang bahagya. "Kung ganoon, tama nga ako. Tita died because of so much sadness, hindi lang dahil sa akin na anak mo sa iba kundi dahil kahit kailan ay hindi mo siya nagawang mahalin." "You might find love but sometimes love isn't enough to conquer it all. I made a mistake pero sa huli, ang mama mo ang nagpasya para sa tama." "Did you really love her?" tanong niya sa mahinang tinig. Hindi niya alam kung bakit bigla ay nasa ganoon silang sitwasyon. Tila iyon ang unang pagkakataong nagkita at nagkakilala sila at noon lang nila naisipang pag-usapan ang taong nag-uugnay sa kanila. "I still do. It broke my heart that I had hurt her so bad. Pero kahit siguro maibalik ko ang nakaraan, hindi ko babaguhin ang mga panahong masaya kaming nagkasama. A part of me died when she walked out of my life. Hindi ko siya masisisi. Pero pinilit ko pa rin siyang hanapin kahit na pagkakataon na iyon para maituwid ko ang aking mga pagkakamali." "Pero hindi na kayo nagkita." "Hindi na. Maybe she was happy that the memories I had with her before she left were good and blissful ones. Pero hindi ako kontento roon. Kaya nang malaman ko ang tungkol sa iyo, kinuha kita, anak." Dagling namuo ang mga luha sa mga mata niya dahil sa init na humaplos sa dibdib niya. Noon lang siya nito tinawag na "anak." "Siguro nga, selfish ang naging pasya ko. Pero ikaw na lang ang buhay na alaala ng mama mo sa akin. Hindi kita inako para lang pagbayaran ang kasalanan ko sa mama mo, ang magpakaama sa iyo dahil guilty ako, at atas ng responsibilidad ko, lalo na ang iparamdam sa iyong ginamit kita para madamay ka sa kasalanan ko sa pamilya ko. I love you and I want you to always be with me. Bukod pa sa kasiyahan ko nang makita ka na nagpapaalala sa masayang sandali namin ng mama mo." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya. "It's the first time you've ever said that. Lagi ka na lang kasing galit sa akin. You're not proud of—" "I'm sorry I made you feel that way. Malaki ang naging sama ng loob sa akin ng mga kapatid mo. Even though I wanted to show you my love, I held back. Ayokong mas lumala ang gap ninyo kapag nakita at naisip nilang iba ang trato ko sa 'yo." "You're trying to manipulate my life. At ngayon, napatunayan mong palabas lang ang lahat sa pagitan namin ni Arius, wala na akong magagawa kundi sumunod sa gusto mo. Ganoon iyon, hindi ba?" "Sa inyo namang lahat." Tumawa ito. "Pero ikaw lang ang malakas ang loob na sumuway sa akin. Okay, I wasn't really glad about your decision to become a musician at first. But what could I do, you're the daughter of the hardheaded woman who I loved. I just had to accept it, though I really tried to change your mind." Namangha siya sa mga sinabi nito. "This is the first time we've had a conversation like this. Anong dahilan?" "I don't want you to think that I'm cruel. Ever. At hindi ko rin kayang masaktan ka lalo ngayong napatunayan kong higit pa sa kung anumang pagkukunwari sa pagitan ninyo ng lalaking iyon ang mukhang nararamdaman mo na para sa kanya." Napakunot-noo siya sa hindi na naman masundang pahayag nito. "Hiwalayan mo ang lalaking iyon. Hindi dahil sa ipipilit ko pa rin sa iyo ang gusto ko. Wala ka nang maririnig sa akin sa kasunduan namin ni Pareng Romualdo. But please, spare yourself the heartache—" "Hindi ko kayo maintindihan." Namangha siya dahil sa pakiusap na nakalarawan sa mukha nito. Pero hindi niya nagustuhan ang sinasabi nito. Why would she do that? Hindi niya magagawa iyon, hindi niya makakayang lumayo sa lalaking mahal niya. "Why did you conspire with him if you knew it all along?" sa halip ay tanong din nito. "Iyon ay sa kabila ng alam mong may plano siyang ipaghiganti ang kaibigan niyang si Bradt kay Axel?" "What?" Gulat silang napalingon sa pinto kung saan naroon si Axel. Her face was grim and cold. "What are you doing here? Bakit hindi ka kumatok?" "Narinig ko na ang dapat kong marinig, Papa. Pero kailangan ninyong ipaliwanag kung ano'ng ibig sabihin n'on." Kapwa sila natahimik at nag-iwas ng tingin dito. Mabilis na lumapit sa kanya si Axel at niyugyog siya nang malakas. "Sumagot ka! Ginawa mo iyon dahil gusto mo akong paglaruan? Nakipagsabwatan ka sa kanila dahil gusto mo akong makitang nasasaktan?" "Axel, it's not what you think," aniyang hindi ito pinigilan sa ginagawa sa kanya. "Liar! Narinig kong alam mong gusto akong gantihan ni Bradt. You conspired with them!" "Stop it, Axel. Hayaan mong magpaliwanag ang kapatid mo." Inilayo ng kanyang ama si Axel sa kanya. "Hindi niya kailanman magagawa iyan sa iyo." "'Wag n'yo na siyang pagtakpan." Halos sumigaw na ito habang matalim ang tingin sa kanya. "Iyon pala ang dahilan kaya i-s-in-et up n'yo ako para magkita kami ng walanghiyang iyon!" Nagtatanong ang mga mata ng papa nila nang tumingin sa kanya. "C'mon, Avon, explain it to her clearly. Alam kong may malalim na dahilan ka sa lahat ng ito." Napalunok siya dahil sa nakikitang sakit at galit na nakabadha sa mukha ni Axel. "Hindi sinasadya ang pagkakatuklas ko sa balak nina Bradt. Noong una, inakala kong nakipaglapit sa akin si Arius para gamitin ako sa paghihiganti sa 'yo kaya naisip kong takutin siyang wala ring mangyayari kung itutuloy niya iyon dahil sasabihin ko sa 'yo ang balak nila kung hindi niya ako susundin." "Pero hindi mo ginawa." Axel smirked. "Kasi natuwa ka sa natuklasan mo." "Dahil naisip kong gawin ko man iyon, siguradong mag-iisip pa rin ng ibang paraan si Bradt para maisakatuparan iyon. I couldn't let him at may kakayahan akong pigilan iyon. I talked to Arius. Hindi rin talaga siya sang-ayon sa ipinagagawa sa kanya ni Bradt kaya pumayag siya na mas maganda kung pagtulungan naming gawan ng paraan na mapag-usap kayo at mapag-ayos." "I don't believe you!" Axel shook her head in disbelief. "Huwag kang magmalinis dahil nandito si Papa." "You know in your heart kung ano talaga ang totoo, Axel." Ipinatong ng papa nila ang mga kamay nito sa balikat ni Axel. "Masyado nang matagal ang galit at hinanakit na iyan para patuloy mong piliting magalit sa kapatid mo." Tila natitigilang napaharap dito si Axel. Pigil niya ang hininga nang humarap ito sa kanya kapagkuwan. "I still hate you." Iyon lang at patakbo na itong umalis. "I don't think she really means it. Bigla na lang tumakbo, eh, hindi iyon nagpapatalo," nakangiting assurance ng papa niya. She had never expected that day would come. Tila walang anuman ang mga taong nagdaan na malamig ang trato nila sa isa't isa. Her father could be like a friend to her when he was like that. Wala na sa anyo nito ang katigasan at kalamigan. Hindi man niya maintindihan ang dahilan kung bakit bigla ay tila lumambot ang kanyang ama sa paniniwala nitong tama na ito ang pumili ng lalaking makakasama niya sa habang-buhay. Nang bigla ay maalala niya ang sinabi nito bago sila pinasok sa study ni Axel. "Para saan po ba talaga ang pag-uusap na ito? Are you telling me that I'm free? Na naiintindihan ninyong nagsinungaling ako para makaiwas sa kasal na iginigiit ninyo?" nananantiyang tanong niya. He nodded. "Pagpasensiyahan mo na sana ang pamimilit ko sa iyo. Naging masamang ama ako sa iyo. Hindi ko lang kasi mapapayagang basta kung sino na lang ang makatuluyan mo. You've never had a boyfriend at nasanay siguro ako roon. Tama ka, natatakot ako na tulad ko ang lalaking magpaibig sa iyo. I don't want you to get hurt. Pero mukhang iyon pa rin ang mangyayari kahit na gustuhin kitang iiwas doon." Napakurap siya sa tila biglang paghihirap ng loob na nababakas niya sa ngiti nito. Then he hugged her so tight that tears started stinging her eyes again in gratitude for her father's warm embrace. Oh, they were tears of joy. "Hindi siya naging tapat sa iyo, Avon. Mahirap mang sa aking manggaling pero kailangan mong malamang niloko ka lang ni Arius." "'WAG MO akong basta talikuran. Avon, ano ba?" Hindi na nakaiwas pa si Avon kay Arius nang bigla itong magpakita sa hallway ng studio kung saan ginanap ang photo shoot niya para sa isang magazine kung saan siya ifi-feature. Hinagip nito ang braso niya at pilit siyang iniharap dito. Nakakunot-noo ito pero nasa boses ang tila paghihirap. "What's wrong, babe? Puwede bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo ako iniiwasan?" She willed herself to stay calm and collected. "Ano'ng hindi malinaw sa sinabi ko? Tapos na ang pagkukunwari natin. Hindi ko na kailangan ang tulong mo." "Iyon nga ang hindi ko maintindihan! I thought we already shared something far beyond the charade we had both agreed on. 'Akala ko ba, nagkaintindihan na tayong higit pa sa pagkukunwari ang namamagitan sa atin? Pero ngayon, sinasabi mo iyan na parang simpleng transaksiyon lang ang ginawa natin. Avon, did you understand when I said I loved you?" She sucked in her breath. God, why did he have to make it so hard for her? She tilted her face and met his gaze. "I don't need to pretend in front of my family anymore." "Hindi na lang ito dahil doon. For God's sake, what about us? I didn't like the way you brushed me off the other day pagkatapos mong kausapin ang papa mo. Ano ba'ng sinabi niya sa 'yo para maging ganyan ka kalamig sa akin? Hindi ko gusto ang hindi mo pagpansin sa tawag ko, ang pag-iwas mo sa akin, 'tapos ngayon ito." Dahil alam ko nang niloko mo lang ako! gusto sana niyang isigaw rito. Pero kagaya noon sa bahay nila pagkatapos sabihin sa kanya ng papa niya ang kasinungalingan ni Arius, nanatili siyang kalmado sa harap nito kahit sa loob-loob niya ay gusto niyang ibulalas ang sakit na nararamdaman niya. Tinangka niyang tumalilis palayo rito pero nagulat siya sa pagsulpot ng isang matangkad na babae. Napipilan siya nang mamukhaan ito mula sa report na ibinigay sa kanya ng papa niya. "Melanie..." nakamaang na sambit ni Arius. Tila may dumagok sa dibdib niya dahil sa kompirmasyong ito nga ang babae sa buhay ni Arius. Ang nobya nitong wala siyang kaalam-alam na mayroon ito dahil hindi man lang nito pinagkaabalahang sabihin sa kanya. Why would he? Bakit ba hindi mag-sink in sa iyong inilihim niyang may nobya siyang modelo na nasa malayo kaya naman libre siyang makipaglaro? And you gave him that satisfaction nang ialok mo sa kanya ang pagkukunwari ninyo. Bonus pang hinayaan mong mahulog ang loob mo sa kanya. But he didn't know anything about the latter. At hindi na nito kailangan pang malaman ang katangahan niya. "I didn't expect to find you here. Kasama ang babaeng kalaro mo habang wala ako," malamig na wika ni Melanie. Nagagahol na tumingin sa kanya si Arius. "Avon..." Mabilis niyang iniiwas ang sarili sa paghawak nito. "Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. Mabuti at dumating na ang nobya mo. Hindi ka na maiinip at maghahanap ng pampalipas-oras mo," matigas na pahayag niya. "You know about her already?" Namutla ito. "I can explain this, please." "How dare you, Arius! Sa akin ka dapat magpaliwanag dahil sa natuklasan kong ito." Galit na nagpalipat-lipat ang tingin ni Melanie sa kanila. "Wala naman siyang masyadong dapat na ipaliwanag sa 'yo. Kung anuman ang iniisip mong namamagitan sa amin, mali iyon. Nagtulong lang kami sa isang misyon at ngayon tapos na iyon," aniya sa babae pero na kay Arius ang nanunumbat na tingin niya. "Hindi ba?" "Avon, ano ba 'yang sinasabi mo? Don't you know in your heart that what I said was true? Hindi ako nagkukunwari lang sa lahat ng ipinakita ko sa iyo," desperadong sabi nito. She bit her lip to keep herself from doing something stupid. The part of her that was crazy about him wanted her to throw herself at him and just listen to his lies. Pero alam niyang walang silbi iyon. Lalo pa nang sulyapan niya si Melanie, who had a hurt look in her eyes. Napangiti siya nang mapait. "Hindi naman na importante kung totoo man iyan. Basta tapos na ang lahat. Salamat na lang sa naitulong mo." Tila may bakal ang mga paang lumayo siya sa mga ito. Arius seemed want to go after her pero mabuti at naroon si Melanie para pigilan ito. Mabuti? gagad ng isang bahagi ng isip niya. Pero bakit kailangan niyang labanan ang sarili sa kagustuhang bumalik sa tabi nito at itanong dito ang pag-asang idinulot sa kanya ng mga bagay na ginawa nito para sa kanya? Did he really mean it when he said he loved her? It took all her might to stop herself from doing that. Instead, she let herself cry. She shouldn't believe in the affectionate gestures and loving words that had come from him. It was all for show. And if it wasn't, if ever it wasn't, she still couldn't return these feelings because she couldn't hurt someone just to have the happy ending she thought she could have with him.

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now