Chapter 3

1.1K 15 0
                                    

CHAPTER THREE

KINAKABAHANG tiningnan ni Avon ang estrangherong lalaking naging tagasalo niya nang malaglag siya sa puno. Pinilit niyang maging kaswal ang pagkilos. "Hindi ako gate-crasher kung iyan ang iniisip mo." "Alam ko." Napakunot-noo siya. "Alam mo?" "You're invited to this party, aren't you? Nakita ko pang nakipag-usap ka sa tatay n'ong celebrant. May escort ka rin—" "Do you plan on following my every move?" Pinasadahan niya ito ng tingin. Pormal ang kasuotan nito katulad ng ibang naroon. "Teka, ikaw ba 'yong lumapit sa akin kanina?" Pero higit yata ang kabang naramdaman niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya matagalang salubungin iyon. Ayaw man niya ay lumapit siya rito para kunin ang kapares ng sapatos niyang nasa paanan nito. "Yeah. Napansin mo pala ako no'n." "Hindi mo personal na kakilala ang celebrant, ano?" kaswal na tanong niya sa halip na magkomento sa sinabi nito. Oo at hindi nga niya pinansin kanina ang presensiya nito dahil okupado ang isip niya. But she remembered his baritone voice. And now that she was paying attention, she realized that the man had gorgeous looks to go with that husky voice. "No, I don't. Pero ikaw, mukhang oo. Kaya bakit kinailangan mo pa yatang gamitin ang puno para tumakas?" "Hindi ako tumatakas. I just found it exciting. Hindi naman siguro nakapagtatakang adventurous ako," palusot niya. She tried to sound normal. Pero mahirap yatang gawin iyon kung ganoong lantaran nitong pinapasadahan ang kabuuan niya. Hindi niya alam kung bakit pero karaniwan nang naiinis siya kapag ginagawa iyon ng mga lalaking nakikilala niya. Pero pagdating dito ay tila ninenerbiyos siya, lalo at mababakas sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. "Really? Then you'd better get inside para mapatingnan kung malubha ba ang pagkakabagsak mo mula sa adventure mo." Tumingala ito. "May-kataasan din ang pinaghulugan mo. Sana, kinuha mo na lang ang atensiyon ko. Willing naman akong saluhin ka sa mga bisig ko, kaysa naman ang likod ko ang sumalo sa buong bigat mo." Nakangiwing iginalaw-galaw nito ang leeg nito.

Nakonsiyensiya naman siya dahil alam niyang nasaktan ito nang dito siya bumagsak nang mawalan siya ng balanse. "Kaya nga pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya. Nasaktan din naman ako, baka akala mo." Napasinghap siya nang basta na lang nitong kunin ang kanang kamay niya at bahagya iyong itaas. Nakita niya ang mahigit isang pulgadang gasgas doon na siyang dahilan ng nararamdaman niyang kirot. Bumaba ang tingin nito sa kaliwang paa niya. "I can see that quite clearly. Kaya mabuti pang mapatingnan na iyan." Ang bilis naman ng mga mata ng lalaking ito. Pati ang gasgas sa sakong niya ay hindi nakaligtas dito. Nataranta siya nang hilahin siya nito. "T-teka! Wala lang ito. Pauwi na rin ako. Sa bahay ko na lang lilinisin ang mga ito." Nagpilit siyang makawala at hinayaan naman siya nito. Pero nang akmang kukunin uli niya ang sapatos ay iniiwas nito iyon. "May iniiwasan ka ba rito, Miss?" he asked, probing. "Wala!" Napangiwi siya dahil sa pagiging defensive. "Para sabihin ko sa iyo, Mister, walang kuwenta 'yang hinala mo sa akin. Kapatid ko ang birthday celebrant." Natigilan ito. "Sister mo si Axel?" "Oo, bakit?" "I-I'd like to personally meet her," tila wala sa loob na sabi nito. May kung anong pumitlag sa loob niya dahil doon. "So, you're interested in my sister, then. Eh, bakit nandito ka? She'd be glad to meet someone like you." Ngumiti ito. "Pero bakit ikaw, hindi ka yata natutuwang kausap ako?" Napairap siya. "You're rather conceited, aren't you?" Tumawa ito. "Gusto ko lang malaman." Muntik na siyang mapakandirit sa gulat nang unahan siya nito sa pag-abot ng sapatos niya. Tila napapasong nabawi niya ang kamay niyang nasangga nito. Avon, OA ka. Parang daliri lang ang dumikit sa iyo, kulang na lang kuryentihin ka, saway niya sa sarili. "Give me my shoe. Sinasayang mo lang ang oras ko, eh." "Umamin ka muna sa akin na may tinatakasan ka. Do you think I'd just buy your alibi? Masakit din pala ang madaganan kahit katulad mo pang maliit na babae. Dapat lang na malaman ko kung bakit naglambitin ka pa sa punong iyan." She sighed in exasperation. "Meron nga, mga mafia," pamimilosopo niya. "Ano, masaya ka na?" Iniabot nito ang sapatos niya. "Do you have a car?" "Ang dami mong tanong." "Mas gugustuhin mo bang mahirapan pang umalis dito o tatanggapin mo ang tulong na iaalok ko sa iyo?" Nagtatakang tiningnan niya ito na ginantihan lang nito ng makahulugang ngiti.

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now