CHAPTER FOUR
"KNOCK it down, oh, yeah... Don't ever give a damn..." Avon kept nodding as she sang passionately. Pinipigilan niya pero minsan ay wala sa loob niyang naipapadyak ang kaliwang paa. But even with the slight pain, she felt so energetic, so alive, as if it was her very first time there up on stage. Naaaliw siyang makita na nagkakasiyahan ang mga ito, sumasabay sa bigay-todong pagkanta niya. She would never exchange performing in front of appreciative crowd for anything. Sa pagkanta niya ay nagagawa niyang maging malaya at mailabas ang saloobin. Napansin niya si Arius nang mapatingin siya sa audience. He was staring at her. Ayaw man niya ay nakaapekto iyon sa konsentrasyon niya. Pinilit niyang alisin dito ang tingin pero tila kinailangan pa niya ng willpower para magawa iyon. Hindi niya inaasahang magkikita pa uli sila nito pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila nang nagdaang gabi. Gusto niyang isisi sa nainom na alak ang pagkawala niya sa sarili. But who was she kidding? She didn't protest when he kissed her. In fact, she kissed him back, as if she had been eager for him to do that. Mabuti na lang at hindi sila humantong sa pagsisiping sa kama, although pagkagising niya ay natagpuan niya ang sarili sa isang estrangherong silid at katabi niya si Arius sa kama. Sigurado siyang walang namagitan sa kanila dahil kompleto pa ang mga damit na suot niya at wala rin siyang nararamdamang kakaiba sa katawan niya. But the fact that she had spent a night with a stranger and had shared a passionate kiss with him was enough to make her feel ashamed. At tuwang-tuwa sa pagkapahiya niya ang hudyo! Nagkukumahog siyang umalis ng bahay nito. Inalok siya nitong ihahatid siya pero tumanggi siya. Ipinagpapasalamat na lang niyang nasa tamang pagiisip pa rin ito kaya walang namagitan sa kanila. Pero iyon ang lalong nagpakaba sa kanya. He had kissed her when he was still sober enough to know what was right and what was wrong. Ang ibig sabihin, totoo sa loob niya ang mainit na pag-angkin sa mga labi mo, lalo na ang pagsasabing mas interesado siya sa iyo kaysa sa kapatid mo na parang ipinagputok pa ng butse mo, anang malditang boses sa isip niya. Pilit niyang sinaway ang sarili sa kilig na kataka-takang nanuot sa pandama niya. Ilan na ba ang lalaking nagpahayag ng pagkagusto sa kanya? She wasn't interested in a relationship, seryoso man o hindi. So why did she give a damn whether he was interested in her or not? Nadama niya ang pasimpleng pagdunggol ng lead guitarist na si Maude sa kanya nang mahuli siya sa pagpasok sa coda ng kanta. Ngali-ngaling irapan niya ito sa nakalolokong ngising ibinigay nito sa kanya. She just closed her eyes to avoid Arius's stare. "If it feels like everyone has turned their backs on you, you know you can stand even if the world falls on you." Halos mabingi siya sa malakas na hiyawan at palakpakan ng audience. Ang mga mata niya ay awtomatikong dumako sa puwesto ni Arius. Nagbabaan na sa entablado ang mga kasama niya pero siya ay tila namatanda roon. "Hoy, Avon! LFAWBE ka pa riyan. Gusto mong ituloy ang last set natin nang solo ka? Sige, simulan mo na," malakas na untag ni Gage sa kanya. Ito ang bahista ng banda nilang Accented Beat. "Ano naman 'yang LFAWBE na 'yan? Bagong syndrome?" tanong ng drummer nila na si Andric. "Ano pa nga ba? Looking far away with beautiful eyes. Pauso ni Avon," tugon ni Gage. "Maharot na espiritu, lumabas ka sa katawan ng babaeng 'to," ani Andric, niyuyugyog siya nang malakas. Naiinis na tinampal niya ang noo nito. "Tatamaan ka sa kaharutan mo." Natigilan siya nang makita niya si Arius sa harap niya habang pababa siya ng stage. Napatitig siya sa kamay nito na nakalahad sa kanya. "Iyon, eh! Girl na girl ang Pareng Von natin. Pero sino naman itong gentleman na hombreng ito?" tanong uli ni Andric. "Si Arius. Kaibigan ng kapatid ko." Iyon na lang ang nahagilap niyang sabihan sa pagkataranta sa presensiya nito. She didn't want her bandmates to notice that there was something between her and Arius. Natagpuan na lang niya ang sariling iniaabot ang kamay rito. Inalalayan siya nito sa pagbaba hanggang sa paghila ng upuan para sa kanya. Seryosong pinagsalikop ni Maude ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Tutal at humaharap sa atin itong si Lalaki, mabuting umpisahan na at nang makaliskisan. Ikaw lalaki, handa ka bang pakasalan si Babae sa lahat ng simbahan?" "Malapit nang may paglamayan at idadaan sa simbahan." Nagbabantang tiningnan niya ang mga kaibigan. Itinikom nga ng tatlo ang mga bibig ng mga ito pero nanatiling nakakaloko ang mga ekspresyon. "It's up to Avon," pakikisakay ni Arius sa kalokohan ng mga ito na umani ng reaksiyon sa mga kasamahan niya. Binigyan niya ito ng nagbabantang tingin pero balewalang ngumiti lang ito sa kanya. Sinipat nito ang sugat niya sa braso. "Mabuti naman at inasikaso mo agad iyang sugat mo." Agad din nitong binawi ang kamay pero sapat na ang saglit na pagdaiti niyon sa balat niya para hindi siya makahuma. "'Oy, we're missing something! Ano 'yan? Von, namumula ka, ah. Bakit sa akin hindi ka nagkaganyan?" sumbat ni Maude. "Malamang, immune na siya sa iyo." Nagulat silang lahat sa nagsalita pero siya ang unang nakabawi. "Naylor! Ang laki mong kabute, ah." Agad siyang inakbayan nito pagtayo niya. "Hello, babe! Mukhang lagi kang kinokonsumi ng mga ito, ah." Kumunot ang noo ni Arius. "Honey, ang suwabe mo. Pa-kiss nga ako." Binitiwan siya ni Naylor nang lumapit si Gage dito at paulanan ito ng halik sa mukha. "'Langya ka, Gage. Ilang taon mong pinakatago-tago, sa akin mo rin ilalabas." Hindi sila magkamayaw sa pagtawa sa dalawa. "Ganoon talaga. Masuwerte ka nga, habang tumatagal, lalong sumasarap. Ini-reserve ko talaga para sa iyo ang virginity ko," pabaklang wika ni Gage na ipinilantik pa ang mga daliri. "Hoy, mahiya nga kayo! May hindi matatag ang sikmura dito," sawata ni Andric. Napabaling silang lahat kay Arius na tila pilit ang ngiti. "Loko, lagot ka. Bigla ka na nga lang sumulpot, gusto mo na agad um-extra. Pinag-uusapan na nga ang pagharap sa simbahan." "Kadarating ko nga lang, eh, sisisihin n'yo agad ako?" kunwari ay nagtatampong wika ni Naylor. "Wala akong alam sa ginawang pamimikot ni Avon sa kanya." Napasimangot siya. Expect her bandmates to tease her to the point of irritation. Bukod sa pagkanta, ang pagkukulitan at pag-aasaran ang isang bagay na lalong nagpapatibay sa samahan nila. Napalapit siya sa banda nang magsimula siyang sumama sa nakababatang kapatid ni Maude na si Anissa—na ka-sister niya sa sorority na Iota Theta— tuwing manonood ito ng performance ng banda. Nasa huling taon siya sa kolehiyo nang muntik nang ma-disband ang grupo nang mag-quit ang vocalist at rhythm guitarist na si Naylor. Napilitan itong bitiwan ang banda upang harapin ang responsibilidad nito sa family business ng mga ito. She believed in the talent of the group. Malaki ang paniniwala niyang malayo pa ang mararating ng mga ito. Naisip niya noon na hindi maaaring ganoon na lang matapos ang ilang taon na pagtugtog ng mga ito. Kaya nagprisinta siyang pumalit kay Naylor at walang pagaalinlangan naman siyang tinanggap ng banda na labis niyang ikinatuwa. Pero ilang buwan pagkatapos niyang g-um-raduate ay napagkasunduan nilang mag-lie low muna ang banda. Nalungkot siya pero naintindihan niya na kailangang bigyang-pansin ng mga ito ang kanya-kanyang responsibilidad sa mga family business ng mga ito. But maybe, they were really destined to rock. Magdadalawang taon na mula nang buuin uli nila ang grupo. They all got together again. And this time, they were more enthusiastic and serious about their passion. Bagaman hindi na maiaalis na may ibang obligasyon ang mga ito na kailangan ding harapin ay nagawa na ng tatlong isabay iyon sa pagtugtog ng kanilang banda. Hindi tulad ko. "Lumayas ka na nga rito. Magkulong ka na lang sa apat na sulok ng opisina mo," pagtataboy niya kay Naylor. "Pinagiba na ang opisina ko. Sinipa ako palabas ng kompanya. Wala na akong trabaho. Kaya dapat, damayan ninyo ako," tumatawang sabi nito. "Pumunta ka rito para ibalitang isa ka nang dakilang bum? Congrats!" nakangising sabi niya. "Kailangan ko ng trabaho, bigyan ninyo ako. Tutal, sikat na kayo, kumuha na kayo ng alalay na kasing-hot ko." "Nawalan ka nang trabaho't lahat, sa huli, babanat ka pa rin ng kayabangan. Iba ka talaga fafa Naylor." Minasahe ito ni Gage. "Kung gusto mo, palitan mo na lang si Pareng Von. High-maintenance 'yan, gamot pa lang." "Puwedeng ako na ang magbigay ng maintenance niya. Ano ba'ng gamot niya? Mayroon ba 'yong generic?" singit ni Arius. Kulang na lang ay gumulong sa mesa ang mga kabanda niya dahil sa kakatawa. Naniningkit ang mga matang humalukipkip siya. Pinukulan niya ng masamang tingin si Arius na sinuklian lang nito ng matamis na ngiti. "'Naku, Arius! Yari ka! Pinagtatawanan mo si Avon. Lahat ng nagtawa diyan, kinagat niyan," babala ni Maude. Nakangiting tinitigan siya ni Arius. Ngali-ngaling angilan niya ito pero sa halip ay nginitian na lang niya ito nang matamis. "I'm going to the ladies' room. Magpapaganda na lang ako for the next set kaysa makinig sa mga impaktito." Pero sa totoo lang ay gusto talaga niyang iwasan ang nakakapasong tingin nito. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita si Roald na papalapit sa kanya. "Were you expecting me, Avon?" nakangiting tanong nito sa kanya. "What are you doing here?" Padarag siyang napatayo mula sa silya niya. "I wanted to watch you perform. Your band is great, according to Alexis." "Naniwala ka naman doon. Siyempre, biased siya dahil kapatid niya ang bokalista." "Ikaw, Avon, pinupuri na nga, sasalungatin mo pa. Hindi ka na lang matuwa na dalawang fafa ang humahanga sa 'yo—este, sa banda pala," angal ni Andric. "Tama ka naman sa mga sinabi mo, pare. Hindi ko naman balak ilihim ang paghanga ko," ani Arius. "Arius, huwag ka ngang magbiro nang ganyan." Pasimple niya itong pinandilatan. "Huh? But I'm not. Bakit mo naman nasabi iyan? Hindi ko pa ba naiparating kagabi sa iyo?" naghahamong tanong nito. Her mouth went dry when she saw the emotion that lit up his eyes. Nang nagdaang ay halos mapaso siya sa mga tingin na ibinibigay nito sa kanya. His searing gaze that seemed burning right into her very core. "Teka, ano'ng pinag-uusapan ninyo? Huwag ninyong sabihing magkasama kayo sa kung saan kagabi?" pananalakab ni Andric. Napasinghap siya nang malakas sa sinabi nito. "Sa pagkakatanda ko, tayo ang magkasama at magkausap kagabi sa party ng kapatid mo. Hindi ba, Avon?" singit ni Roald. "Alam ko. But I just let Avon mingle with her friends and acquaintances. I don't want to be accused of being possessive, though I couldn't really avoid it," sagot ni Arius. Nababaghang napatingala siya rito nang tumayo ito at tumabi sa kanya. What was he saying? Por que ba may hindi kaaya-ayang namagitan sa kanila ay iniisip nitong may karapatan itong magsalita nang ganoon? "Naku, ha! Mukhang may love triangle na namumuo." Nainis siya sa malisyosong tingin sa kanila ng mga kabanda niya. "Hindi ganoon iyon." "Tingin ko, ganoon na nga iyon. Napag-usapan na natin kagabi, 'di ba? We'll have to get to know each other better," pagpapaalala ni Roald. Bumaling ang nagdududang tingin ng mga kabanda niya rito. "Whoa! Ang dami mo palang nakikilalang fafa, hindi mo man lang kami isinama. Dala-dalawa pa'ng escort mo, swapang ka!" ani Gage. "Sa pagkakatanda ko, ako ang escort mo, hindi ba, Avon?" ani Roald. Marahang humawak ang kamay nito sa braso niya. "May basbas pa iyon ng papa mo at sinabihan niya tayong i-enjoy ang company ng isa't isa." Parang nabitin ang kanyang paghinga sa pangambang sabihin nito ang tungkol sa kasunduan ng mga ama nila na ipakasal sila. He didn't. Pero sa pamamagitan ng tingin ay tila ipinapaalala nito iyon sa kanya pati na rin ang ginawa niyang pag-iwan dito nang nagdaang gabi sa party. "Ano ba'ng kailangan mo, Roald? You know, you could just call me—" "Ikaw ang escort?" singit ni Arius. Pumalibot ang malaking kamay nito sa kabilang braso niya. "Eh, ano sa tingin mo ang tawag sa nobyo ng babaeng pinopormahan mo?" Napasinghap siya nang marahas sa sinabi nito. "Nobyo? Sino? Ikaw?" gulat na gagad ni Roald. Arius didn't respond but the impish smile on his lips as he pulled her close to him was enough to make the people around them think something was going on between them. Siya, boyfriend ko? Gusto niyang singhalan at sipain ito para matauhan nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya.
YOU ARE READING
Pretensions And Lies - Haze Prado
RomanceKontento na si Avon sa simpleng buhay na mayroon siya. Nagsimula lang magulo ang mundo niya nang makialam ang papa niya sa pagpili ng lalaking pakakasalan niya. Nang gabing ipinakilala siya nito kay Roald ay iyon din ang gabing nagkrus ang mga landa...