Chapter 11

1.3K 25 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

TILA naalimpungatan si Avon sa paghigit ni Roald sa kanya. Kung hindi pa siya nito hinila ay tuluyan siyang bumangga sa tumatakbong batang makakasalubong niya. "Mukhang malalim ang iniisip mo," nakangiting puna nito. Tipid na ngiti ang iginanti niya. Bahagya niyang nilingon ang batang buhat na ng ama nito bago ipinagpatuloy ang paglalakad. "Gusto mo nang umuwi? Kanina pa rin naman tayo naglilibot dito sa mall," sabi nito nang manatili siyang tahimik. Umiling siya. "Ikaw, pagod ka na? Pasensiya na. Pinakiusapan ka pa ng papa ko na aliwin ako. Pero hindi naman talaga kailangan. Naabala pa tuloy kita." "Are you really sure about that? Pakiramdam ko kasi, kailangan mo ng tagapigil kung sakaling maisipan mong magbigti rito sa mall," biro nito. "I'm glad you didn't get mad at me, Avon." "Wala namang dahilan para magalit ako sa iyo. Inutusan ka lang din ng papa mo na sundin ang kasunduan nila ng papa ko. Siguro, hindi ka lang makatanggi—" "Parang ako ang nagbigay ng ideya sa kanya sa kasunduang iyon. Napansin kasi ng papa mo na lagi akong nagtatanong tungkol sa iyo ever since that day I saw your picture at your house. Maybe he knew instantly that I was interested in you." Natitigilang sinulyapan niya ito. "You're kidding, right?" "No. Pero hindi mo kailangang kabahan. It's only admiration, but not enough for me to force myself on you. Noong una kasi, 'sabi ni Tito Alex, wala ka namang nobyo kaya naisip kong okay lang naman siguro kung subukan kong kilalanin ka. 'Kaso, iyon nga—" "Kung ako ang tatanungin mo, mas dapat na kay Axel ka nagkagusto. Alam mo naman na sigurong anak ako sa labas." "Kailan ko lang din nalamang hindi si Mrs. Verona ang tunay mong ina. At bakit mo naman ako itinutulak sa iba at doon pa sa may mahal na ring iba?" Hindi siya nakahuma sa obvious na kahulugan ng sinabi nito. Mukhang alam na rin nito ang nangyari sa pagitan nila ni Arius. "I'm sorry, Roald. Pero 'wag mo sanang isiping maarte ako or anything na negatibo dahil sa naging pagtanggi ko sa pagkakasundo sa atin. Hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko sa pagmamanipula noon sa akin ni Papa. You're a very good man, aside from the fact that you possess the qualities of an ideal guy. It's just that—" "I'm pleased to hear those compliments from you, Avon. Salamat sa paglilinaw dahil muntik ko nang isiping I'm not attractive enough to stop you from wanting to get away from me. But really, I understand. Kaya nga tayo magkasama ngayon, gusto kong makatulong sa nagpapabigat sa loob mo." Nahigit niya ang hininga sa sinseridad at concern nito. She hadn't expected that from him. "Talaga lang, ha?" "Uh-huh. So tell me, gusto mo bang sapakin ko ang Arius na iyon? He has no right to make you sad." Kunwari ay inirapan niya ito habang patuloy sila sa walang direksiyong paglakad sa loob ng mataong mall. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan. Kung talagang seryoso ka, eh, di sugurin mo siya. Malay ko ba kung nasaan siya," kunwari ay pasupladang tugon niya. "Kung magsalita ka, parang wala ka nang pakialam sa kanya. Sigurado ka na ba riyan?" Natigilan siya at dagling umiwas sa nang-aarok na tingin nito. "Bakit ba napunta riyan ang usapan?" "You love him. That much. Kaya tinatanong ko kung ayos lang ba sa iyong bigyan ko siya ng leksiyon. Baka mamaya kasi, bawiin mo, ako pa'ng tamaan sa iyo." "Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo?" Nagbuga siya ng hangin. "Could we not talk about him? Iniiwasan ko na rin kasi siyang isipin, lalo pa't wala na kaming pakialam sa isa't isa." "'You sure? Mukha kasing hindi. He seems determined to get you back." "Ang kulit mo." Nasundan niya ang tinitingnan nito. Ganoon na lang ang pagsikdo ng dibdib niya nang makita sa di-kalayuan si Arius. "BAKIT kasama mo ang lalaking iyon?" Tumaas ang isang kilay ni Avon sa nahimigang paninita sa boses ni Arius. Sinulyapan niya si Roald. Hindi niya alam kung bakit sa halip na gawin ang sinabi nitong gusto raw nitong bigyan ng leksiyon si Arius ay hinayaan pa nitong magkausap sila nang sarilinan. She wanted to avoid Arius but it seemed that it wasn't so easy. Kung bakit hindi yata ito matahimik at nagpipilit na lumapit sa kanya sa kabila ng pag-iwas niya. "Sabihin mo na kung ano man ang sasabihin mo," aniyang hindi nakatingin dito. "At sana, makaintindi kang ito na ang huling pagkakataong—" She gasped when he forcefully gathered her in his arms. "I'm sorry, babe. I really am. I didn't mean to lie to you." "Sinabi ko nang hindi mo kailangang humingi ng tawad o kahit magpaliwanag," aniyang hindi magawang gumalaw hindi lang dahil sa higpit ng yakap nito. Para siyang biglang nawalan ng lakas sa muling pagkakalapit nilang iyon. "But I want to," he firmly said. Bahagya itong lumayo at ikinulong sa mga palad ang mukha niya. "Kasi, hindi ako papayag na hindi ko malinaw ang maling akala mo sa akin. Kasi, kailangan kong makumbinsi kang mahal kita at hindi ko ginustong ilihim sa iyo ang tungkol kay Melanie dahil sa gusto ko lang maglaro habang wala siya. " She was stunned, then she shook her head frantically. Parang bomba ang naging dating sa kanya ng ipinahayag nito. "I love you," he solemnly said. "Alam kong hindi ka agad—" "No! Don't say that. Hindi mo puwedeng sabihin iyan." Pilit siyang kumawala rito. Tatakbuhan na sana niya ito nang maagap na mapigilan siya nito sa braso. "Pero iyon ang nararamdaman ko. At alam kong nararamdaman mo ring totoo ang sinasabi ko. Didn't you feel that when we were together? You made me fall in love with you," giit nito. Lalong nakadagdag sa pagkalito niya ang helplessness sa boses nito. But she willed herself not to show it to him. Hindi siya dapat matuwa sa sinseridad at paghihirap na nakalarawan sa mukha nito. Hindi niya dapat pakinggan ang paliwanag nito. Dahil doon pa lang ay gusto na niyang bumigay dahil sa utos ng puso niyang paniwalaan ito. Pero naiisip niya si Melanie. "Mali ka sa kung anumang inaakala mo," mahina pero matigas na wika niya. She should get on with it fast because she knew that another minute with him, with that pleading look in his eyes, would make her lose her resolve. Na hindi niya kailanman magagawang manakit ng iba para pagbigyan ang sarili niya. "Whatever you felt for me while we were in the middle of our scheme, wala na akong pakialam doon. Kalimutan mo na lang iyon, lalo pa't siguradong magiging madali na iyon sa iyo dahil nariyan na ang nobya mo. Na-realize kong hindi ko na dapat tinikis pa si Roald para lang pasakitan si Papa." "Ano'ng sinasabi mo?" natitilihang tanong nito. Nagtaas siya ng noo kahit pakiramdam niya ay bibigay na agad siya sa kasinungalingang balak niya para tumigil na ito. "Gusto ko lang magrebelde kay Papa kaya pilit kong nilalayuan si Roald. Pero ngayong nagkaintindihan at nagkakasundo na kami, wala nang dahilan para iwasan ko pa si Roald." "You're lying." Umiling ito. "Ako ang mahal mo. Aayusin pa natin ito, Avon. Just give me another chance para mapatawad mo." Umiling siya. "Napatawad na kita. Pero mali ka, walang maaayos sa pagitan natin. Dahil sa simula pa lang, wala namang namamagitan sa atin. Thank you for your cooperation." Pilit niyang binaklas ang kamay nito sa kanya. Nagawa niyang makawala dahil sa pagkatigagal nito. NARAMDAMAN ni Avon ang pagsunod ng kung sino sa likuran niya habang naglalakad siya sa hallway ng studio ng isang variety show kung saan may performance sila para sa promotional tour ng first album ng Accented Beat. Pero bago pa man siya makalingon ay naramdaman na lang niya ang pag-angat niya sa sahig. "Hey, wait!" Napatili siya sa takot na mahulog nang walang ingat siyang ipasan ng kung sino sa balikat nito. Agad ang pagdagsa ng kaba sa kanya dahil sa pangahas na iyon na tumatangay sa kanya. Lalo siyang nahintakutan nang wala siyang makitang tao na maaari niyang hingan ng tulong. Nakababa na sila ng hagdan nang mahanap niya ang boses para humingi ng tulong. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang paglapit ng lalaking may pasan sa kanya sa isang kotseng naroon din sa parking ay makilala niya ang nagbukas ng pinto. "Bradt?!" Ngumiti ito sa kanya bago siya ipinasok sa loob ng sasakyan. Binayo niya ang bintana ng kotse nang hindi niya iyon mabuksan at nagsimulang umandar ang sasakyan. Lumingon siya sa driver at tila nalulon niya ang kanyang dila nang makita niya si Arius. "Surprised?" Nakakalokong ngumisi ito habang nakatutok pa rin ang tingin sa harap. "A-ano 'tong ginawa mo?" "Hindi naman obvious, kidnapping." "Huwag mo akong niloloko!" "Hindi naman 'to lokohan." "Ibalik mo ako roon," utos niya. "Narinig mo ba ako?" "Oo. Pero wala akong balak na sundin ka. Bakit ko gagawin iyon pagkatapos kong magpakahirap na dukutin ka?" "You're nuts! May performance ako roon! Ano'ng mangyayari kapag nalaman nilang nawawala ako?" "Eh, di hahanapin ka nila." "Arius!" Napipikong sinuntok niya ito sa braso. "Anong pakulo ito?" "You won't listen to me. Well I'm resorting to something drastic to make you." "Bakit ba ang kulit mo? Sinabi kong okay na!" "Hindi! Paano akong magiging okay, eh, magpapakasal ka na sa Roald na 'yon? Sino ang mas nababaliw sa ating dalawa?" "A-ano naman sa iyo?" "Sinabi ko nang hindi ako papayag." Naiinis na nagbuga siya ng hangin. "Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Okay, hindi ko nga nabanggit sa iyo ang tungkol kay Melanie. I thought I was a one-woman man. Nang pumayag akong gawin ang plano ni Bradt, ang inasahan ko lang magiging problema ko ay ang tungkol kay Axel at sa guilt na dulot ng masamang intensiyon ko sa paglapit ko sana sa kanya. "Pero hindi ko napaghandaan ang mas matinding emosyon na ginising ng rakistang babae na hindi sinasadyang nakilala ko at nagpabago nang husto sa isip ko. She made me forget my mission while I was with her. Nakiayon pa nga ako sa bagong plano mo para kina Axel at Bradt. I even agreed to be your pretend boyfriend para maiwasan ang arranged marriage na inaayawan mo." "Maybe because you didn't have a choice kundi ang tulungan ako kina Axel. Nakisakay ka rin sa pagpapanggap na magnobyo tayo na ikaw naman talaga ang nagsimula because you found it very amusing. May instant na mapaglilibangan ka pa habang nasa ibang bansa ang modelong nobya mo," litanya niya na labis na tinutulan ng puso niya. "You got it all wrong. Wala na nga akong naging pakialam sa problema nila ni Bradt dahil ang tanging nasa isip ko nang sabihin mo ang plano mo sa kanila ay mas may pagkakataon na akong makasama ka. Do you know how thrilled I was when you asked me to pose as your boyfriend? I was more than willing to say 'yes' because I really wanted that chance to be with you." "Iyon ang mga dahilan mo gayong may nobya kang pinanghahawakan pa rin ang relasyon ninyo? Alam mo kung ano'ng nararamdaman ko sa sinasabi mong iyan? Na nang-aagaw ako ng boyfriend at nasasaktan ko ang damdamin ni Melanie. At ayokong maging ganoon ang labas ko dahil nakita ko ang paghihirap ni Tita Emily dahil ang mama ko ang mahal ni Papa hanggang sa huli." Hindi niya napigilan ang mapapiyok. "Hindi mo ako inagaw sa kanya!" mariing tanggi nito. "Please stop this, Arius. 'Wag mo nang pagaanin ang sitwasyon sa pagsasabi niyan." Napasulyap siya rito na hindi na maipinta ang ekspresyon ng mukha. Inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada. "Alam mo, hindi magugustuhan ng papa ko kapag nalaman niyang kasama ko ang tulad mong manloloko," aniya sa pag-asang titigilan na nito ang paggigiit ng sarili sa kanya. Kahit pa nga ba gusto niyang siya na ang sumuko rito at kalimutan ang guilt niya. Dumako ang kamay nito sa baba niya at ganoon na lang ang singhap niya dahil halos nahuhulaan na niya ang susunod na aksiyon nito. "Wala na akong pakialam ngayon kung ano'ng gusto niya o ng kahit na sino pa. Ang mahalaga lang, maintindihan mong hindi ako papayag na mapunta ka sa iba." Considering how close their lips were, and the not so distant past they shared, the kiss shouldn't have surprised her. Nevertheless, she stiffened in shock when his mouth laid claim to hers. He silenced her whimper of protest with the deep possession of her mouth. Tila agad din itong nawala sa sarili at mahigpit na yumapos ang mga bisig sa kanya. Deep, tingling sensations rippled through her, so intense, so fantastic, his kiss alone made her lose her mind and her resolve. "You hear me?" tanong nito nang tigilan nito ang paghalik sa mga labi niya. His ragged breath brushed against her skin as he rested his forehead against hers. "Kahit ano pang tulak ang gawin mo sa akin, hindi mo ako mapapalayo. Kasi, hindi lang ako ang papayag na mawala ka sa akin. Lalo na itong puso ko." "Hindi mo puwedeng saktan si Melanie," halos daing na pakiusap niya. "Wala na kami." "Wala na kayo?" Natilihan siya. "Nakipaghiwalay ka sa kanya dahil sa akin," she stated guiltily. "Uh-huh. Pero hindi ikaw ang solely na dahilan n'on. Parang pormal na lang ang breakup namin nang bigla siyang mapauwi dahil sa sumbong ni Bradt tungkol sa napansin niyang epekto mo sa akin. Kahit nang hindi pa tayo nagkakilala, malabo na rin ang relasyon namin. She's always busy with her career, which always came first to her. Hindi naman siguro unfair na tuluyan ko nang pinutol ang relasyon namin dahil parang ganoon na rin ang ginawa niya nang umalis siya nang walang paalam nang mag-away kami dahil sa pagiging busy niya. She didn't even bother to call me. Masisisi mo ba ako?" "I-I don't know. Ako pa rin ang dahilan." Bigla ay nalito siya. "But what was Bradt doing there? Bakit katulong mo pa yata siya sa pagdukot sa akin?" "Dahil binantaan ko siyang magkalimutan na kami kung hindi niya matatanggap na mahal talaga kita. Pinagbigyan ko na siya. Ang misyon naman ng puso ko ang haharapin ko, ang mapaniwalang mahal ko ang rakistang gumulo sa dapat ay simple lang na misyon ko. 'Ayun, natauhan yata at tinulungan din ako." "So, ano'ng sunod mong gagawin kung sakaling wala pa ring mangyari kahit tinulungan ka niya?" seryosong tanong niya. Dumaan ang matinding pag-aalinlangan sa mukha nito. "Avon, naman..." "I don't want to steal someone's boyfriend, Arius. Parang iyon ang nangyari kahit na pagpapanggap lang ang panahong magkasama tayo. Kahit pa may problema rin kayo na dumagdag lang sa dahilan ng breakup ninyo." "Sinasabi mo bang hindi mo pa rin ako mabibigyan ng pagkakataon? You'll let yourself be ruled by your guilt kahit alam mong hindi ko ginusto ito pero naramdaman ko na lang na in love ako sa iyo?" "Ayokong may ibang babaeng maging miserable dahil—" "Dahil iniisip mong tulad din ito ng nangyari sa mama at papa mo. But it's not. Though hindi mo sila masisi dahil nagmahal lang sila. Pero tayo, iba ang namamagitan sa atin. Mas gugustuhin mo bang magpakasal pa ako sa ibang babae para mapatunayan ko sa iyong ikaw pa rin ang mananatiling laman ng puso ko?" Nabaghan siya sa sinabi nito. Nang maisip niya ang mga iyon ay higit ngang nakakatakot na mangyari pa iyon kung ganoong hindi naman niya kailangang tikisin ito. "But—" Tila alam nitong gumuguho na ang paninindigan niya. He leaned closer and kissed her again, as if trying to loosen her tenacious hold on her issue with Melanie. "Siguro nga, puwede ko nang bale-walain iyon. Wala na rin akong magagawa dahil iniwan mo na siya." Nagliwanag ang mukha nito. "Ibig sabihin, okay na?" "No," she said flatly. "Pag-iisipan ko muna. In the meantime, ibalik mo na ako sa studio. I need to be there. Seriously, Arius, lagot ka sa akin kapag hindi ako nakapag-perform sa promotion ng album namin." "Sabihin mong okay na," ungot nito. "I need assurance—" "Ano 'to?" Noon lang niya napansin ang ilang pasa sa mukha nito. Pero ang pasa nito sa kaliwang pisngi nito ay tila bago pa dahil sa pangangasul ng kulay niyon. Mukhang noon lang din nito naalala iyon at napangiwi ito. "Kinausap ko ang papa mo. Nakiusap akong patawarin na niya ako sa nagawa kong pagsisinungaling sa iyo." "What? Si Papa?" bulalas niya. "Yeah. Naglakas-loob akong humarap sa kanya. Nakakatakot nga pala talaga siya kapag nagagalit. Pero nagpakatatag ako para lang makapagpaliwanag. Mukhang naniwala naman siya pero bago natapos ang pag-uusap namin, pinabaunan niya ako ng sapak." Napakagat-labi siya. "Ang sakit siguro niyan." She traced the bruises that marked his handsome face. "Bakit hindi ka umiwas?" "Okay lang, para may pruweba ako sa 'yo na handa ko talagang gawin ang lahat para sa iyo," puno ng damdaming pahayag nito. "Paano ba 'yan, wala pa akong naiiwang bakas diyan sa mukha mo." "Eh, di simulan mo nang mag-iwan, 'yong pinakamalaki, kahit hindi mabura." Walang pag-aalinlangang ipinosisyon pa nito ang mukha. Walang pag-aalinlangang hinila niya ito at pinaulanan ng mumunting halik ang mukha nito. Tila hindi nito inasahan ang ginawa niya pero nasisiyahang tinanggap nito ang mga iyon. "Oh, you're crying!" bulalas nito nang madama ang pagkabasa ng pisngi niya. ""Are you really sure about me, Arius? Kasi hindi naman ako—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil marubdob siyang hinalikan nito. "Hindi mo na kailangang itanong. Kaya nga ako naghahabol. I never expected to feel this way about you, that it made me crazy trying to think of how to win you back. Iyon siguro ang karma ko. Pero karma iyon na buong pusong tatanggapin ko, mapatunayan ko lang na hindi ako papayag na maagaw ka ng iba. I'm so sorry, babe, I really have to abduct you. Ayokong makikitang kasama mo pa ang Roald na 'yon." "Hindi na kailangan." "Huh?" "Hindi naman talaga dahil sa gusto kong suwayin si Papa kaya ako tumanggi noon kay Roald... Ayoko talagang magpakasal sa hindi ko mahal. Kaya hindi talaga ako magpapakasal sa kanya. Nagsinungaling lang ako nang sabihin kong interesado ako kay Roald dahil kailangan kong itaboy ka. We're together because I've found a new friend in him." "Ah, talaga? Okay, mapapanatag na ako kasi sa akin ka naman talaga magpapakasal." "Wala akong sinabing ganyan." Ngumisi siya nang lumarawan ang mas matinding alinlangan nito. "Ah, itutuloy ko na lang talaga ang pag-kidnap sa iyo." Umayos ito ng upo sa driver's seat. "I will gladly wait for you to say 'yes' habang tayong dalawa lang ang magkasama." "Arius! Kailangan mo na akong ibalik doon," utos niya. Nakakalokong nginisihan siya nito. "You have to say what I want to hear first." "Ikaw pa talaga ang nagde-demand?" "Ngayon lang naman. Kasi, 'pag um-'oo' ka na, wala na akong iisipin pang iba kundi ang paligayahin ka." "Are you sure?" "Oo naman." "Tatalon ka rito 'pag sinabi ko?" "Wala namang ganoon. Pero puwede mo akong panakaw na halikan. C'mon! I know how much you've missed me. Hindi rin ako papalag kapag hindi ka nakapagpigil na molestiyahin ako." Iningusan niya ito. "Ang kapal mo! Kagatin kita riyan, eh." Napahagikgik siya. "Okay—" "Yes!" "Pag-iisipan ko," nang-aasar na dugtong niya. Para siyang sira dahil mangiyak-ngiyak siya habang tumatawa. "No! Basta, pumayag ka na." Inihinto uli nito ang kotse at saka hinawakan ang mga kamay niya. "Promise, I'll make it up to you. Hindi na ako hihingi ng sorry, dadaanin ko na lang sa gawa ang pagsi—" Inilapat niya ang daliri sa labi nito. "Sshh... Okay na nga. Alam mo kung ano'ng pinakamasakit no'ng malaman kong may nobya ka pala? 'Yong ayaw maniwala ng puso ko sa isip ko na hindi mo ako totoong mahal. Kasi nangarap na akong ikaw na ang magiging kaligayahan ko." "Oh, babe! Thank you. I love you." He gathered her tightly inside his arms. "I was scared that I'd never get you back pero buo sa isip kong gawin ang lahat para mabawi ka." Dumako ang hinlalaki nito sa mga mata niya. "'Kaso, nagpakipot pa," biro pa nito. "Hindi mo ba ako kakagatin?" She playfully growled at him. Tila handa nga itong magpakagat. She did. She kissed him and bit his lips wickedly. "I love you..." Nalunod na lang ang bungisngis niya nang ito naman ang nanggigigil na kumagat-kagat sa kanya.

                    •••WAKAS•••

Pretensions And Lies - Haze PradoWhere stories live. Discover now