CHAPTER NINE
"WALA ka ba talagang balak umimik? Iisipin ko nang kailangan mo ng halik." Halos mapalundag si Avon sa kinauupuan niya nang bigla na lang pumuwesto si Arius sa harap niya. "Ano ba?" "Ano nga ba? Bakit tulala ka?" Tinangka niyang tumayo dahil sa biglang pagrigodon ng dibdib niya. Pero pinigilan siya nito sa mga hita niya kung saan may kiliti siya. Muntik na tuloy niya itong masipa dahil sa pagkakiliti niya. "Ano ba namang reaksiyon iyan?" bulalas nito. "Eh, nakikiliti mo ako. Bakit ba kasi nandiyan ka sa harap ko?" Hindi na niya itinuloy ang pagtayo. "At bakit ba kasi nandito ka pa? Wala ka bang balak umuwi?" Naihatid na siya nito sa bahay niya mula sa art gallery nang magpumilit itong pumasok sa loob. Wala na siyang nagawa dahil alam niyang ipipilit lang din nito ang gusto hanggang sa sumuko siya. Napagod siya sa nangyari sa gallery pero tensiyonado pa rin siya dahil dito at sa namagitan sa kanila. Dapat ay ang naging sagutan nila ni Axel ang pinagiisipan niya at ang maaaring kahinatnan ng pagkikita nito at ni Bradt. Pero hindi iyon ang pinag-aaksayahan niya ng oras. She might be losing her freaking mind letting that kiss happen. To think na hindi lang iyon simpleng halik na hindi naman kinailangan sa pagpapanggap nila. Sinamantala ni Arius ang pagkakataon at hindi siya naging matigas para tutulan iyon. She had responded to his kisses as if she really wanted it. Anong masamang elemento ang sumapi sa kanya? O mas tamang tanong, gaano na kalala 'yang kagagahan mo? Ayaw na niyang isipin kung ano ang maaaring nangyari kung hindi sa ganoong lugar siya nito pinangahasan. Maybe it would really turn into something... Intimate. Katulad ngayon. Gusto mong ipagpatuloy nang malaman mo? tuya ng isip niya. "Hindi mo pa naipapaliwanag 'yong nangyaring sagutan sa inyo ni Axel." Napipilan siya nang maalala iyon. Bakit ba hindi iyon ang napagtuunan niya ng pansin kaysa kung anoanong kalokohan na may kinalaman kay Arius? "Ano pa ba ang intindi mo sa mga narinig mo?" "May hindi ka sinasabi sa akin. May malalim bang dahilan sa napansin kong animosity niya sa iyo?" seryosong tanong nito. "Hindi na importante iyon." Umaasa siyang makakaiwas na siya sa tanong nito. "Hindi importante? Are you kidding me? Ilang beses ka niyang tinangkang sugurin. Paano kaya kung wala ako roon para pigilan siya?" She sighed. "You should understand her behavior. Natural na iyon. She has despised me ever since I met them." Kumunot ang noo nito. "Anak ako sa labas, sa pagkakasala. A bastard," kaswal na kumpisal niya. His eyes widened. "No... You're joking, right?" Natawa siya nang bahagya. "Ano ka ba? Bakit naman ako magbibiro tungkol sa ganitong bagay? Half sisters lang kami ni Axel at galit siya sa akin dahil doon." Ilang sandaling namagitan sa kanila ang katahimikan. Halatang nagulat ito sa nalaman habang siya ay bahagya nang napayapa ang kalooban dahil sa nakakatulirong sensasyon laging nakapagitan sa kanila. "Kung ako lang ang masusunod noon, hindi ko isisiksik ang sarili ko sa pamilya nila. Masaya na ako sa mga lolo at tiyahin ko. Pero ano ba'ng magagawa noon ng isang batang tulad ko? Isinama ako ng papa ko sa bahay nila, pinatira doon at pilit na pinunan niya ang ilang taon na wala akong kinilalang ama. He's very strict, very authoritarian. Walang nagawa ang pamilya niya nang magpasya siyang kabilang dapat ako sa kanila. Kahit ang asawa niyang si Tita Emily ay walang nagawa kahit masama ang loob nito sa pagkakaroon ni Papa ng anak sa labas." "How about your biological mother?" "She died after giving birth to me. Pero nakilala ko siya sa mga kuwento nina Lolo at Tiya Medina. Katulad ko siya, sa kanya raw ako nagmana. She was a part-time musician; she had a day job as a nursery school teacher. She was blithely unconcerned about her future. Pero nag-iba iyon nang makilala niya ang tanging lalaking minahal niya. She had an affair with a married man. Pero nalaman na lang niyang pamilyado ang papa sa mga unang buwan ng pagbubuntis niya." "At pinutol niya ang relasyon nila?" "Yeah. Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang tama. Inilihim niya kay Papa ang dinadala niya at nagtago siya sa probinsiya. She also hid my father's identity from her family. Umamin na lang siya sa huling sandali ng buhay niya. Kaya hindi na nagulat si Lolo Rogelio nang dumating ang isang Alexander Verona sa bahay niya at nagpakilalang ama ko. He knew he had to give me to him hindi lang dahil mas may karapatan siya sa akin. Alam din ni Lolo na mabibigyan ako ng magandang buhay ng tunay kong ama." "Kilala ang pamilya ninyo pero wala akong narinig tungkol sa lihim ng pagkatao mo." "Dahil itinago 'yon ni Papa. Inako niya ang responsibilidad sa akin pero hindi niya hinayaang lumabas ang eskandalo ng pagkakaroon niya ng bastarda. Pinilit niyang pagtakpan iyon, kahit pa masaktan ang asawa at mga anak niya. Tita Emily adopted me. Alam kong matinding sakit pa ang idinulot n'on sa kanya. Pinilit niyang pakitaan ako nang maganda. I'm grateful to her for that." Pero hanggang doon lang. Dama niyang hindi siya lubusang natanggap nito. She understood. Bata pa lang ay maagang namulat ang isip niya na habang-buhay siyang tagapagpaalala ng kataksilan ng asawa nito sa ibang babae. Napatingala siya kay Arius nang mapansin niya na tuluyan itong nawalan ng kibo. Ngumiti siya nang mapait. Did he think less of her now because she was a bastard? Matagal mo nang tinanggap sa sarili mong negatibo ang magiging tingin sa iyo ng mga tao kapag nalaman ang tunay na pagkatao mo. And you got used to it. Ano ngayon kung mag-iba ang tingin ni Arius sa iyo sa nalaman niya? Sadness seized her heart when he couldn't hide the confusion in his eyes. Nalilito na rin siya sa nararamdaman niya at alam niyang kung patuloy niyang hahayaan iyon na guluhin siya ay hindi kaaya-aya ang kalalabasan niyon na maaaring pagsisihan niya. "Hey! Hindi mo kailangang maawa sa akin. Siguro naman sa sandaling panahon, nakita mong hindi ako ang tipong nagpapaapekto sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa akin. Self-pity is nothing but an excuse na ginagamit ng mahihinang taong ayaw nang lumaban dahil sa paniniwalang maiiwasan nila ang mas masaktan." "And you think you're not doing that?" "A-ano'ng ibig mong sabihin?" "I remember you saying you don't believe the happy ending crap. Hindi ba't paraan din iyon para hindi ka masaktan? Ngayon, malinaw na sa akin kung bakit. Natatakot kang mabigo rin sa pag-ibig tulad ng nangyari sa iyong ina. Kaya pilit mong iniiwasan ang pag-ibig na parang nakakahawang sakit." "What makes you say that?" She mirthlessly laughed. "That will never happen, you hear me? Tama ka, ipinangako ko nga sa sarili ko na hindi ako matutulad sa kabiguan at kamiserablehang naranasan ng nanay ko." "Are you sure about that?" Her eyes narrowed into slits. "Of course. I don't need a man in my life. Kaya nga pilit akong tumatanggi sa pagpapakasal sa akin ni Papa kay Roald." "Keep that man out of this. Iba naman ang tungkol sa kanya sa itinatanong ko. Paano kang nakasiguro na hindi mo kakainin 'yang sinasabi mo?" "Siyempre, sigurado—" "Stop lying to yourself, Avon. Hindi ko paniniwalaan iyan." "Di 'wag," pagtataray niya. Umaasa siyang napagtakpan niyon ang nerbiyos niya. "Gabi na. Umuwi ka na." She gasped when he leaned into her as he placed his hands on her sides. Agad niyang naiiwas ang ulo na kung hindi niya nagawa ay walang hirap na naglapat ang mga labi nila. She swallowed the lump that had quickly formed in her throat. Para na siyang bilanggo sa loob ng mga bisig nito at hindi niya magawang kumilos sa pangambang lalong lalala ang paghuhuramentado ng puso niya sa ayos nila kapag tuluyang nagkalapat ang mga katawan nila. "Wasn't that kiss enough proof that your lips say otherwise? Napatunayan ko nang nagsisinungaling ka, na matindi ang epekto ko sa 'yo." Naging malikot ang kanyang mga mata sa paghagilap ng maipandedepensa. "Really, that was uncalled-for. Pero sinakyan ko lang ang pananamantala mo dahil kailangan din talaga iyon para sa pagpapanggap na magnobyo tayo. That's all there is to it. Kinailangan lang sa arte natin, parang props..." "Kung ganoon pala, kailangan nating mag-practice nang husto. Nanigas ka noong umpisa, halatang hindi ka pa sanay. Dapat nating remedyuhan dahil baka sa susunod ay may makahalata," nakakalokong suhestiyon nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata, sabay tulak sa dibdib nito pero hindi ito natinag. "Don't you dare, Arius! Huwag ka ngang luko-luko!" "What's wrong? Hindi ba't para naman ito sa ikakapaniwala ng iba sa pagpapanggap natin? Para lang ito doon, iyon ang ipinupunto mo, hindi ba? You don't have to be affected so much dahil parte lang ito ng scheme natin." Nabitin na ang kanyang paghinga nang patuloy ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Hindi man lang ito tinablan sa pilit na pagtulak niya rito. "Stop t-this, Arius. Hindi ito kasama sa napag-usapan natin." "I'm including it now. Kailangan nating magpractice para naman hindi ko na uli iisipin sa susunod na halikan kit na hindi na lang dahil sa pag-arte kaya tumugon ka." "Okay!" she screeched out of helplessness. "Sige na, apektado na nga ako. Masaya ka na? You know you're the first and only man who has kissed me kaya natural lang na awkward—Arius!" Natatarantang iniiwas niya ang mukha niya nang sumayad na ang mga labi nito sa sulok ng mga labi niya. "Umamin na ako." "Oo nga. 'Kaso gusto ko nang ituloy ang pag-angkin sa mga labi mo." Kinabig nito ang batok niya at sinalubong ng halik ang mga labi niya. He pulled her towards him; she was almost crushed against his body as he moved closer, putting his weight on his knees to kiss her with force, his probing mouth rekindling the blaze that would again bring her another mind-blowing sensation. Tila biglang inilipad sa hangin ang inhibisyon niya. He now kissed her hungrily, making her feel how much he needed her. Mahigpit na pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito tulad kaninang naroon sila sa gallery at mainit na ginantihan ang pag-angkin ng mga labi nito. She felt him tense above her. Pakiramdam niya ay mabilis siyang nadadarang dahil sa halik na iyon. "Avon... I love you..." Tila siya binuhusan ng malamig na tubig sa kataka-takang malinaw na pagsingit ng mga katagang iyon sa isip niya. Napansin marahil nito ang pagkatigagal niya kaya nahinto ang akmang paglalim uli ng halik nito sa mga labi niyang nilalapatan pa rin ng mga labi nito. "No. H-hindi mo puwedeng sabihin iyan," marahas na bulalas niya. "What? Oh, that? W-well, I—" "Don't!" She frantically stopped him. "But that's what I really feel! And I know...I know that you also feel the same way," giit nito. Marahas siyang umiling. Hindi niya magawang sagutin iyon dahil alam niyang maaari niyang maipagkanulo ang sarili. Hindi pa nga ba? She wanted to yank at her hair in confusion. Ano pa ang silbi na magkaila siya gayong walang reserbasyon siyang nagpatangay uli sa mainit na halik nito? Nakapikit na inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Nanghihina siya at nao-overwhelm sa pakiramdam na idinudulot nito. It was confusing and frightening but she couldn't shake off the feeling of excitement and contentment from just being there with him. Nanatili sila saglit sa ganoong posisyon. She listened to his speeding heartbeat echoing the beating of her own heart. She slowly opened her eyes and stepped out of his arms to see him smiling down at her. "Naniniwala ka na?" "Arius, hindi tama—" "Deny it all you want, sige pagbibigyan kita. Sapat na sa aking hindi naikaila ng mga labi mo ang gusto ko. For now." Hindi na niya ito tinutulan pa. She felt him move to her side and he hugged her lovingly, as if he never wanted to let her go. She loved the feeling it brought her. Alam niyang mali na hayaan niya ito pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung napatunayan na nga nito nang walang kahirap-hirap na hindi na lang dahil sa pagpapanggap ang reaksiyon niya rito? "BINILI mo talaga ito?" Napaawang ang mga labi ni Avon nang tuluyang maalis ang takip ng kuwadradong iniabot ni Arius sa kanya. Nagpunta ito sa bahay niya upang sunduin siya dahil inutusan siya ng kanyang ama na doon sa bahay nito maghapunan kasama si Arius. Kinabahan man siya ay mabilis din siyang nakalma nang walang pagdadalawang-isip na pumayag si Arius nang sabihin niya iyon dito. Alam nilang dalawa na hindi magiging madali ang paghaharap nila ng papa niya. Pero mukha namang kompiyansa si Arius sa kabila ng paalala niya rito na maaaring maging malamig ang pakikitungo rito ng kanyang ama. Handa raw itong tiisin iyon dahil nasa tabi siya nito. It warmed her heart just hearing that. Hindi naalis ang tingin niya sa hawak niyang painting. It was beautiful, with inner torment and outer beauty colliding in a simple yet powerful image of a woman. Nang una pa man niyang makita iyon sa Insignia ay agad na siyang nahalina sa partikular na painting na iyon. "Nakita ko kasing gustong-gusto mo iyan. Nakiusap ako kay Arthur na ireserba na lang para sa akin." Hindi makapaniwalang napatingin siya sa nakapamulsang si Arius. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. "Pero siguradong mahal 'to." May ilan din siyang nakita sa exhibit na humanga sa painting na iyon na nagpahayag ng kagustuhang mabili iyon. Nagkibit-balikat ito. "It's okay. Para naman sa iyo." Napakurap siya sa lambing sa tono nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "Hindi ko yata matatanggap ito. Wala namang dahilan para bigyan mo ako ng ganito kamahal na bagay," pagtanggi niya. "Hindi ako papayag na tanggihan mo iyan," determinadong wika nito. "Pero bakit mo ba kasi binili pa ito para lang ibigay sa akin? Hindi ko naman sinabing—" "You see yourself in this painting." Lumapit ito at hinawakan ang isang gilid ng painting. "Iyon din ang nakikita ko. It reminded me of you." Bumalik ang tingin niya roon. Hindi niya alam pero mukhang nababasa nito ang nilalaman ng isip niya. He was right. It was like her, ang nakatalikod na babae sa painting. Nakapaling sa kaliwa ang mukha nito, may misteryoso at maliit na ngiti sa sulok ng mga labi. The woman exuded strength that was evident in the way she had ripped the red gown she wore. Nakataas ang kamay nitong may hawak sa laylayan ng damit na pinunit sa bandang mukha. But the stuff that covered her eyes gave the painting a feeling of gentleness and melancholy. She tore her gaze from it as she again felt the tender feeling it had given her the very first time she realized that it was almost like a depiction of herself. "Then you should keep it. Iyon pala ang dahilan mo, eh," aniyang iniabot dito ang painting. "Meron na ako. Pero kung gusto mo, palit na lang tayo," nakangising wika nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang ipakita nito sa kanya ang painting na naging saksi sa paghahalikan nila noon sa art gallery. Hindi na iyon naulit pa nang sabihin ni Arius sa kanya na mahal siya nito pero mula noon ay naging mas malambing ito sa kanya. May agam-agam pa rin sa dibdib niya pero sapat na ang makasama niya ito para makalimutan niya iyon. She even thought that if she'd let him do that she'd soon fall helplessly in love with him. Bakit hindi pa ba? tudyo ng maliit na boses sa loob niya. Uh-oh! Panghawakan mo ang puso mong nagsisimula nang mahulog. "Ano? Mas gusto mo ba ito?" pukaw ni Arius sa kanya. How could she be so dumb for being so confident that she wasn't in love with him? Napailing-iling siya sa realisasyong iyon. "Para saan ang iling na iyan?" amused na tanong nito. "Nakakainis ka! Bakit ko gugustuhin ang naghahalikang painting na iyan?" "Well, you'll get this if you refuse the painting of that lady in the ripped red gown. Ano? Pumili ka." Nabura ang ngisi nito nang naaasar na sikmuraan niya ito bago kinuha ang painting na binili nito para sa kanya. "Very good." Nasisiyahang inilapag nito ang isa. "Mamaya na natin hanapan ng mapagsasabitan iyang portrait mo. Ayokong mahuli sa dinner natin kasama ang pamilya mo." Her heart swelled when he possessively placed his arms around her. Hindi na yata niya kayang habulin ang puso niyang nahulog na para dito.
YOU ARE READING
Pretensions And Lies - Haze Prado
RomanceKontento na si Avon sa simpleng buhay na mayroon siya. Nagsimula lang magulo ang mundo niya nang makialam ang papa niya sa pagpili ng lalaking pakakasalan niya. Nang gabing ipinakilala siya nito kay Roald ay iyon din ang gabing nagkrus ang mga landa...