Chapter 2

1.1K 38 1
                                    


"Mavy." Tawag ko sa babaeng kanina pa tulala habang nakatingin sa akin.

Alam kong nakita niya ang ginawa ko kaninang pagpalit ng damit gamit ang aking kapangyarihan.

"P-po... " kita kong nanginginig ang mga labi nito kaya napabuntong hininga ako.

"Maghanda ka dahil aalis tayo mamayang madaling araw. "

Nakita kong bahagya itong natigilan. Sino nga ba'ng hindi? Ang kilala niyang mabait at masunurin na si Senna ay ibang-iba na mula ng magising ito.

"Si-sigurado ka ba jan sa sinasabi mo? Ba-baka mahuli tayo at malalagot sa madrasta mo! " kinakabahang ani n'ya.

Inis kong piningot ang aking ilong.

"Gawin mo nalang ang sinabi ko, o baka naman gusto mong magpaiwan at maparusahan dahil na wala ako? " tass kilay kong tanong.

Namutla ito sa aking sinabi't dali dali itong lumabas ng aking kwarto.

Napahinga ako ng malalim. Hindi pwedeng ma iwan ang babaeng 'yon dito baka maparusahan siya ng aking demonyang madrasta.

Sumapit ang hating gabi, handa na ang lahat ng dapat naming dalhin ni Mavy. Pera na puro ginto, mga damit, sapatos, sandals, at purong-purong. Madami pa kaming bitbit at hindi ko na iyon ma isa-isa pa.

"Handa na ba ang lahat, Mavy? " tanong ko kasabay non ang pagtali ng aking mahabang buhok.

"Handa na ang lahat, Binibining Senna. " mahinahong sagot nito.

Taimtim ko siyang tiningnan, bakas ang kaba sa mukha nito kaya hindi ko napigilang magsalita.

"Kung natatakot ka sa gagawing ito pwede ka namang maiwan. Ayoko ng kasamang mahina pa sa mahihina ang loob. " malamig kong ani kaya mabilis itong nag angat ng tingin sa 'kin.

"Hi-hindi! Sasama ako... Sasama ako! "

Hindi ko mapigilang hindi mapangisi ng biglang magbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa pagiging kabado ay napalitan ito ng aura na hindi na takot.

"Mabuti kong ganon dahil wala na akong panahon para balika  ka dito sakaling maiwan ka't parusahan ng madrasta ko. "

Napalunok ito sa aking sinabi.

Napako ang aking tingin sa orasan at napangisi. Oras na para maka alis sa ma'la impyernong bahay na 'to!

"Oras na para tayo ay lumisan. " ani ko na nagpapako sa mga paa ni Mavy.

Taka ko itong tiningnan dahil Kitang-kita ko paano mamutla ang buong mukha nito.

"A-ano? Te-teka... Wala sa usapan natin 'yan, Senna, umayos ka! "

Napatawa ako sa naging reaksyon nito.

"Hahaha! You're funny. It's not what you think it is. Ang ibig kong sabihin ay aalis na tayo! "

Napahinga ito ng maluwag.

"Isa pa, huwag mo akong tawaging my lady o 'di kaya naman ay Binibini, tawagin mo akong Senna. Simpleng tao na tayo pagkalabas natin sa mansyon na ito, Mavy. "

Agad itong tumango sa aking sinabi. Buti naman at attentive ang isang ito kundi iiwanan ko talaga siya dito.

Dahan dahan ang aming pagbaba sa hagdan, iniiwasan naming makagawa ng ingay baka marinig kami ng mga bantay sa labas ng mansyon na ito, mahirap na.

Agad kaming pumunta sa back door ng kusina at matiwasay na nakalabas ng bahay ngunit agad din kaming napatago sa nagtataasang bulaklak ng bigla naming nakita ang isang gwardiya ng naglalakad na sa tingin ko'y nagpapatrolya.

Nagtingin-tingin pa ito sa palibot at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mawala ito sa aming paningin.

Tiningnan ko si Mavy at sinenyasan itong sumunod sa akin kaya agad itong kumilos. Kaharap na namin ngayon ang matayog na pader.

"Paano tayo lalabas? " takang tanong ni Mavy.

"Hindi tayo lalabas. " sagot ko sabay tingin sa kaniya.

"Ano?! " 'di makapaniwalang bulong nito.

Isang ngisi ang nabuo sa aking labi. Kasabay ng pagkumpas ng kaliwang kamay, ay ang pagkasabay ko naman na bigkasin ang mga katagang hindi nila alam.

"£lliedañàr! "

Isang liwanag ang nabuo sa aming harapan dahilan na makarinig kami ng mga nagtatakbuhang yabag.

Gulat na napatingin si Mavy sa ginawa kong portal.

"Pa-pa—" hindi ko na ito pinatapos pa't nagsalita ako.

"PUMASOK KA NA DALI!! " sigaw ko sabay hila sa kanya papasok sa portal.

Saglit ko pang binigyang tingin ang mga gwardiyang gulat na napatingin sa akin at sa portal na gawa ko. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa portal na ito.

Hanggang sa muli... Sa muli nating pagkikita hindi na mahina ang anak na hindi ninyo itinuring na anak.

"ARAY!! "

Agad akong napatingin sa taong dumaing. Dali dali kong inalis ang paa kong naka apak sa kaliwang kamay ni Mavy at tinulungan itong tumayo.

"Ayos ka lang? " tanong ko.

"Mukha ba akong maayos?! Saka ano 'yun?! Kelan ka pa natuto sa ganun?! "

Napangiwi ako sa sunod sunod na tanong niya sa akin.

"Saka ko na sabihin sa 'yo kapag naka hanap na tayo ng safe place. " ani ko at na unang maglakad.

Pareho kaming may bitbit ng kaniya-kaniyang gamit, she insisted to carry my things but I refused. Paano pa niya dadalhin mga gamit ko kung napakadami ng gamit na dala niya?

Napahinto kami sa paglalakad ng bumungad sa amin ang maingay at bibong kabahayan. Madami ring mga traveler's inn na pwede naming pagcheck innan kaso halos lalaki naman ang naro'n.

Ito ang tinatawag nilang sentro ng kaharian, ang Lannister City. This city belongs to the kingdom of Targaryen, where the king of kings lived.

Meron din silang na sabing paaralan kung saan ito ang nag iisang paaralan ng Targaryen kingdom which is the Stark Academy.

"Maghanap na tayo ng matutuluyan, Mavy. " tumango ito sa aking sinabi.

Napili naming magcheck-in sa pinakadulong Traveler's inn dahil wala masyadong tumutuloy dito dahil cheap ang traveler's inn na ito. Gusto yata ng iba bongga ang tutuluyan nila. Tsk!

But for me, mas makakatipid kami kung dito. Sadyang maarte lang talaga ang iba kaya mas pinipili nila ang mahal kesa sa mura.

"Dalawang kwarto. " sabay lapag ng apat na ginto. Sa harapan ng kahera.

Tila na gulat pa ito sa gintong nilapag ko.

"Senna, sobrang-sobra na iyang apat na ginto... " bulong ni Mavy.

Nagkibit balikat na lamang ako.

"Binibini, sobra po ang bayad niyo, ang apat na ginto ay katumba na ng apat na buwang pamamalagi dito kasama na ang mga pagkain at pangangailangan ninyo. "

Tumango ako sa sinabi ng kahera na halata paring gulat.

"Madadagdag na lamang ako kung aabutin kami ng lagpas apat na b'wan. " tanging sagot ko sabay kuha ng dalawang susi na ibinigay nito sa amin.


SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon