Tahimik akong nakatingin sa maliwanag na buwan. Tandang-tanda ko pa ang mga nangyari bago ako na punta sa katawang ito.Sinubukan namin ng kapatid kong I-colide ang araw at buwan to create another dimension from sun and moon and with my sister's spell she can create living creatures. She insisted to help me kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag.
Pero dahil may pagkabobo at lampa ang kapatid ko na sipa niya ang isa sa mahiwagang bituin na nakapalibot sa akin habang sinasayaw niya ang ritwal kaya nakagat nito ang kaniyang dila habang binibigkas ng spell.
Kaya Imbis na gumawa siya ng may buhay na nilalang eh ako ang pumalit sa kaluluwang lumisan sa katawang ito!
Kung may salamin nga lang akong hawak ngayon ay malamang nakikita ko na siguro ang sarili kong umuusok ang ilong sa inis!
"Huwag ka lang talagang magkamaling magpakita sa 'kin, Zepporan, kundi lagot ka talaga sa 'kin! " nangigigil kong bulong sabay sara ng bintana.
Masilayan lamang ang buwan ay panatag na ako, idagdag pang mas lumalakas ako kapag nasisilayan ko ang liwanag niya ano pa kaya kung araw na?
Nagising ako sa lakas ng katok mula sa pintuan ng kwartong ito. Muntik ko ng makalimutang wala na pala kami sa impyernong mansyon na iyon kaya napakagat labi ako habang bumabangon mula sa matigas na kama na tanging manipis na sapin lang ang nagsisilbing higaan ko.
"Senna?! "
Agad kong binuksan ang pintuan ng silid at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Mavy.
"Kailangan mo, Mavy? " pikit matang tanong ko.
"Ang tagal mong buksan ang pintuan kaya nilakasan ko, kakain na tayo. " ani niya kaya napamulat ako ng aking mga mata.
"Okay, magbibihis lang ako. " tumango ito ng kaniyang ulo at sinara ko naman ang pintuan nitong kwarto.
Tahimik kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. I snapped my fingers, and it immediately changed my clothes into decent ones.
She's beautiful. Senna is beautiful as me. Kamukha ako nito ngunit hindi yung tipong parang kambal.
There's still a huge different between us.
Tahimik kaming kumakain ni Mavy ng aming breakfast. Unti unti na ding dumadami ang mga tao sa labas.
"Magandang umaga mga binibini! Mga bagohan kayo rito? "
Napaangat kami ng ulo ni Mavy sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa gilid ng aming lamesa.
"Opo, hehehe. " hinayaan kong si Mavy ang sumagot dahil wala akong interes na makipag-usap sa hindi ko naman kakilala.
"Ngayon ko lang kasi nakita ang inyong mukha, ako nga pala ang nag mamay-ari ng inn na ito, hala siya sige at ako'y maglilinis pa! " nakangiti itong umalis at tinulungan ang iba pang trabahante.
"Anong plano mo ngayon, Senna? " tanong ni Mavy ng makalabas kami ng inn.
Balak ko sana munang libutin itong maliit na city kung makakahanap ba ako ng makakakuha ng aking atensyon.
"Maglibot." Sagot ko at naunang maglakad.
Tahimik kaming nag lilibot ni Mavy. Simpleng pamumuhay lamang ang meron dito. Ang City of Lannister ay nahahati sa apat, ang Northian Lannister, Southian Lannister, Westian Lannister, at Eastian Lannister. Ang city na ito ay napapagitnaan ng apat na Lannister.
The Northian Lannister ay kung saan namumuhay ang mga noble elementalist. They lived a luxurious life in there ang iba din sa kanila doon ay kasama sa mga matataas na ranggo sa militar nitong kaharian.
BINABASA MO ANG
SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I)
Fantasy"Senna." "Bakit, ho? " kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. "Senna, ayusin mo ang paraan ng iyong pagsagot! " saway ng aking ina. Bahagya pa akong napangiwi ng mapansin na magkapareho pa kami ng pangalan ng katawang ito... Fan ko ba ang mga ma...