Chapter 4

1K 38 0
                                    

"ANO?! "

Agad kong tinakpan ang bunganga nito dahil sa lakas.

"Kumalma ka. Kasama mo ba si Zayan? " tanong ko.

"Oo, kasama niya ang prinsipe nitong kaharian... "

"Sabihin mo sa kanya ang nangyari para hindi na siya magulat pa. "

Iyon ang huli kong sinabi bago ako tawagin sa entablado.

Saglit ko pang binigyan tingin si Priel sa 'di kalayuan na nakatingin sa aking puno ng pag-aalala.

Walang pagdadalawang isip kong hinawakan ang bolang kristal na siyang umilaw ng nakakasilaw. Marami ang nagtaka dahil hindi nila nakita ang aking elemento bugkos umilaw lamang ito ng sobra dahilan na mapapikit pa ang iba at mga guro na nandito sa entablado.

Agad kong inalis ang aking kamay saka humarap sa lalaking tumatawag ng mga gustong pumasok sa paaralan nila.

"Kamangha-mangha! Ano ang iyong elemento, binibini? " nakangiting tanong nito

Pinanatili kong nakatikom ang aking bibig. Hindi na nila kailangan pang malaman kung ano iyon.

"Mukhang ayaw niyang magsalita kaya maari ka ng bumaba. " agas akong bumaba at lumapit kay Mavy na nakanganga pa.

"Itikom mo baka pasukan ng langaw. "

Dali-dali niya itong itinikom at niyakap ako puno ng panggigigil.

"Wahhhh!!! Pareho tayong makakapasok sa Stark Academy!! "

Tango lang ang aking sagot. Inilibot ko ang aking tingin sa mga kasama ko at bakas sa karamihan ang pagka dismaya ang iba naman ay masaya.

Bahagyang napakunot ang aking noo kasabay non ang pagka pako ng tingin ko sa taas ng isang shop. Nakita roon si Priel at kasama nito si Zayan na laglag panga pang nakatingin sa akin.

Naagaw ng lalaking katabi nila ang aking atensyon dahil sa malamig nitong titig sa akin. Tila ba nakikita niya ang mga bagay na dapat si Priel at Zayan lamang ang makakakita.

Ganun na lamang ang pagkunot ng aking noo ng makita ko itong nag smirk sa akin.

Sino siya? Bakit siya kasama ng dalawa?

"Senna? "

Napaigtad ako sa biglang pagtapik sa akin ni Mavy kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayos ka lang? " takang tanong nito sa akin

"Oo." Sagot ko.

I took a last glace sa pwesto nila Zayan ngunit wala na sila doon.

Gabi na ng maka balik kami sa aming tinutuluyan. Nang magmadaling araw ay kailangan naming bumalik sa kung saan kanina nagtipon-tipon ang mga nag qualified na maka pasok sa paaralang iyon 'tulad namin.

Hinanda ko na ang mga gamit na aking bitbit mula ng umalis kami sa mansyon. Akala ko'y magtatagal kami sa inn na ito ngunit hanggang akala lang pala dahil isang gabi lang ang aming pagtulog at aalis na para papasok sa akademiya.

"Handa kana? " tanong ni Mavy ng maka labas ako sa inn.

Tango lamang ng aking ulo ang sagot at tahimik na umalis sa inn na iyon. Nag iwan na lamang ako ng sulat sa kahera dahil wala ito kanina pagkababa ko.

"Sawakas at kumpleto na tayo! Ang lahat ay pumasok na sa mga karwahe! " nakangiting ani ni Ginoong Nicolo.

"Sa akin kayong dalawa sasabay dahil puno na ang mga karwahe. " baling nito sa amin ni Mavy.

"Nako naman po, nagmumukha kaming espesyal niyan! " natatawang sagot ni Mavy.

Ano namang espesyal do'n? Normal na sakanya sasabay dahil tulad ng sabi nito ay wala ng espasyo para sa amin sa ibang karwahe!

SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon