Nang maka pasok kami ng battle arena ay agad kaming humanap ng aming mauupuan. Nasa ikatlong palapag kami pumwesto para Kitang-kita namin ang mga mangyayari sa ibaba.
Unti-unti na ring napupuno ang battle arena. The headmistress stood up at naglakad papunta sa pinaka dulo ng entablado kung saan ito naka puwesto.
Lahat na tahimik ng makita nila ang ginang. Kahit ang mga kasama ko'y natahimik at napaayos ng upo.
"Good morning everyone! This will be Second anniversary that we will celebrate together with our King and Queen. Let us welcome, King Felipe and Queen Elisia! "
Lahat ay nagsitayo at nagbigay pugay sa mag asawang tumuntong ng entablado. Mahahalata mo sa kanila ang saya habang naka tingin sa mga estudyanteng naka yuko para galangin sila.
I saw King Felipe's eyes landed on me. Bahagya pa itong nagulat ng makita niyang walang emosyon ko itong tinitingnan.
I can clearly see his face, isa ito sa aking abilidad bilang dyosa. Kaya Kitang-kita ko ang gulat na reaksyon ng hari ngunit agad rin itong napalitan ng isang ngiti.
Hindi siguro nito akalaing may katulad kong hindi yuyuko sa katulad niya.
"Fuck! Yumuko ka baka pugutan tayo ng ulo! " tarantang bulong sa akin ni Lindon na nasa aking likuran.
Napairap ako't pilit na tumayo at bahagyang yumuko.
Kahit naman putulin nila ang aking ulo'y mabubuhay at mabubuhay parin ako dahil hindi maaalis ang katotohanang dyosa ako.
"Salamat sa inyong pagbigay galang. You may all rise. " naka-ngiting ani ng Reyna kaya agad akong umupo.
Umupo na din ang mag asawa sa kanilang upuan.
"And now, let's welcome the elites! Priel Kalixto and Zayan Lindon, together with the one and only prince of Targaryen Kingdom, Prince Damon Tieran!! "
Agad na puno ng hiyawan ng sunod sunod na umakyat sa entablado ang tatlo.
Sikat pala ang mga kwago, hindi na nakakapagtaka kung bakit kada uwi ng dalawa sa heavenly realm ay puno ng kahanginan ang kanilang mga ulo!
Agad silang umupo sa upuang naka assign sa kanila. Katabi ng mga ito ang hari't reyna.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Ang leveling na ito ang magpapatunay kung gaano na kalakas ang bawat isa sainyo. Kakalabanin ninyo ang mga beast na lalabas galing sa ilusyon na aming gagawin, at kung sino ang may mataas na puntos ay siya'ng magiging pang-apat na myembro ng Elites. "
Tila ba mga bubuyog ang mga estudyante dahil sa kanilang bulung-bulungan.
Kahit ang mga kasama ko'y gulat at 'di maipinta ang mga itsura.
"Ano'ng mga mukha 'yan? " inis kong tanong sa kanila.
"Wala naman. Wala naman sigurong bubuwag sa atin 'noh? " tanong ni Abygail na may kasamang malungkot na ngiti.
"Syempre wala! " natatawang sagot ni Lester.
"All for one, one for all kaya tayo! " Nakangiting dagdag ni Miyo sa sinabi ni Lester.
"Ano'ng masasabi mo leader? " baling ni Lindon sa akin kaya sa akin na punta ang kanilang atensyon.
"Kung ano ang nilalaman ng puso, iyon ang sundin ninyo. Hindi pwedeng hadlangan ito ng kungsino man. " huling sinabi ko bago magsimula ang leveling.
Abygail got 89 points
Red got 80 points
Nancy got 82 points
Purple got 81 points
Mavy got 90 points
Indigo got 87 points
Lindon got 80 points
Lester got 83 points
BINABASA MO ANG
SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I)
Fantasi"Senna." "Bakit, ho? " kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. "Senna, ayusin mo ang paraan ng iyong pagsagot! " saway ng aking ina. Bahagya pa akong napangiwi ng mapansin na magkapareho pa kami ng pangalan ng katawang ito... Fan ko ba ang mga ma...