CHAPTER 1

174 4 0
                                    

[CHAPTER 1]

NAPA-ATRAS ako habang pinagmamasdan ang matangkad na lalaki sa harapan ko, para itong nahihirapan, hindi ko maunawaan ang sinasabi nya kakaibang lenggwahe na ngayon ko lang narinig.

"Fuck!"paulit-ulit nya iyon sinasabi ano ang ibig sabihin ng salitang iyon.

"Sir anong nangyari!?"tumakbo ako sa matandang babae at tumago sa likod nya sabay tahol ko sumilip ako para makita ang reaksyon ng lalaki, pulang-pula ang mukha nya parang kasing pula ng lumabas sa pagitan ng hita ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non bakit may kulay pula akong nilalabas.

"Anong sinabi ko paalisin mo yan bakit nandito pa yan?"sigaw nya, nakakatakot sya para sya yung lalaking lasing na binato ako ng bato dahil maingay daw ako.

"Sir naawa po kasi ako!"napalingon ako sa matanda dahil sa sinabi nya, napangiti ako at nilambing sya sa binti.

"Aw aw aw!"saad ko, ngumiti sakin ang matanda.

"Manang alam nyo ba kung anong ginawa ng lintik na abnormal nayan?"sigaw parin nito.

"Ano pa ba ang ginawa Sir?"

"Kinagat nya! para tuloy akong bagong tuli!"tumawa ang matanda.

"Baka kasi Sir pinagkamalang buto!"

"What? Buto mukha ba itong buto"muling tumawa ang matanda, nalilito ako sa pinaguusapan nila.

"Sir Buto naman talaga ang tawag jan!"

"Damn it sumasakit ang ulo ko, paggising ko ayaw kung makita yan!"sabay turo nito sakin.

"Wag nalang po kayo dumilat Sir para hindi nyo sya makita!"

"Ahhhhh"sigaw ng lalaki at padabog na tinalikuran kami. Yumuko ang matanda at hinaplos ako kaya naman muli akong napangiti.

"Naku ikaw naman bakit mo kasi kinagat yung alaga ni Sir ayun tuloy nagalit!"kumunot lamang ang noo ko.

"Halika na nga mabuti pa papaliguan na kita!"sabay hila nito sakin gumapang naman ako. Inalalayan ako ng matanda pero agad din akong napalayo ng makita ang agos ng tubig.

"Aw aw aw!"saad ko ayoko kung mabasa dahil nilalamig ako.

"Magiging maayos din ang lahat!"pagpapa-amo nya sumunod naman ako. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang malamig na tubig sa buong katawan ko pagkatapos nya akong bihisan ay napatingin ako sa matulis na bagay na hawak nya.

"Sayang itong buhok mo sobrang ganda pa naman!"saad nya pinagmasdan ko lamang sya sa ginagawa nya kahit nalilito na ako sa nangyayari. Kumikinang ang mga mata nya, napatakip pa sya sa ng bunganga.

"Ang ganda mo!"saad nya napangiti nalang ako kahit hindi ko alam kung anong ibig ng salitang iyon.

"Tandaan mo dito kalang sa tabi ko at wag mo nang tahulan si Sir para hindi ka palayasin sundin mo nalang ang inuutos nya!"tumahol ako kahit papano naman naiintindahan ko ang sinasabi nya sadyang may mga bagay na hindi ko alam.

"Maranuong ka bang magsalita?"umiling ako, hinaplos nya ang buhok ko.

"Tuturuan kita pero bukas na!"saad nya.

"Matulog kanalang dito!"saad nya sa malambot na higaan umiling ako mas sanay akong matulog sa sahig.

"Hay naku kawawa ka naman!"saad nya bago ako hinayaan na matulog sa sahig bago ko ipikit ang mga mata ko naramdaman ko nalamang ang pagbalot nya sakin para hindi ako lamigin.

Nagising ako sa sinag nang ilaw sa kalangitan, wala na yung matanda sa malambot na higaan. Gumapang ako para pumunta sa lugar na maraming pagkain pero nasa lubong ko yung matangkad na lalaki.

"Ay putcha!"sigaw nito mukhang nagulat sya ng nakita ako pinagmasdan ko sya, tinakpan ng dalawang kamay nya kung saan kinagat ko yung buto nya na malambot ang akala ko sa mga karne lang ang meron nun meron din pala sa kanya.

"Manang!"sigaw nya at lumayo sakin nanginginig pa ang katawan.

"Sir bakit po?"tanong ng matanda.

"Anong sinabi ko palayasin mo na'to?!"masama syang tao tinaholan ko sya.

"Aw aw aw!"

"Paalisin mo na yan!"umungol ako at nagliliyab ang mga mata ko na tinignan sya naitikom nya ang bibig nya.

Sabi sakin pag masama daw dapat kagatin.

"Makakapatay yan!"sigaw nya ulit.

"Sir hindi po natin sya pwede paalisin pag namatay yan mumultohin ka mapupunta ka sa empyerno!"saad ng matanda dahilan para mapatulala ang matangkad na lalaki.

"Damn it! Ilayo mo lang yan sakin!"saad nya bago kami iwan.

"Naku pumayag na si sir na manatili ka dito!"saad ng matanda ngumiti ako at gumapang papalapit sa kanya.

"Hay naku dapat hindi ka ganyan maglakad!"saad nya sakin hinawakan nya ang dalawang kamay ko para alalayan na tumayo pero natumba lang ako.

"Naku mukhang maraming bagay yata ang ituturo ko sayo!"saad nya tumahol lamang ako. Pina upo nya ako sa gilid at pinagmasdan syang nagluluto tulad sa mga nakikita ko sa kalsada.

"Ito kumain ka muna!"tumahol ako sa tuwa dahil kanina pa ako nagugutom.

"Manang-"hindi natapos ng matangkad na lalaki ang sasabihin nya ng mapatingin sya sakin pinagdilitan nya ako, gusto ko man syang tahulan ay pinagsabihan ako ng Matanda na wag kung gagawin iyon. Dahil baka paalisin daw ako kaya lambingin ko nalang  pero ayoko ko masama sya.

"Sir anong kailangan nyo?"tanong ng Matanda.

"Darating si Quennie gumawa kayo ng paraan para hindi na bumalik ang babaeng iyon dito kung gusto nyong lagyan ng lason ang pagkain nya gawin mo!"saad nya bago sya umalis ay tinaasan nya ako ng kilay.

"Hay naku si sir talaga!"napailing-iling ang matanda pinagmasdan ko muna ito bago umalis. Naaliw ako sa lawak ng lugar sobrang bango din hindi tulad ng tinutulugan ko noon mabaho pero dito sobrang mabango. Napatigil ako sa paggapang ng makita ang matangkad na lalaki.

Cellphone?

Nakita ko na ang bagay nayun at narinig sa mga taong napapadaan.

"What Feral Child?"saad nya kausap nya.

"Ibig mo sabihin ang batang iyon ay nakaranas nang pang-aabuso tulad ng kinukulong malayo sa mga tao kaya naging abnormal ang kilos nya o sa madaling salita mga aso ang naging kasama nya kaya ang tingin nya sa sarili ay aso rin!"saad nya.

"Sige na-"hindi nya natapos ang sasabihin nya ng mapalingon sya sakin.

"Tatawagan nalang kita!"saad nya tinalikuran ko na sya pero nahabol nya ako humarang sya sa dadaanan ko.

"Feral Child really!"nakangising saad nya lumayo ako sa kanya ng aabutin nya ako.

"Hindi kita sasaktan!"maamo nyang saad, yumuko ako at ngumiti ng kunti, naramdaman ko nalamang ang kamay nyang humaplos sa buhok ko agad akong tumalon sa kanya, nasa ibabaw nya ako.

"Aw aw aw aw!"mabait na sya ngayon linabas ko ang dila ko para dilaan ang mukha nya na ikinagulat nya at nagpalamabing ako sa kanya.

Dapat palagi syang mabait!

MoonLoverPrincess2

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon