CHAPTER 11

109 6 1
                                    

[CHAPTER 11

KINAUMAGAHAN hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang palagi kong pinagmamasdan ang singsing na binigay ni Trojan. Asawa na niya ako. Maaga siyang umalis dahil meron daw siyang aasikasuhin.

"Masaya ako para sa'yo, Pepay"ngumiti ako at niyakap si Lola. Kung nandito rin si Manang, sigurado akong masaya rin siya. Sana ay nasa mabuting kalagayan siya dahil tinulungan niya kami ni Trojan na magtanan. Sabi ni Ella at Angie, nagtanan daw ang tawag doon. Kumunot ang noo ko nang makita ko silang bihis na bihis. Inilahad nila sa akin ang isang puting bestida at tinanggap ko naman ito. Sabi nila ay may pupuntahan kami kaya dapat maganda ako. Hinayaan ko silang ayusan ako. May mga makukulay silang inilagay sa mukha ko at pulang kulay sa labi ko.

Ang ganda mo, Pepay. Bagay na bagay kayong dalawa ni Trojan"matamis akong ngumiti sa kanila. Pinaalam na nila ako kay Trojan. Dinala nila ako sa isang gusali na tinatawag na munisipyo.

"Trojan"tawag ko nang makita ko siyang nakasuot ng puting polo. Nandpon si Lola at ang mga kaibigan namin. Inilahad ni Ella ang isang bulaklak sa akin, kumalabog ang puso ko, at hindi ko alam kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko. Sinenyasan ako ni Angie na maglakad papalapit kay Trojan. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Nang makalapit ako sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko.

"Pinapangako ko, Pepay, magpapakasal tayo ulit sa mas maganda"umiling ako sa sinabi niya.

"Ayos na sa akin ang ganito"matamis siyang ngumiti at tuluyan na talaga akong naging asawa niya.

"Mabuhay ang kasal"sigaw ni Angie at Ella.

"Congrats, pare"saad nina Alex at Lance.

"Salamat sa inyo"saad ni Trojan.

Sa bahay na kami naghanda: pansit, lumpia, fried chicken, juice, at maliit na cake. Yun lang ang nakayanan ni Trojan. Sabi ko sa kanya kahit wag na, pero special daw ang araw na ito dahil kasal namin, kaya dapat may handa kami. Tumabi sa akin si Ella at Angie.

"Naku, baka masira niyo yung kama"pagbibiro ni Ella. Bigla akong namula dahil sa sinabi niya.

"Sa laki pa naman ni Trojan, talagang masisira"saad naman ni Angie at nagtawanan sila. Pilit akong ngumiti sa kanila dahil kinakabahan ako sa mamayang gabi. Nang lumapit sa amin si Trojan, agad silang umalis na dalawa. Nakangiti siyang umupo sa tabi ko at agad niya akong niyakap ng mahigpit, sumiksik siya sa leeg ko.

"Pepay, sobrang saya ko"napangiti ako sa sinabi niya.

"Masaya din ako, Trojan. Sana matanggap na ako ng mama mo"mabigat siyang bumuntong-hininga.

"Mamayang gabi"napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon, gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya.

"Papagurin kita"mahina ko siyang tinampal sa balikat. Tumawa lamang siya at hinalikan ang mga labi ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Mahal na mahal ko talaga siya. Sana balang araw ay matanggap na ako ng mama niya. Dumating ang gabi at naglakad-lakad ako. Nasa banyo si Trojan. Nauna akong naligo at sumunod naman siya. Bigla akong napa-upo sa kama nang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Tumagal ang titig ko sa hubad niyang dibdib hanggang sa matagpuan ko ang tuwalya na nakapulupot sa bewang niya.

"Trojan"tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko, ikinagulat ko iyon.

"Pepay, kung kinakabahan ka, pwede naman nating hindi gawin. Nagbibiro lang naman ako"napanguso ako at yumuko.

"Pasensya na, Trojan"inabot niya ang pisngi ko at masuyong hinaplos iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko para mapatingin sa kanya, matamis ang ngiti niya.

"Mahal kita, Pepay, at nirerespeto ko ang desisyon mo kung hindi ka pa handa, ayos lang sa akin. Pag handa ka na, gawin natin"niyakap ko siya at umiyak.

"Pepay"saad niya at hinaplos niya ang likod ko. Natatakot ako at nakokonsensya dahil ito dapat ang gabi na gagawin namin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa, pero eto ako at nag-iinarte. Natulog kami ni Trojan ng magkatabi. Kinaumagahan, maaga akong nagising para magluto ng almusal. Maya-maya, may naramdaman akong braso na yumakap sa bewang ko. Hinalikan niya ako sa pisngi pababa sa leeg ko.

"Trojan, baka makita tayo ni Lola"

"Eh ano naman, asawa na kita"mahina akong tumawa at hinayaan siyang yakapin ako. Doon lang siya napalayo sa akin nang ilalapag ko na ang mga pagkain. Tinulungan niya ako. Nakuha niya pa akong subuan kaya nakaramdam ako ng hiya dahil nakatingin sa amin si Lola. Pero nakangiti lang ito. Kung si Manang siguro ito, baka asarin lang ako nito at kung ano-ano na lang ang sabihin.

"Mag-iingat ka, Trojan"sabay kaway ko sa kanya nang sumakay na siya sa bangka. Kumaway din siya sa akin.

"Ano, magaling ba si Trojan?"tanong ni Ella nang makarating na ako sa pwesto na tinitindahan namin.

"Hindi naman ginawa"saad ko na ikinalaglag ng panga nila. Matamis lamang akong ngumiti sa kanila at sinabi ang nangyari kagabi.

"Naku, girl, dapat gawin niyo na yun lalo na maraming mga lalaki na tigang ngayon, lalo na si bola-bola baka maagaw na niya ng tuluyan si Trojan"naglaho ang ngiti ko sa sinabi nila.

"Ito ngang si Lance, talagang palagi kong pinagbibigyan minsan dahil normal sa mag-asawa ang ganung bagay"saad ni Angie. Pinangaralan nila ako. Buong maghapon, tulala ako dahil nakaramdam ako ng takot na baka maghanap ng ibang babae si Trojan at punan ang pangangailangan niya.

"Ang dami niyong nahuli"saad ko kay Trojan nang umuwi na sila kasama sina Alex at Lance. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Inilapag ko sa lamesa ang pagkain. Nang makaupo na siya, agad niya akong hinila para mapa-upo sa kandungan niya.

"Trojan"saway ko. Ngumiti lamang siya at nagsimulang kumain gamit ang kamay. Noong una, hindi siya sanay magkamay pero ngayon ay sanay na sanay na. Nakuha niya pa akong subuan.

"Trojan, gawin na natin mamayang gabi"bulong ko sa kanya, dahilan para bigla siyang mabilaukan. Kinuha ko ang tubig at inilahad sa kanya iyon.

"Maaga tayong uuwi"seryosong saad niya at humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Napalunok naman ako.

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon