CHAPTER 13

124 6 0
                                    

[CHAPTER 13]

LIMANG TAON ang lumipas, ngunit patuloy pa rin akong nangangapa sa mga alaala ng nakaraan. Paulit-ulit kong inaalala ang lahat ng nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sakit. Maraming nangyari sa limang taon pagkatapos kong iwan si Trojan. Kasabay ng pag-alis ko ay ang pagpapakilala ng tunay kong mga magulang. Nahanap daw nila ako sa isang Facebook post. Nakidnap pala ako ng isang katulong, pero nakatakas ako at naging palaboy-laboy.

Napalingon ako nang marinig ang iyak ng anak namin ni Trojan. Matamis akong ngumiti at kinarga siya. Apat na taon na si Tristan Pejo Guerrero, at malapit na ang kanyang kaarawan. Walang naganap na divorce, kaya ang apelyido ni Trojan ay gamit ko parin at ganun din sa anak namin. Sa madaling sabi, kasal pa rin kami. Hindi ko kayang harapin si Trojan dahil ako ang may kasalanan kung bakit mag-isa na lang siya ngayon at hindi niya nakilala ang anak naming si Tristan.

Nang malaman ng pamilya ko ang sinapit ko, lahat ng suporta ay ibinigay nila sa akin. Nag-aral ako, at ngayon ay nagmamay-ari na ako ng isang coffee shop. Naging hilig ko ang mag-bake at magluto, marahil dahil pinagsilbihan ko si Trojan noon sa probinsiya. Naging maayos na rin ang mga kaibigan namin ni Trojan. Si Lance at Angie ay maayos na ang pamumuhay at may tatlo nang anak. Si Ella at Alex naman ay nagpakasal na at may isa nang anak. Sa kaarawan ni Tristan, pupunta silang lahat.

"Mam, may customer pong nagwawala"sabi ng tauhan ko.

"Rita, kargahin mo muna si Tristan"sabi ko. Tumango siya at kinuha si Tristan. Lumabas ako ng opisina at rinig na rinig ko ang sigaw ng isang lalaki. Malaki ang katawan nito at nagwawala.

"Sir, ano pong problema?"tanong ko. Bigla siyang naging maamo nang makita ako, pero hindi ko nagustuhan ang tingin niya.

"Ikaw ba ang may-ari ng shop na ito?"tanong niya. Tumango ako. Lumapit siya sa akin pero pinigilan siya ng guard. Tinaas ko lang ang kamay ko na hayaan akong lapitan niya. Ramdam ko na natatakot ang mga customer namin dahil sa lalaki.

"Ito kasing inumin ko, sabi ko hot coffee pero ang binigay sa akin cold coffee"

"Hindi po totoo 'yun, mam"ñaglalaban ng isa kong tauhan.

"Anong hindi-"hindi ko na siya pinatapos.

"Sige, bibigyan ka na lang namin ng bago para hindi ka na magwala"seryoso kong saad.

"Gusto ko refund"napahawak ako sa noo ko.

"Fine"walang ganang saad ko.

"5,000"nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Excuse me, sir. Hindi naman aabot ng 5,000 'yang coffee"inis kong saad.

"Miss, ang laki ng perwisyong dinulot ng tauhan mo. Responsibilidad mo iyon na ayusin ang lahat. Pero kung bibigyan mo ako ng gusto ko, quits na tayo"sabay nguso niya.

Dahil sa inis at galit na naramdaman ko, sinampal ko siya na ikinagulat niya.

"T*ngina"mura niya. Nanlaki ang mga mata ko nang akmang sasampalin niya ako, pero may bumato sa kanya ng isang cup ng coffee kaya naibaba niya ang kamay niya.

"Aba't sino ang gago na 'yun?"sigaw niya at nagpalinga-linga. Ganun din ako hanggang sa makita ko ang lalaking kanina ko pa iniisip. Nakamulsa siya at naka-suit, mahaba ang kanyang buhok kaya nakatali ito. Kulay grey ang buhok niya. Kung gwapo siya noon, mas doble ngayon.

"Trojan"bulong ko.

"G*go ka"sigaw ng lalaking nagwawala. Hindi na siya nakalapit kay Trojan dahil pumasok ang mga guard at kinaladkad siya palabas.

"Bumalik na po tayo sa mga inuupuan natin. Pasensya na po"sabi ng manager.

"Mabuti na lang at dumating si Sir Pogi"napalingon ako sa baklang manager na tauhan ko. Nakangisi ang mga labi niya habang lumalapit kay Trojan at tinatanong ang order nito. Napapaso ako sa malalim na tingin ni Trojan. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko, para akong maiihi. Humakbang siya papalapit sa akin kung saan nasa likod ko ang counter. Para na akong maduduling sa sobrang lapit namin. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Pakiramdam ko ay mas lalo siyang tumangkad. Linabas niya ang wallet niya at inilahad niya ang credit card sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod. Nanginginig ang mga kamay ko nang tanggapin iyon.

"Black coffee"malamig niyang saad.

"Mam Penelope, kanina pa pong umiiyak ang anak niyo"pareho kaming napalingon ni Trojan kay Rita. Umiiyak nga si Tristan. Agad akong napalayo kay Trojan. Nang makarga ko na si Tristan, dali-dali akong pumasok sa opisina ko. Kasabay noon ay ang pagsiksik ni Tristan sa dibdib ko at pagtigil ng kanyang pag-iyak.

Ninanamnam ang katahimikan at iniisip ang muling pagdating ni Trojan. Hindi ko maalis sa isip ko ang kanyang mga tingin at ang malamig niyang boses. Ang mga nakaraang taon ay puno ng sakit at pangungulila, pero sa kanyang muling pagdating, tila bumabalik lahat ng alaala.

Bakit ngayon pa?

MOONLOVERPRINCESS2

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon