CHAPTER 6

116 4 0
                                    

[CHAPTER 6]

"Pasensya na Trojan"saad ko habang pinupunasan ang natapon na kape sa may puson nya.

"Pepay"mahina nyang tawag sakin kaya naman ay napalingon ako sa kanya.

"Tumayo kana"paos nyang saad sumunod naman ako sa sinabi nya pagkatayo ko ay hinablot nya ang braso ko para makalapit sa kanya nanlaki ang mata ko ng siniil ng labi nya ang labi ko hindi naman iyon nagtagal. Napahawak ako sa labi ko pakiramdam ko ay magkalapit parin ang mga labi naming dalawa. Tulala ako ng umalis sa kwarto nya.

"Ba't ang tagal mo sa kwarto ni Sir may ginawa kayo no?"panunukso ni manang umiling ako sa kanya pero hindi sya naniwala.

"Sus Pepay, hinalikan ka na naman ni sir no?"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Tama nga ako"

"Masama po ba yun?"tanong ko napabutong sya.

"Masama kung hahalikan mo ang isang tao na wala naman kayong relasyon"

"Relasyon? Sabi niya ayaw nya daw akong maging kapatid pwede daw yung asawa"nabitiwan nya ang kutsara na hawak nya, kumunot ang noo ko ng maglaho ang pilyong ngiti.

"Pepay bata ka pa si Sir matanda na Yun"napabutong sya at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Pilyo si Sir Trojan bata palang ay sinong-sino ng babae ang nilalandi nya maslalong lumala iyon ng dumating na Sir Trojan sa tamang edad kung sino-sino nalang ang kalumpangan kahit kailan hindi pa sya nagseryoso sa mga babae at lalo na sa isang tulad mo"mahabang paliwanag nya napahawak ako sa didbib ko bakit nakakaramdam ako ng sakit at lungkot.

"Inosente ka Pepay at wala ka pang alam sa relasyon mas mabuti pa iwasan mung magkagusto kay Sir Trojan"

"Gusto ko syang maging pamilya"malungkot kung saad.

"Kayong dalawa gusto ko maging pamilya"dadag ko niyakap ako nito ng mahigpit.

"Gusto ko rin Pepay parang anak na ang tingin ko sayo ayaw kitang makitang nasasaktan"gumanti ako ng yakap.

Masama pala ang magkagusto sa kanya! Kinaumagahan ay tulad ng sinabi ni Manang ay umiwas ako kay Sir Trojan tulad nalang ngayon.

"Pepay!"tawag nya sakin pero hindi ko sya pinansin inabala ko ang sarili ko sa paglilinis sa lamesa rinig ko ang mabigat nyang buntong.

"Pepay"tawag nya ulit, wag mo sya pansinin ni Pepay saad ko sa sarili ko.

"Are you mad?"wala akong naitindihan sa sinabi nya pero narinig ko na iyon.

"Galit ka sa ginawa ko?"napatigil ako sa pagpunas sa lamesa, umiling nalamang ako.

"Pasesnya na sa ginawa ko kung padalos-dalos ako"hinayaan ko lang sya magsalita.

"Pepay wag naman ganito pansinin mo naman ako"kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Pepay please wag naman ganito"paos nyang saad humarap ako sa kanya.

"Ano po ba ang tingin nyo sakin?"hindi ko alam kung saan ko nakuhang maging matapang sa harapan nya.

"Sabi ni manang masama daw na magdampi ang mga labi ng dalawang tao kung hindi naman sila magkarelasyon na dalawa"dagdag ko pa gulat na gulat sya.

"Pepay!"lumayo ako ng akmang hahawakan nya ang kamay ko.

"Pamilya! Gusto kung maging pamilya kayo ni manang"naiiyak kung saad.

"Kayo nalang ang meron ako kaya sana wag mo nang ulitin ang ginawa mo sakin dahil naguguluhan na ako bakit ganito ang pakiramdam ko"

"Sabihin mo anong nararadamdaman mo?"seryoso nyang saad.

"Lumakas ang tibok ng puso ko pagmalapit ka sakin, gusto kung ngumiti pag nakikita kita"naitikom nya ang bibig nya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko"naiiyak kung saad hinapit nya ang bewang ko at mahigpit na niyakap.

"I'm sorry"paulit-ulit nya iyon binigkas dahan-dahan nya akong nilayo, ngumiti sya ng sobrang tamis.

"I will court you!"

"Ano?"hinaplos nya ang buhok ko hindi ko talaga sya maintindihan.

"Ibig kung sabihin liligawan kita!"

"Ililigaw mo ako akala ko ba ayaw mo akong mawala sa tabi mo bakit mo ako ililigaw?"humahalakhak sya.

"Liligawan hindi ililigaw"

"Anong ibig sabihin non?"malalim syang nag-isip.

"Susuyuin kita paggalit ka, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo at higit sa lahat ay mamahalin ka"napahawak ako sa didbib ko ito na naman kumalabog na.

"Mamahalin parang pamilya?"tanong ko.

"Higit pa doon Pepay"ngumiti nalamang ako sa kanya. Kahit naguguluhan ako sinasabi nya ang mahalaga ay masaya ako.

"Anong gusto mung bulaklak?"saad nya nasa swimming pool kami tatlong araw na yata ang lumipas. Napaisip naman ako ng malalim.

"Malunggay"

"Malunggay may bulaklak ba non?"seryoso nyang tanong.

"Oo"saad ko.

"Pagkain anong gusto mong pagkain?"napa-isip ako ng malalim.

"Yung may buto yung nasisipsip yung buto"saad ko.

"What?"sigaw nya sa gulat.

"Yung may sabaw, masarap yun!"

"Tatanungin ko nalang si Manang tungkol sa buto na may sabaw"

"May gusto ka pa bang malaman sakin?"tanong ko sa kanya, umiling sya at niyakap ako ng mahigpit.

"What about cuddle tayo?"

"Ano yun?"

"Yakap magyakapan tayo buong magdamag"sabay ngisi nya.

"Yakap lang?"napahalakhak sya sa tanong ko.

"Oo yakap lang wala ng iba"sabay halik nya sa noo ko.

"Trojan bakit mo ako gusto?"tanong ko na at mukhang hindi nya inaasahan yun.

"Hindi ko alam"

"Hindi mo alam baka totoo yung sinabi ni manang na dahil inosente ako at birhen kaya binobola mo ako"naglaho ang ngiti sa labi nya at naging seryoso ang expression nya.

"Hindi ganun ang habol ko sayo"seryoso nyang saad.

"Bakit hindi mo masagot yung tanong ko?"napabutong sya.

"Basta ang alam ko lang masaya ako pagkasama ka at natatakot akong mawala ka"

"Baka ibang pagmamahal yun tulad ng gusto mo akong maging kapatid o pamilya baka ganun din ang nararadamdaman ko hindi pang relasyon"lumayo sya sakin.

"Ibig sabihin hindi karin sigurado sa nararadamdaman mo?"

"Trojan naguguluhan kasi ako ! dahil ito ang una na maramdaman ko ito at hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito basta tulad ng sinabi mo ay ganun din ang nararadamdaman ko para sayo, tulad ng natatakot akong malayo ka sakin parang nahihirapan akong huminga pag-inimagine ko sa sarili ko nalalayo ka sakin parang nasasaktan ako"mahiba kung paliwanag hinawakan nya ang dalawang kamay ko at seryosong tumingin sakin.

"Sabay nating alamin ang nararadamdaman nating dalawa"tumango ako sa sinabi nya sabay namin aalamin ni Trojan.

MoonLoverPrincess2

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon