CHAPTER 2

143 6 0
                                    

[CHAPTER 2]

HINAWAKAN nya ang dalawang balikat ko para ilayo ako sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanya, namumula ang buong mukha nya.

"Damn!"saad nya at tumayo.

"Kailangan mo na talagang gamotin!"saad nya.

"Sir nandito na po yung bruha este si Quennie po!"saad ng matanda tumingin ito sakin.

"Mabuti pa doon muna kayo sa swimming pool!"saad nito.

"Sige po sir!"lumapit sakin ang matanda muli akong gumapang pero tumigil din ako sumulyap ako sa kanya nakatingin din pala sya sakin.

"Iha halikana!"saad ng matanda tumango naman ako at muling gumapang. Inalalayan ako ng matanda para makaupo, nanginginig ang mga tuhod ko dahil hindi ako sanay sa ganitong posisyon.

"Libro ito tuturuan kita!"saad nya napangiti naman ako at biglang nakaramdam ng kasiyahan.

"A, E, I, O, U!"saad nya pero hindi ko sya na sundan.

"Isa pa- teka wala ka pang pangalan ano ba pwedeng ipangalan sayo kung Pepay kaya"saad nya tumango ako.

"Simula ngayon ay Pepay na ang pangalan mo!"sabay tapik nya sa noo ko. Kailangan kung tandaan na Pepay ang pangalan ko.

"Magsisimula tayo sa letrang A, sabihin mo AAAAAA"nanginginig ang mga labi kung binuka ang bibig ko at sinunod ang sinabi nya bigla syang napahalakhak kaya napatigil ako.

"Para ka namang umuungol Pepay!"saad nya.

"Sige isa pa AAAAAA"huminga ako ng malalim at muling sinunod ang sinabi nya. Ilang oras pa ang nilaan namin hanggang sa matutunan ko.

"Ako si Pepay pinapangako ko magiging mabait ako kay Sir"napanguso ako nagsinugaling ako! Marunong akong magsalita sadyang nahihiya ako paano kung magkamali ako. Pinagsaklop ko ang mga daliri ko sabay buka ng bibig ko.

"Ako si Pepay pinapangako ko magiging mabait ako kay Sir"natulala ang matanda dahil sa ginawa ko hanggang sa narinig ko ang malakas nyang palakpak.

"Magaling kana!"nakangiting saad nya. Tinuruan nya ako magbasa at mga iilang bagay ang tawag sa ilaw sa kalangitan ay araw. Hindi nahahawakan at hindi rin natitigan.

"Nakakapagod ka palang turuan! kukuha lang ako ng pagkain dito kalang wag kang aalis!"akmang tatahol ako ng pinandilitan nya ako wag ko na daw gawin iyon pero hindi ko mapigilan.  Napatingin ako sa mga paa ko wala na ang mga galos, ayoko ng umalis dito lalo na ay may tumutulong sakin para maging normal ako.

"What I said-"merong babae na napalingon sakin kumunot ang noo nya lumapit sya sakin.

"Who are you?"saad nya hindi ko sya naiintindahan.

"Are you deaf bitch!"bulyaw nya sakin, masama sya bumaba ako sa upuan ko at gumapang papalapit sa kanya kita sa mga mukha nga ang gulat ng makalapit ako sa kanya ay kinagat ko sya.

"Ahhhhh"sigaw nya.

"Anong nangyayari- shit!"naramdam ko nalamang na merong yumakap sakin. Napalingon ako sa kanya napangiti ako ng makilala sya.

"Ako si Pepay pinapangako ko magiging mabait ako kay Sir"saad ko nanlaki ang mga mata nya lumapit ako sa kanya at dinilaan ko sya sa pisngi.

"Oh my gosh Trojan sino yan?"sigaw ng babae muli akong napalingon sa babae at tinaholan sya masama sya.

"Leave now Quennie!"saad ng matangkad na lalaki na yakap-yakap parin ako.

"You're not a serious Trojan, right?"saad ng babae.

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon