CHAPTER 14

123 6 0
                                    

[CHAPTER 14]

NAPALUNDAG ako sa sobrang gulat nang may kumatok sa pinto. Napalunok ako at kinakabahan na binuksan iyon. Isang hakbang niya ay nakapasok na siya sa loob ng opisina ko. Matalim ang mga mata niya sa akin, pero lumambot lamang iyon nang makita niya ang batang karga ko. Sunod-sunod siyang napalunok at tila nanginginig pa ang buong katawan niya.

"Anak ba natin siya?"nanghina ako at nabitiwan ko ang card na binigay niya sa akin.

"Hindi"pagsisinungaling ko. Nanliit ang mga mata niya, muli siyang humakbang papalapit sa akin.

"Wag mo akong pinagloloko, Pepay. Anak ko siya"galit niyang saad. Ramdam ko ang pagpipigil niyang huwag akong sigawan.

"Wala tayong anak"pagsisinungaling ko pa rin. Kunti na lang ang distansya sa pagitan namin. Nanginginig ang kamay niyang inabot ang pisngi ni Tristan.

"Don't f*cking fool me, Pepay. He's my carbon copy"namumungay ang mga mata niya at parang maiiyak din siya.

"I want to hold him"napayuko ako at mahigpit kong kinarga si Tristan, natatakot akong ibigay sa kanya baka itakas niya lalo na sa dami kong naging kasalanan sa kanya.

"Ayoko"mahinang saad ko.

"Akin din siya, Pepay. Anak ko siya"pagpapaintindi niya sa akin. Umiling ako.

"Akin lang siya"

"Bullsh*t"

Umiyak si Tristan, pareho kaming nataranta. Kinuha ko ang bote sa lamesa at nilagay iyon sa bibig ni Tristan. Kasalanan ito ni Rita, nandito naman yung bote sa lamesa ko bakit kailangan niya pang lumabas? Nakita tuloy ni Trojan.

"Gusto ko siyang mahawakan"nanginginig si Trojan. Wala na akong nagawa nang inagaw niya sa akin si Tristan. Ngumiti ang mga labi niya nang isang kamay ni Tristan dumampi sa pisngi niya. Sobrang liit talaga ni Tristan, dalawang taon pa lang at mahina din ang resistansiya kaya bantay sarado talaga ako.

"D*mn, sobrang liit"umiwas ako ng tingin nang mapalingon siya sa akin.

"What's his name, Pepay?"tumikhim ako.

"I'm Penelope, Trojan. I'm not Pepay anymore"seryoso kong saad. Ngumisi siya sa akin kaya napalunok ako.

"Ikaw pa rin iyon"napabuntong hininga ako.

"Tristan Pejo Guerrero"mababang saad ko. Lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Mabuti naman at nilagay mo ang apelyido ko sa pangalan ng anak natin""

"Dahil kasal pa tayo"nakanguso kong saad.

"Yeah, kasal pa tayo akala ko nakalimutan mo"may pagkasarkastiko ang pagkasabi niya noon.

"Hindi mo siya idadala, Trojan"matapang kong saad at tumingin sa kanya. Dumilim ang mga mata niya.

"Bakit hindi?"

"Dahil nandito ako. Kaya ko na siyang alagaan"mapakla siyang tumawa.

"Pepay-"

"Penelope sabi"

"Pepay!"diin niya.

"Basta akin lang siya"

"Hindi lang siya sa'yo, Pepay akin din siya"

"Ako ang nag-alaga sa kanya"medyo tumaas na ang boses ko.

"T*ngina, dahil wala akong alam! Kung hindi ko pa nakita si Tristan, wala kang balak na ipaalam sa akin. Ikaw na ngang nang gago, tapos ang lakas ng loob mong sumbatan ako"galit niyang singhal sa akin. Napatigil ako dahil tama ang mga sinabi niya. Ako na nga ang nag-iwan pero ako pa itong may lakas na loob na manumbat.

"Kahit na, Trojan pwede mo naman siyang bisitahin pero hindi na tayo magsasama"sabay tingin ko sa kanya.

"Sino bang nagsabi sa'yo na magsasama pa tayong dalawa? Nandito lang ako para sa anak natin at wala na rin akong balak makipagbalikan sa manlolokong tulad mo"umiwas siya ng tingin sa akin at tinuon iyon kay Tristan. Napahawak ako sa dibdib ko, nasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Sabi ng mga tauhan ko na nandito ka sa coffee shop na ito kaya pinuntahan kita dahil gusto kitang kausapin tungkol sa divorce papers nating dalawa"kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, namumuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Mag-divorce na tayong dalawa"

"Fine! Kung yan ang gusto mo, pero hindi mo makukuha sa akin si Tristan!"sigaw ko at kinuha sa kanya si Tristan, pero nilayo niya iyon sa akin.

"Hindi ako makakapayag, Pepay, na sa'yo lang siya. Anak ko rin siya, hindi siya mabubuo-"

"Hindi siya mabubuo dahil sa sperm mo. Kung wala rin ako, hindi siya mabubuo. Nine months ko siyang dinala sa tiyan ko, kaya kung magsusumbatan tayo, mas marami yung akin"umiiyak na akong saad sa kanya.

"Nakikipag-divorce ka sa akin dahil niloko kita at iniwan kita wala naman akong choice dahil ginipit ako ng mommy mo. Sabi niya sa akin na hindi ka niya tutulungan pag nakadikit ako sa'yo. Ayaw naman kitang mawala dahil mahal na mahal kita kung ikaw ang nasa posisyon ko, Trojan, mahihirapan ka rin"panunumbat ko. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"Pipirmahan ko ang divorce papers pero hindi ko hahayaan na kunin mo siya sa akin"pumiyok ako.

"F*ck"saad niya sabay yakap niya sa akin.

"T*ngina, Pepay, nagbibiro lang naman ako"pinunasan ko ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Ano?"sabay lingon ko sa kanya. Nakangisi ang mga labi nito pero ang kanyang mga mata ay emosyonal.

"Sinabi na sa akin ang lahat ni Mommy ang totoo niyan, nandito ako hindi dahil sa divorce papers, kundi sa'yo at hindi ko rin aakalain na ito-ito ang makikita ko"tumulo ang mga luha niya.

"Pangarap ko ito, Pepay pangarap ko na bumuo ng pamilya hindi ako napagod na hanapin ka bumalik ako sa Isla pero kahit ni isa sa mga kaibigan natin ayaw kang ituro kung saan ka kaya naman wala akong choice kundi mag-hire ng mga tauhan para ipahanap kita. At ito, nahanap ka nila kaya nandito ako. D*mn, pinaiyak kita"sabay halik niya sa noo ko.

"D*mn, Pepay, you're a troublemaker"sabay patong ng noo niya sa balikat ko. Nakatulala ako habang si Tristan ay inosente lang na nakatingin sa amin. Nalilito siguro sa nangyayari, kahit ako ay ganun din.

"Mahal na mahal pa rin kita, Penelope Guerrero"emosyonal na saad niya.

Anong nangyayari?

MOONLOVERPRINCESS2

SHE'S A TROUBLEMAKER [MAID SERIES 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon