1

317 8 0
                                    

Chapter 1

Abala sa negusyo ang panganay sa triplets na anak nang mag asawang Leonel At Adriana na si Rogue, at sa idad nitong Thirty two ay nais na nang binata na mag ka anak, subalit wala siyang panahon para sa mga babae, tila ba napag lipasan na siya nang panahon sa panliligaw, kaya ang tanging gusto niya nalang ngayon ay anak na mag dadala sa kanyang pangalan pag dating ng araw.

Ang dalawang kapatid niyang si Homer at Wesley ay nakapag asawa na at ikinasal na sa kani kanilang mahal sa buhay, pero siya nanatiling nag hahanap nang babaeng mag dadala sa sinapupunan nang kanyang magiging anak.

"Good evening Hijo mabuti naman at dumating kana." Naka ngiti ang kanyang ina nang salubungin siya nito sa intrada nang pintuan,

"May napansin akong kotse sa garahi may bisita ba tayo mommy.?" Tanong ni Rogue na hinalikan ang ina sa pisnge,

54 na ang kanyang ina at ang ama naman ay nasa sixty na at siya nalang na panganay ang nag aasikaso sa kanilang negusyo, dahil si Homer At Wesley ay may sarili nang mga negusyo.

"Yes Hijo, in fact kanina kapa namin inaantay." Lalong lumawak ang ngiti nang kanyang ina.

Hindi na niya tinanong kung sino ang tinutukoy nitong bisita bagkos ay iginala ang kanyang paningin sa sala. at nahagip nang kanyang mga mata ang mag asawang Vermida kasama ang anak nang mga itong dalaga.

Si Lucy

Tiningnan niya ang mga ito bago tapunan nang tingin ang seryosong ama na naka upo din sa sofa katapat nang bisita bago bumuntong hininga, Alam niya ang rason kung bakit naroon ang pamilyang iyun.

"Maupo ka Hijo para pag usapan natin ang nalalapit na kasal niyo ni Lucy, at nang sa ganon hindi mo na kailangang humanap pa nang surrogate mother." Saad nang kanyang ama.

Hindi siya nag abalang sulyapan ang mag asawang Vermida, kilala niya ang mga ito bilang business partner nang dad niya, pero tingin ba nito sa kanyang idad ay papatol siya sa Fix marriage.

Kung hindi lang niya iniisip ang mga ito ay matagal na niyang nilisan ang bahay, may sarili siyang Condo pero sa kahilingan nang magulang bilang nag iisa nalang siyang single ay pumayag siyang umuwi parin dito, pero hindi ibig sabihin nun na pweding manipulahin nang magulang ang kanyang buhay pag ibig.

"Helloooo good Evening.....!!" Noon ay bumukas ang pinto at pumasok si Vanna na naka ngiti,walang iba kundi ang adopted nang kanyang mga magulang,

Nag tatrabaho na ang dalaga sa isang hospital bilang Nurse, at madalas gantong oras ang uwi  nito.

Dahil sa malakas nitong boses ay nabaling sa dalaga ang attention nang lahat maging siya ay napa tingin sa dalaga na bagaman madalas makita sa mansyon ay hindi niya binibigyan nang pansin,

Sampong taon lang ito nang mapulot sa lansangan nang ina at dahil napaka gandang bata ay pinang hinayangan itong baka mapariwara kaya nag apply ito para sa adoption paper nang bata, kaya naging myembro ito nang kanilang pamilya, ito ang bumubuhay sa mansyon kapag nasa bahay. nag bibigay nang sigla sa mga magulang, walang sinuman ang hindi mapapansin ang kagaya nitong makulet bukod sa kanya na mainit ang dugo reto, at hindi niya alam kung bakit.
Basta hindi niya tanggap si Vanna sa kanilang pamilya, kaya noon paman ay binalaan niya na itong wag lalapit sa kanya na sinunod naman nang dalaga,

"Dad, mom may bisita pala kayo...?" Tanong ni Vanna at idinaan sa pag  ngisi ang hiyang nararamdaman, paano naman kase naka tingin sa kanya ang lahat. Hindi naman kase niya akalaing may ibang tao sa mansyon,

"Yes Hija come here, siya ang magiging Ate Lucy mo, ang mapapangasawa nang Kuya Rogue mo." Masayang wika nang mommy Adriana niya.

Napamulagat si Vanna at parang may kung anong punyal na tunarak sa puso niyA,

"Hello.!" Alanganin niyang binati si Lucy na nginitian lang siya,

Sinulyapan niya si Rogue na  naka tayo di kalayuan sa mga ito, wala siyang makikitang kahit na anong emosyon sa mukha,

Ang pag kaka alam niya ay nag hahanap nang surrogate mother si Rogue hindi mapapangasawa, pero bakit nasa bahay na iyon ang pamilya nina Lucy, kilala niya kase ang babae dahil minsan na itong nag tungo sa mansyon,

Napa sulyap sa kanya si Rogue kaya mabilis siyang nag iwas nang tingin,

"Excuse me po mom , dad mauna na ako sa kwarto...." Pag papalam niya dahil di naman niya gustong makitang makipag mabutihan sa iba ang lalaking noon paman ay laman na nang puso niya,

"Okay Hija.!" Masayang wika nito at binalingan si Rogue bago iniupo sa tabi nang ama,

Habang papalayo ay naulinigan niyang kailangan daw mangyari sa lalong madaling panahon ang kasal.

Nang hina siyang napa upo sa gilid ng kanyang kama pag dating sa kanyang silid. Binalot siya nang matinding kalongkutan na hindi niya maintindihan,

Ni hindi nga siya nakakain nang hapunan kahit na ipinatawag sa  maid at nag kunwari siyang tulog, mas gusto niyang mag mukmok sa kwarto niya. Alam naman niyang walang katugunan ang nararamdaman niya para sa lalaki ngunit hindi parin niya mapag aralang kalimutan ito,

Pasado alas dyes na nang gabi nang maka ramdam siya nang gutom. saka pa lamang siya lumabas nang kwarto at tinungo ang kusina,

Nag kagulatan pa sila ni Rogue dahil nasa kumidor pala ito at may hawak na baso na ang laman ay alak,

Alam niyang mainit ang dugo nito sa kanya ramdam niya yun simula paman nang tumuntong siya sa bahay na iyon,

"Ahh pasensya kana hindi ko alam na nandito ka, babalik nalang ako sa kwarto." Aniya, natatandaan niya kase ang sinabi nito noon na wag lalapit reto nang isang metro,

Pipihit na sana siya patalikod ng mag salita ito,

"Its okay , do what you want." Himalang hindi galit ang boses nito,

Nag kibit balikat siya at Nag hain  nang makakain bago umupo sa harapan nang lalaki,  habang kumakain ay sinulyapan niya ito.

"Bakit ka umiinom nag didiwang ka naba sa nalalapit mong kasal.?" Mapait siyang ngumiti, masakit kase iyon para sa kanya,

"Hindi ako mag papakasal stop talking nonsense. Kumain ka nalang dyan. ."Masama siya nitong tinapunan nang tingin bago sinaid ang laman ng baso,

Ewan pero para siyang timang na napa ngiti, titig na titig ang dalaga sa namumulang mukha ni Rogue dahil sa alak na nainom nito,

"Totoo hindi mo type si Lucy..? Hindi kayo mag papaksal.? Pero paano nangyari yun.? Kasama niya yung mga parents niya kanina dito.?" Naguguluhan niyang tanong sa lalaki.

"Sino kaba sa tingin mo para mag explain ako sayo, Just eat and leave gusto kong mapag isa.." Naging matigas ang sunod  nitong kataga.
Bumalik nanaman ang pagiging suplado nito kaya naumid siya.

Well sanay na siya sa  kasungitan nito, isa iyon sa namimiss niya sa binata, mabuti pa nga si Homer at Wesley ay kinakausap siya nang maayos pero itong si Rogue parang laging dragon na gustong mag buga nang apoy kapag nag kakaharap silang dalawa. Pero sa kabila nito ay nanatiling mahal niya ang lalaki.

Adopted Surrogate Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon